Chapter 23: Aspirins and Amnesties

20.4K 268 16
                                    

Agad na tumakbo si Kathryn sa kwarto nya nang makitang paakyat na ng hagdan si Daniel. Hindi pa sya handang harapin ito. At the same time, hindi naman nya mapigilan ang sarili na mag-alala kung okay lang ba si Daniel. 

At ngayon nga ay nakasandal  sya sa dingding sa labas ng kwarto ni Daniel. 

Dapat ba syang pumasok? Sabihin na nating pumasok sya, ano naming sasabihin nya? Dapat bas yang mag-sorry? Eh di ibig sabihin nun ay mabubuking na sya. At kung gagawin nya yun ay siguradong Daniel will hate her. 

“May kailangan ho ba kayo, Miss Kath.”

Nagulat si Kath nang biglang magsalita ang isang kasambahay. 

“Ah wala wala. Gusto ko lang sana icheck kung okay lang si DJ.” Kabadong sagot nya dito. 

Napansin nyang may hawak na tray ang kasambahay. 

“Ano yan?” 

“Ah Aspirin ho. Nirequest ni Sir Daniel.” 

“Oh. Ako na magdadala sa kanya.”

Kinuha nya agad ang tray at di na nakapagsalita ang kasambahay. 

Humarap na sya sa pintuan at huminga ng malalim bago kumatok. 

__________ 

Ang unang ginawa ni Daniel pagkatapos hubarin ang basang damit nya ay tawagan si Mark, ang secretary nya.

May hinala na sya kung sino ang possibleng may pakana ng pagkasira ng kotse nya at pagkawala ng battery ng cellphone nya pero kailangan nya ng confirmation. 

Pagkasagot ng secretary nya ng tawag ay hindi na sya nagpaligoy ligoy pa. 

“Wala hong gumalaw sa kotse nyo, Sir, bukod sa mekaniko na pinadala nyo.” 

“Mekaniko?” 

“Opo. Tumawag si Ma’am Kathryn kanina para sabihin inutusan nyo daw syang magpadala ng mekaniko para sa kotse nyo.” 

*Sinasabi ko na nga ba!* 

“Bakit hindi ko alam ito?” 

“Sabi ho kasi ni Ma’am Kathryn wag ko na kayong istorbohin dahil inutusan nyo sya na sya na ang bahala sa lahat.” 

Napakunot na lang ang noo ni Daniel sa mga narinig at ibinaba na ang tawag. Naupo sya sa kama nya at pinikit ang mata nya habang mahigpit na nakakuyom ang mga palad nya sa pagpipigil ng galit. 

At eksakto sa oras na iyon ay may kumatok sa pintuan. 

__________ 

“Sino yan?” Garagal ang boses ni Daniel. 

“Si Kath.” 

Natahimik bigla.

Akala ni Kathryn ay papalayasin sya ni Daniel. Pero… 

“Bukas yan.” 

Kumakabog ang dibdib ni Kathryn nang binubuksan nya ang pintuan. Habang tumayo naman si Daniel sa may paanan ng kama nya at inayos ang tali ng robe na suot. 

Kathryn was tensed nang tuluyan na syang makapasok sa kwarto. Ito kasi ang unang beses na pumasok dito nang gising si Daniel at lalo syang na-tense nang makita itong half-naked at ilang steps lang ang layo sa kanya. 

Tumikhim si Kathryn para mawala ang tension na nararamdaman. 

“Dinala ko yung gamot mo.” Kalmado nyang sabi habang nilapag ang tray sa side table. 

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon