Chapter 18

271 9 0
                                    

Days passed. Hindi nagpaparamdam si Dylan. Kahit text or tawag, wala. Kahit nga message sa facebook, wala din. Eto ba yung sinasabi niyang gagawan niya ng paraan? >.<

*bzzzzzt bzzzzzt  bzzzzzt 

Jennika calling...

*bzzzzzt bzzzzzt  bzzzzzt 

"O, jennika, napatawag ka?"

"Ciara, samahan mo naman ako sa mall ngayon. Please."

"Okay. Sige. Umiiyak ka ba?"

"Hindi. Sinisipon lang ako. Kita nalang tayo mamaya ha. Thanks!"

Call ended--

Bakit kaya ganun yung boses ni Jennika? Parang naiyak? Hays. Whatever. Baka feeling ko lang yun. Baka feeling ko lahat ng tao ngayon heartbroken. Dinadamayan ako. :P

So, magkikita kami ni Jennika ngayon. Baka bibili ng gift para kay JM. Malapit na kasi sila mag anniversary. Hindi ko lang sure kung 2nd or 3rd. Hehe

_____________________________________________________________________________

[1:00 pm; Mall]

Saktong 1pm nagkita na kami ni Jennika. Namumugto yung mata niya. Sabi na nga ba, umiiyak siya kanina nung kausap ko sa cellphone. Buti nalang at prepared siya, may dala siyang shades. Since nakashades siya, ang awkward naman kung mag gagala kami ng nakashades siya sa loob ng mall. Kaya niyaya ko nalang siya sa starbucks at doon kami sa labas umupo. Para atleast, okay lang ang pagshashades niya. ^___^

"Bakit ka ba nagkakaganyan Jennika? Dinadamayan mo ba ako kay Dylan? ^____^ "

Nagjoke nalang ako para hindi ganun kaseryoso ang aura. Pero wala. Hindi man lang siya ngumiti.

"Ciara, break na kami ni JM. T.T "

Nagulat ako sa sinabi ni Jennika. Grabe. Uso na ba ngayon ang break up?

"Bakit Jennika? Anong nangyare?"

"I saw JM...with Leah...kissing."

(O_O)

Hindi ako makapagsalita sa narinig ko kay Jennika. Pagkatapos kay Dylan, si JM naman? Ayy, wait. Tapos na nga ba siya kay Dylan? Grabe. Ibang klase 'tong babaeng 'to. 

Habang nagsheshare sakin ng kwento si Jennika, napalingon ako sa loob ng starbucks. May lalakeng nakatalikod samin, naglalaptop siya. At yung babae... si Leah the flirt. Kumukulo na naman ang dugo ko, nakita ko na naman siya. Pinag iisipan ko kung sasabihin ko kay Jennika na nasa loob ng starbucks si Leah. Baka kasi pag sinabi ko, mahati sa dalawa ang starbucks na 'to. Pero, habang nagkukwento siya, napansin niyang may tinititigan ako. Kaya napalingon na rin siya. 

Biglang tumayo si Jennika at mabilis na naglakad papasok sa starbucks. Hinabol ko siya pero ang bilis talaga niyang maglakad. Pagkapasok niya, hinawakan niya agad ang buhok ni Leah at sinabunutan niya. Hindi agad nakalaban si Leah kasi nakatalikod siya nun. Nagulat nalang siya ng may humablot sa buhok niya. Nagkakagulo na sa starbucks at napilitan kaming palabasin ng mga crew doon. Pagkalabas namin, sinampal niya si Leah sa kaliwang pisngi. 

"Para sa pang aahas mo sa boyfriend ko!"

Sinampal niya ulit sa kanang pisngi si Leah.

"At para naman yan sa paninira mo sa relasyon nila Ciara at Dylan."

Naiganti pa ako ni Jennika. Astig.

Si JM. Si JM yung kasama ni Leah sa starbucks. Nanonood lang kami. Ang tanga ni JM, pinapanood lang ang dalawang babaeng nag-aaway dahil sa kanya. Proud? P*ta kung hindi ko lang 'to tropa, nasampal ko na din 'to eh.

Inawat ko na si Jennika. Kitang kita naman na walang kaya si Leah sa kanya. Kay Jennika pa lang yun. Paano pa kaya kung tumulong ako? 

"Leah, wag mong gawing hobby ang paglandi. Nagmumukha kang cheap eh."

Yan ang last words ko kay Leah at umalis na kami ni Jennika. Tinitigan lang niya si JM. Ewan ko kung bakit hindi man lang niya sinampal or whatsoever etong si JM. Grabe ang scenario na ginawa namin doon. Nakakahiya. Pero nakakarelieve. ^___^ Ang bad namin. >:D

 ____________________________________________________________________________

[4:00pm; Ciara's room]

Umuwi na din agad kami. Wala kasi talaga sa mood si Jennika. Pero atleast nakaganti na siya. Pero sabi niya kulang pa daw yun. Grabehan lang magalit 'tong si Jennika eh. Kamusta na kaya ngayon si Leah the flirt? Bwahahaha!

*bzzzzzt bzzzzzt bzzzzzt 

Dylan Domiguez Calling...

*bzzzzzt bzzzzzt bzzzzzt 

Buti naman at naisipan din ni Dylan na tawagan ako. 

"Hello?"

"Ciara, BAKIT NIYO PINAGTULUNGAN SI LEAH?!"

Wow. May pakpak talaga ang balita. Pinagtulungan? Sa pagkakaalam ko, pinanonood ko lang sila ni Jennika eh. Saang part namin siya pinagtulungan?

"Hindi namin siya pinagtulungan."

"CIARA WAG KA NANG TUMANGGI!"

"Wag mo akong sigawan. Hindi ako bingi. Hindi namin siya pinagtulungan. Si Jennika at Leah lang ang nagsabunutan at nagsampalan. Hindi ako kasama dun."

"Whatever. Hindi niyo dapat sinaktan si Leah!"

"O sige na. Kami na mali."

"Oo kayo naman talaga!"

"Alam mo ba kung bakit namin yun ginawa? Ha?!"

"Oo, masyado kasi kayong insecure sa kanya. Ciara kung ganyan ka ng ganyan baka...

"Baka ano Dylan?"

"Baka hindi na kita balikan."

Nasaktan ako sa sinabi ni Dylan. SOBRA! Bakit siya ganun? Yung side pa lang naman ni Leah ang pinapakinggan niya at yung MALI pa. At dahil doon, hindi na niya ako babalikan? F*ck!

"OKAY! MAGSAMA KAYO!!!" 

Nakakainis! Sobra! Arrrrgh! Bakit ganun? Ang bait bait ni Leah sa paningin ni Dylan. Para namang hindi ako nakilala ni Dylan. Wala ba siyang tiwala sakin? Nagsasabi ako ng totoo pero hindi niya ako pinaniwalaan. T.T

Ang sakit. Sobra pa sa SOBRA. T.T

It's Just a MemoryWhere stories live. Discover now