Chapter 11

312 13 2
                                    

[Monday; 12:30pm; Cafeteria]

Sinabi na namin sa buong The Pervs na kami na ni Dylan. Nagulat sila pero ikinatuwa rin naman nila yon. Sayang nga lang wala sila Marj at Sam nung nag announce na kami. Hindi na kasi sila papasok dito sa SWA. Bukas na ang alis nila papuntang Canada. 

JP: Pre, nabusog ka?

Dylan: Ha? 

JP: Eh kasi sabi mo dati, hindi ka na magmamahal ulit. Edi ngayon kinain mo yung mga sinabi mo? ^___^v

Binatukan ni Dylan si JP. Ang loko naman kasi ni JP. Pero nagtawanan ang the Pervs sa sinabi niya.

Dylan: Ciara, maglalocker lang ako.

Tumango lang ako kay Dylan. Iniwan niya sakin ang cellphone niya. Naisip kong magbasa ng messages niya. Wala namang masama kasi girlfriend na naman niya ako. "Wifey <3" ang name ko sa contacts niya. Wifey? Eh anong itatawag ko sa kanya? Hubby?Pero sabagay, cute naman. ^__^ Biglang nagvibrate yung cellphone niya. 

*1 New Message

Leah Dizon

Leah Dizon? Eto ba yung sinasabi nilang ex ni Dylan? Ang kapal naman ng mukha niyang magtext pa ulit kay Dylan. In-open ko yung message.

From: Leah Dizon

Babe, sabay tayong umuwi mamaya ha. I love you. 

Shet. Maibabato ko 'tong cellphone ni Dylan eh. Babe?! Watda. Ano 'to wrong send lang? Tinignan ko yung sent items ni Dylan pero wala namang message dun na para kay Leah Dizon. Baka naman binubura niya? Hihintayin ko na nga lang dumating si Dylan. Nakakainis eh. Panira ng mood. >.<

"Ciara, let's go. Magbebell na ihahatid na kita sa room niyo."

Tumayo lang ako at naglakad na. Hindi ako nagsasalita habang naglalakad kami ni Dylan.

"Ciara, what's wrong?"

"Cellphone mo nga pala. May nagtext. Babe mo."

Natahimik siya sa sinabi ko. Binasa niya yung text message. Hindi ko na tinignan kung nagreply pa siya. Nakakaasar talaga. Gusto kong manuntok. Gusto kong ibato lahat ng bagay na makikita ko. Pinipigilan ko nalang ang sarili ko dahil nasa school kami.

"Sino ba yan?"

Hindi ko na matiis na hindi siya tanungin kung sino yung babaeng yon. Pero hindi siya nasagot. Shet. Yun yung mas nakakaasar eh. Hindi siya nasagot. 

"Ano?! Bakit hindi ka nasagot?! Sino yang babe na yan?! Siya ba yung ex mo?!"

Naiiyak na ako. Sa sobrang inis ko, napapaluha nalang ako. Pinagtitinginan na kami sa hallway. Hindi ko na kasi talaga kayang pigilan ang sarili ko. Hindi ako makakapagconcentrate mamaya sa pakikinig sa teacher namin kung ganito ang situation namin. 

"Ciara, wala 'to. Nawrong send lang siya."

Mahinahon siyang nagsalita. Maniniwala ba ako? >.< 

"Talaga lang ha?! Dylan kung maglolokohan lang naman tayo, tapusin na natin 'to para hindi ganun kasakit. T.T"

"Ciara, tahan na. Hindi kita niloloko. Mahal na mahal kita."

Kumalma na ako pagkasabi niya nun. Sige na, papaniwalaan ko na siya. Pero, kung mauulit pa 'to, ewan ko na. Pumasok na ako sa classroom. Nakasimangot pa rin ako. Nilapitan ako ni Joy.

"Ciara, ok ka lang?"

"Yeah, I'm fine. I'm just not happy."

Gusto kong itanong kay Joy kung may alam ba siya tungkol kay Dylan at Leah. Pero naisip kong wag nalang. Sasaktan ko lang naman ang sarili ko pag may nalaman akong hindi ko dapat malaman. 

Mabilis na lumipas ang oras sa loob ng classroom. Uwian na. Medyo badtrip pa rin ako. Paglabas ko ng classroom, nandun na si Dylan. Hindi ko alam kung kakausapin ko siya. Dumiretso nalang ako para ilagay ang mga gamit ko sa locker.

"Galit ka pa din ba? Sorry na oh."

Nginitian ko lang siya. Isang matipid na ngiti. Ayoko nang magalit sa kanya dahil hindi ko naman alam ang totoo. 

"Dylan, gusto kong malaman ang totoo. Ano ba talagang meron sa inyo ni Leah?"

Hinahanda ko na ang sarili ko sa maaari kong marinig. Baka kasi hindi ko magustuhan ang sasabihin niya mag burst out na naman ako.

"Wala Ciara. Promise."

Naniniwala akong pag nakakatingin sa'yo ng diretso ang isang tao, totoo ang sinasabi niya. Ganun kasi ako. Hindi ako makatingin ng diretso sa taong kausap ko pag nagsisinungaling ako. Sana ganun din si Dylan. Tinignan niya ako ng diretso sa mga mata ko.   

"Ciara, mahal na mahal kita. Maniwala ka naman sana."

"Oo na Dylan naniniwala na ako. Naniniguro lang ako. Ayoko na kasi talaga maloko ulit."

"Hindi naman kita lolokohin Ciara. Hindi ko gagawin sa'yo yun."

"Ok. Sige, naniniwala na ako. Sorry Dylan."

Ang panget ng unang araw namin ni Dylan bilang magboyfriend. Epal kasi yung Leah na yun eh. Pero, sige tama na. Hindi naman daw ako lolokohin ni Dylan eh. Tiwala lang ang kailangan. 

It's Just a MemoryWhere stories live. Discover now