Chapter 26: The Show

20.6K 275 11
                                    

Lights glared from all directions. 

Sa labas ay isa isa nang nagdadatingan ang mga celebrities at mga prominenteng tao, both local and international. Busy din ang press sa pagkuha ng mga pictures at interviews sa mga guests na dumadating. Ramdam na ramdam ang excitement ng lahat para sa event na iyon. 

Samantalang ibang iba naman ang eksena sa loob. Karamihan sa mga modelo ay tumatakbo na sa backstage. Ang mga make up artists naman ay abala na rin sa pagaayos at final touches. 

"Chandria!" Tawag ni Steve Hart, isang gay fashion show producer, habang nakasilip sa pintuan ng dressing room. 

"Yes?"  Lumingon sa kanya si Kathryn habang inaayos ang damit ng isa sa mga modelo. 

"10 mins to go, darling!" Kumindat si Steve at saka lumabas muli. 

Kinakabahan na si Kathryn. Feeling nya ay anumang oras ay lalabas na ang puso nya sa ribcage nya. She had this kind of adrenaline rush sa tuwing may fashion show sila at parang never na syang masasanay dito. Parang laging first time nya. 

Iniinspect ni Kathryn ang mga outfit para masiguradong ayos ang lahat. Matapos iyon ay tumayo sya sa isang sulok at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. 

"Are you okay?" Tanong ni Claire, ang Amerikanang assistant nya na lumipad pa from California. 

"Oh. I've been better. You know, like on days when my pulse is actually normal and my head doesn't spin every ten seconds." Pabirong

sagot nya dito na ikinatawa naman ni Claire. 

"You'll be fine. I mean, look at those people coming in!" Turo ni Claire sa monitor kung saan nakatune in sa isang fashion channel at kasalukuyang finifeature ang Glitz Event. 

Tiningnan ni Kathryn ang monitor at nakita ang maraming artistang dumadating. Nakita nyang nasa red carpet sina Anne Curtis, Georgina Wilson, at Isabel Daza. May mga Hollywood din gaya nila Hillary Swank, Gwyneth Paltrow and Natalie Portman. 

"I heard Nina Dobrev and Ian Somerhalder flew in from their shoot in Atlanta just to see your show." Sabi muli ni Claire. 

Alam niyang pinapakalma lang sya ni Claire. But the thing is, lalo syang kinakabahan habang nakikita ang mga taong nandoon. 

Pano kung may mangyaring mali? Eh di nakita nilang lahat ang kapalpakan nya? 

"Want me to call Diego and make him get his cute butt down here this instant?" Biro ni Claire.

 "You check out his butt?" Natatawang sagot niya. 

"Can't help it, sorry. Besides, why do you think I'm in this company to begin with?" At lalo syang natawa dito. 

"Well, I know he'd want to be here but he has some business convention that he can't possibly leave behind." 

Pagkatapos sabihin yun ay ang weird ng feeling ni Kathryn. Kahit si Diego ang pinaguusapan ay para bang si Daniel ang tinukoy nya sa huli nyang sinabi. 

Alam nyang wala naming interes si Daniel na makita ang designs nya. Hindi lang dahil isa itong anti-vogue advocate ay dahil din wala naman talaga itong interes sa kanya in the first place. Or so she thinks? 

At hindi ba sinabi ni Daniel sa kanya na may meeting sya with Henry Sy ngayon sa same na oras ng fashion show nya? Yung mga ganung bagay ang mas importante kay Daniel. Bakit nga naman nya ipapagpaliban iyong approval ng proposal na ilang buwang pinaghirapan para iendure ang ilang oras na panonood sa mga fashionistas? 

"Ohh. Speaking of cute butts. Look who just checked in." Excited na sabi ni Claire. 

Pag tingin ni Kathryn sa monitor ay nakita nyang papasok sina Enrique, Khalil, at Jerome kasama ang kanilang mga girlfriend. 

"Drats! They're all taken?" Inis na sabi ni Claire. 

"Unfortunately for you, yes." Pangaasar ni Kathryn. 

"How come the reporter mentioned 4 names and I'm only seeing 3 guys?" Tanong muli ni Claire dahil inisa isa ng reporter sa TV ang barkada nila Daniel pero hindi ito kasamang naglakad sa red carpet nila Enrique. 

"That's right." 

"So where's the other one?" 

Kathryn paused sa tanong na iyon. Habang iniisip nya ang "fourth one" ay parang bigla nya itong namiss. 

Why? 

She had no idea. 

"He's not coming. He has a business thing going on tonight." Dismayadong paliwanag nya kay Claire. 

"Sounds familiar. Is he as hot as those three?" Pangungulit na naman ni Claire. 

Natawa muli si Kathryn at binigyan lamang si Claire ng isang matamis na ngiti. 

"C'mon, Chandria! Is that a yes?" 

"Actually, that's a 'no comment'." 

Ayaw nang magsalita ni Kathryn about Daniel dahil baka mahirapan syang ikubli na talagang naggwapuhan sya dito kapag itinuloy pa nyang idescribe ito kay Claire. 

"Ooh-la-la! If that fourth dude is anything like this God-sent epitome of manly perfection, then I'm staying in Manila for good!" Muling sigaw ni Claire. 

"And who got you drooling now?" Tanong nito dahil titig na titig si Claire sa monitor.

"I've no idea. But if you do, I'll pay you a thousand bucks to introduce us."

Natawa na naman si Kathryn sa pinagsasabi ni Claire at tinulak ng mahina si Claire para makita nya kung sino ang tinutukoy nito.

"Well, okay, but I doubt that this guy's anything like..." Kathryn's voice trailed off nang makita kung sino iyon.

Isang lalaking naka white shirt underneath a chich bronze-ish colored suede, suit jacket ang nakatayo sa gitna ng mga nagkakagulong press sa red carpet.

Naclose up ang gwapo nitong mukha sa screen. 

There was no mistaking that deep and mysterious reflection of a renegade beneath the boyish gleam of his dark eyes. 

But what completely gave it away ay ang heartbeat-halting smile. 

"...DJ." 

__________ 
Author's Note: Sabaw na sabaw ang update na to. Sorry pooooo. Hahaha. Comments. 

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon