Chapter 9: Of Tricky Questions and Compromising Positions

26.5K 325 16
                                    

-          Kathryn’s POV –

“You two won!” Masayang sigaw ni Alexa nang matapos ang newspaper dance.

“Yes we did!” Nakangiting bati ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa kotse ni DJ. Kinarga ko si Alexa at pinaupo sa lap ko. Nandito kami sa may shotgun seat.

“Madami pang laro sa party. Bakit di kayo sumali pa sa iba? Balik tayo dun.” Sabi ni Alexa habang nakaharap sa Ninong DJ nya.

“NO!” Sabay naming sigaw ni DJ.

Pagkasabing pagkasabi pa lang ng emcee na meron pang at least 3 grown up games na susunod, agad naming kinumbinse si Alexa na umalis na sa party.

“Bakit? Di nyo ba naenjoy ang newspaper dance?” Inosenteng tanong ni Alexa.

Nakita kong gumalaw si DJ sa driver’s seat at mukhang hindi kumportable ang itsura nya pagkasabi ni Alexa ng tanong nya. Ako naman feeling ko nagblush ng marinig iyon. Kailangan pa bang itanong kung bakit?

“Didn’t you?” Tanong ulit ni Alexa ng mapansing walang nagsalita ni isa sa min ng Ninong nya.

Nagkatinginan kami saglit ni DJ pero agad din naming binawi an gaming mga mata.

“Of  course.” Narinig kong sagot ni DJ sa bata.

Tiningnan ko si DJ. Nagsasabi ba sya ng totoo? O nagiging polite lang sya at ayaw nyang malungkot si Alexa pag sinabi nyang hindi. Hay.

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana habang umaandar ang sasakyan nang marinig kong magtanong ulit si Alexa.

“Mabigat ba si Tita Kath, Ninong?”

Sumagot ka ng maayos, Daniel Padilla! Or else!

__________

-          Daniel’s POV –

Gusto ko matawa sa tanong ni Alexa.

Naalala ko kasi nung huling round ng newspaper dance , masyado ng maliit ang papel at alam ni Kath na wala ng ibang paraan na manalo kami kundi ang buhatin ko sya.

Napatingin ako kay Kath at feeling ko naalala nya rin iyon kaya medyo nagbblush sya.

“No, ang gaan nya. Light as a feather.” Sagot ko kay Alexa habang patuloy pa rin sa pagddrive.

Nakita ko sa peripheral view ko na napangiti si Kath sa sagot ko.

“Eh ikaw, Tita Kath. Naenjoy mo ba ang newspaper dance?” Ibinaling naman ni Alexa ang attention nya kay Kath. Buti naman.

Mukhang nahirapan si Kath sagutin yun pero sa huli sabi nya na lamang ay…

“Yes, I did.” At muling tumingin sa labas ng bintana.

Under other circumstances, magiging masaya sana ko sa sagot ni Kath. Pero dahil alam kong kasama ang lahat ng ito sa plano namin, baka nagsisinungaling lang siya kay Alexa. For all I know, baka she hates the fact that she has to spend this day with me. And just the thought of it pricks my heart.

__________

-          Kathryn’s POV –

Mga ilang sandali rin ang nakalipas at malapit na kami sa bahay nila Julia. Ang kulit ni Alexa all throughout the ride. Sobrang daming tanong ng batang ito!

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon