Chapter 33: Storm of Emotions

21.7K 315 30
                                    

 

*Just tell him. Give him a piece of your mind!* Pep talk ni Kathryn sa sarili nya habang nakatitig sa wooden door na magdadala sa kanya sa home office ni Daniel.

Mga 5 minutes na rin syang nakatayo sa labas ng pintuang iyon at pinipilit kumbinsihin ang sarili na pumasok. Pero sa tuwing susubukan nyang pihitin ang door knob ay para bang may something sa loob nya na natatakot. Hindi naman sa takot sya kay Daniel. Pero just the thought na magkakaroon sya ng conversation with him na ang topic ay kissing made butterflies flutter in her stomach.

Pero dalawa lang naman ang choices nya dito.

Una, pumasok sa loob at simulan ang kanyang 'you-asshole-how-dare-you-I-REFUSE-to-kiss-you-over-my-dead-body' speech at sipain si Daniel sa pinakaiingatan nito para makadagdag emphasis sa point nya. O pangalawa, magkulong sa kwarto nya at hintayin ang punishment ni Daniel.

“Hay mababaliw na ko!” Bulong ni Kathryn sa sarili.

Pagkatapos ng isang malalim na buntong hininga ay binuksan nya ang pintuan.

This was all familiar. All way too familiar.

Ang coat ni Daniel ay nakasabit sa couch. Yung sleeves ng dress shirt nya ay nakaroll hanggang sa siko nito at seryosong nakatitig ang binata sa laptop nya at nagtatrabaho.

In the past, malamang ang opening spiel nya dito ay “Kumain ka na ba?” sabay lapit at yakap. Pero ngayon ay hindi man lamang sya makapagsalita.

“So andito ka ba para bayaran na ang utang mo?” Biglang nagsalita si Daniel.

“What?” Tulala pa rin si Kathryn.

Humarap sa kanya si Daniel, a small cocky smile on his lips.

“May utang ka sa akin na kiss diba? O nakalimutan mo na ba? Dahil kung ganon I’d suggest na magpaconsult ka na sa doctor kasi may memory gap ka na ang bata mo pa.”

“Naalala ko. Yung mga ganyang klaseng kalokohan mo, mahirap kalimutan. Pero hindi ka naman seryoso dun diba?”

“A deal is a deal. Isa kong businessman, Kath. I don’t take these things lightly.” Nakangiting sagot ni Daniel habang kumportableng nakaupo sa swivel chair.

“I’m into business too, remember? Hindi legitimate ang isang deal if there’s no consensus between the 2 parties involved.” Sagot naman ni Kathryn.

Kung si Kathryn ay parang isang bulkang handa ng sumabog any moment sa galit, si Daniel naman ay cool na cool lang na tumayo mula sa kinauupuan nya at lumapit kay Kathryn para wala ng mesang nakaharang sa pagitan nila. Kalmado nya itong tinitigan at humalukipkip.

“This is MY house. Ako ang batas dito. Ako ang gagawa ng rules regardless of any consensus – or lack of it for that matter.” Sagot ni Daniel.

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon