Chapter 23

254 8 0
                                    

Dylan's POV

[Friday; 7:00am]

-Volleyball Finals 9:00am

-Battle of the Bands 5:00pm

-First Anniversary namin

7:00 am na pala. Kailangan ko nang bumangon at kumilos na dahil susunduin ko ngayon si Ciara. Makabawi man lang ako sa kanya ngayon.

Bago ako maligo nag check muna ako ng messages sa cellphone ko. Nakita ko agad ang text ni Wifey. Ang aga niya gumising. 9am pa naman ang laro nila ng volleyball.

*click 

1 New Message

From: Wifey <3

Good morning hubby! =) Happy Anniversary! I love you so much! See you later. :*

Paano ko ba magagawang special ang araw na 'to para sa amin? Hindi kasi ako nakapagplano these past few days kasi busy sa pagpapractice. Wala din akong gift sa kanya. Anak ng. >_<

To: WIfey <3

Happy Anniversary din. Good luck mamaya ha. Babawi ako. Promise. I love you. :*

Ayy. Shit! Nakapagpromise na naman ako sa kanya. Panigurado humaba na naman ang nguso nun pagkabasa ng text ko. Ayaw na ayaw nun na nagpapromise ako kasi 75% daw ng promises ko, hindi ko nagagawa. Tsk! Makaligo na nga.

[After 20 minutes]

"DYLAAAAAAAAAAAAN!" Ang aga aga, ang ingay na naman ni Mom.

"Yes MOOOOOOOOOM??"

Hindi sumagot si Mom. :| Pagkatapos ko maligo at magbihis, lumabas na ako ng kwarto at pumunta na sa dining room para magbreakfast. May naririnig akong boses ng dalawang babae. Hmmm, boses ni Mom yung isa pero yung isa pa hindi naman boses ni Joy yun. 

"Good morning hubby! =) Let's eat. ^.^"

(O__O)

Si Ciara? Nasa bahay namin? Nakikipag-usap kay Mom? Tama ba 'tong nakikita ko? Tsaka bakit ang laki ng eyebags nitong wifey ko? Nagpuyat na naman kagabi?

"Dylan, kumain na tayo. Kanina ka pa namin hinihintay ni Ciara. Anniversary niyo pala ngayon. Are we going to throw a party? =)"

(O__O)

Throw a party? Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Okay na si Ciara kay Mom. Tapos ngayon, magpapaparty siya dahil anniversary namin? Watda. Am I still dreaming? WAKE UP DYLAN! WAKE UP!

"Dylan, anak. Tara na, kumain na tayo. Maupo ka na dito. =)"

Umupo na ako sa upuan sa tabi ni Ciara. Hindi pa rin ako nakakapagsalita. Masyado akong nagugulat sa mga pangyayari. Pero ayos 'to. ^____^v

Kumain na kaming tatlo nila Mom at Ciara ng breakfast. Si Dave, tulog pa yata.

"Anong balak niyo ngayong anniversary niyo? ^__^ " Si Mom talaga napakausisera.

"Uhm--" Sasagot palang ako pero inunahan na akong magsalita ni Ciara.

"Wala po kaming plano. Basta ang alam ko lang po tita we're going to spend this day together. =))))" Sabay tingin sa akin ni Ciara ng ngiting ngiti.

Oo nga, ano nga bang plano namin ngayon? After kasi ng laro niya, pupunta na agad ako sa studio para i-meet ang The Pervs para sa final rehearsal namin. Pero, siguro saglit lang naman 'yon.

"Ouch!" 

"Wifey, are you okay?" Worried na tanong ko sa kanya.

"Uhm, yeah. Napaso lang yung dila ko sa soup. Hehe" Napakacareless talaga nito ni Ciara. Kaya lagi akong nag aalala pag hindi ko siya kasama. :|

It's Just a MemoryWhere stories live. Discover now