Chapter 24: Deal or No Deal

21.1K 273 11
                                    

Nakahiga lang sa kama si Daniel at balot balot ng comforter dahil sa sakit ng ulo na nararamdaman nya. Dagdag pa dito ang pagiisip nya kung totoo na ba ang pinapakitang kabaitan sa kanya ngayon ni Kathryn. Medyo nasanay na kasi sya na kapag mabait ito ay may plano itong masama. Kaya hindi nya maiwasan ang magduda. N

arinig na lamang nya na bumukas ang pintuan, kaya pinilit nya ang sarili nyang bumangon nang makita kung sino iyon. Hirap na hirap sya dahil parang bumigat ang katawan nya. 

“No, dyan ka lang.” Utos ni Kathryn na sinunod naman nya. 

Medyo nakaramdam din ng konting hilo si Daniel sa ginawang pag-upo kaya sumandal muna sya sa headboard. 

Naupo naman sa gilid ng kama si Kathryn at sinimulang buksan ang medicine kit na hawak.

 “Ano na naman yan?” Tanong ni Daniel. 

“Tinawagan ko yung doctor mo. Hindi ko na sya pinapunta dito kasi masyadong malakas ang bagyo sa labas. Kaya binigyan nya na lang ako ng instructions kung anong dapat kong gawin.” 

“Instructions para saan? Sabi ko naman sayo na okay lang ako.” 

Napabuntong hininga na lamang si Kathryn sa katigasan ng ulo ni Daniel. 

“Makinig ka nga sa kin. Kesa mag-away tayo, bakit hindi natin pabayaan na ang thermometer ang magdecide kung may sakit ka o wala. Say ahhhh.” 

Nakataas ang kilay ni Daniel. 

“Ano ko 5 years old?!” 

“Hindi nga. Kaya wag kang umastang parang bata. Dali na. Ahh.” 

Nakakunot ang noo ni Daniel at ayaw pa rin buksan ang bibig nya. 

“Daniel John!” 

Kahit inis na inis ay walang nagawa si Daniel kundi sumunod. 

“Ahh.” 

“Good, boy.” 

Inirapan lamang ni Daniel si Kathryn. 

“Wag mo tatanggalin yan hanggat di ko sinasabi. Babalik ako.” 

Bigla na lang ay lumabas ulit si Kathryn ng kwarto nya kaya’t nahiga muna si Daniel. 

5 minutes. 

Wala pa rin si Kathryn. 

8 minutes. 

Nilagay ni Daniel ang kamay nya sa tyan at tinatap ito. 

10 minutes. 

Di na nakatiis si Daniel at tinanggal na ang thermometer sa bibig nya. 

“Hoy! Diba sabi ko wag mo tanggalin hanggat di ko sinasabi?” Nagulat sya sa biglang pagsigaw ni Kathryn. 

“Ang tagal mo kasi!” 

“Sorry, Sir DJ. Pero chineck ko pa kasi yung dinner mo.” Sarcastic na sagot ni Kathryn. 

“Anong dinner? Hindi ako nagugutom!” 

“Sabi po kasi ng doctor nyo hindi ka pwedeng uminom ng gamot na nireseta nya nang gutom ka. At dahil kilalang kilala na kita, alam kong hindi ka pa kumain kanina. Kaya kinausap ko pa ang chef mo para ipagluto ka.” 

“Pero ayoko kumain. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na okay lang ako. Medyo nahihilo lang pero okay na ko bukas.” 

Hindi na sana kokontra pa si Kathryn pero nang makita nya ang temperature sa thermometer… 

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon