Chapter 3~

394 28 14
                                    

Dylan's POV

First day of school. N-A-K-A-K-A-T-A-M-A-D! Ewan ko ba, simula nung nag highschool, hindi na ako naeexcite tuwing first day of school. Iniisip ko pa lang, tinatamad na ako. -__-"  Ang aga pa. 6am palang. Makatulog muna ulit.

"Oy! Dylan! Gumising ka na! 7am na oh! Ano ba time mo ngayon?" Ang ingay ni mom. Ang aga-aga eh. >.<

"7:15am mom" tamad na tamad kong sinagot kay mom.

"7:15?! Kaya pala ang aga pumasok ni Dave. Tumayo ka na diyan at paniguradong late ka na!" Hays! Eto na naman 'tong mala Machine gun na bibig ni mommy eh. -__-" Ayoko talagang pumasok ngayon.

"Mom!" Tinawag ko si mom dahil may sasabihin akong napakaimportante.

"O, bakit?"

"Alam ko na kung paano ako hindi malelate ngayon. ^_^" Nakaisip ako ng isang bright idea. XD

"Paano? Hindi ka na maliligo?"

"No mom. Hindi nalang po ako papasok. ^__^" O diba? I'm so great! Haha

"Ouch! Mom naman eh. -__-" Binatukan ako ni mommy pagkasabi ko nun. Hays! Tinatamad na talaga ako pumasok. Pero no choice ako kaya naligo na ako at isinuot na naman ang nakakasawang polo na may pink na patch sa bulsa at black pants. Lumabas na rin ako ng kwarto para kumain. 

"Mom, si Dave?"

"Kanina pa umalis. Mga 6:30am" Ang aga naman umalis nung kumag na 'yon. Excited? Pagkakain ko, umalis na ako ng bahay. 8am na yon. Late na late na talaga ako. Pero, simula kasi ng first year highschool. lagi na akong late. Sanay na rin sila sakin.

8:15am na ako dumating sa school. Saktong tapos na ang first subject. Dumeretso ako sa bulletin board para tignan kung anong section ko. 3-A, eto na naman eh. Sawang-sawa na ako sa mga classmates ko. Amp.

Pagpasok ko sa room, wala pa kaming teacher sa 2nd subject. Binati agad ako ni JP. "Pre, congrats!  Late ka na naman. Haha!" sabay apir sakin. Nginitian ko lang siya bilang sagot sa sinabi niya. Umupo ako sa dulo.  Nakareserve na kasi samin yung tatlong upuan dun. Sakin, kay JP at kay JM. Ang sinumang sumubok umupo doon, PASLANG!

Apat kasi kaming pinakahinahangaan at pinakanirerespeto sa school.  Hindi naman sa pagmamayabang pero, kaming apat ang may pinakamayamang pamilya sa buong Sandford Williams Academy.  Kaya nakakaranas kami ng special treatment dito. Unfair ba? Siguro nga. Pero, hindi naman namin 'to ginusto eh. Magulang namin ang nagsabing bigyan kami ng special treatment.

Inuulit ko, APAT kaming mgtotropa. Pero hindi kami katulad ng F4 at hindi rin namin sila ginagaya. Nagkataon lang talaga na apat kami, mayayaman at gwapo. Pero, hindi namin kami nambubully. Yung sinabi kong kung sino man ang sumubok na umupo sa upuan namin ay mapapaslang, joke lang yun. Mababait talaga kami. Hindi din naman kami yung mga tinitilian ng mga babae pag naglalakad sa hallway. Headturner lang kami at ramdam namin na maraming kinikilig pag nakikita kami. Hindi din kami siga sa school. The Pervs ang tawag saming apat. Yung teacher namin sa Filipino ang nagbansag samin nun. Simula nun, nakilala na kami bilang The Pervs. 

Dumating na ang history teacher namin. Since first day lang 'to, magkukwento lang yun. Makatulog nalang muna. 

"Uy pre! Balita ko may transferee daw sa 3-B. Ang ganda daw. :D "

"Aray bhie!" Narinig ni Jennika Guevara si JM kaya kinurot niya 'to sa may tagiliran. Si Jennika Guevara ang girlfriend ni JM. Masasabi kong bagay silang dalawa dahil unang una, pareho silang matangkad. Lagi kasing issue sa amin ang height. Haha palibhasa si JM ang pinakamatangad sa amin.

"Wala akong pakialam pre." Sinagot ko si JM habang nakapikit pa rin ako. Wala naman kasi talaga akong pakialam. Hindi ako interesado dahil may mahal ako. Oo, may mahal ako . Mahal na mahal ko pa rin siya. Si Leah. Si Leah Dizon ang nag-iisang ex ko. Tumagal ng 2 years and 1 month ang relationship namin. Pero sa isang iglap, natapos din yun. 3 months na ang nakakaraan simula nung magbreak kami. 

Tandang tanda ko pa ang scenario nun sa mall. Kasama ko ang The Pervs. Maghahanap kasi kami ng regalo para sa ika-26th month namin ni Leah. Pero hindi sinasadya, napalingon si JP sa loob ng Unisilver. 

"Pre, si Leah yata yun?" Tinuro ng nguso ni JP yung isang babae na nakatalikod sa'min dahil tumitingin siya ng mga singsing. Tatawagin ko na dapat siya nung nagsink-in sa isip ko na si Leah nga iyon pero may biglang tumawag sa kanya. Isang lalaki na kasing tangkad ni JM. Pagkaharap ni Leah, hinalikan siya nito sa cheeks at nagholding hands na. Nagulat kaming The Pervs sa nakita namin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hanggang sa narealize ko na naglalakad na pala ako papalapit sa kanila.

"Dylan?" Pagkakita sa'kin ni Leah, bigla siyang namutla. Huminga ako ng malalim at tinanong ko siya. "Sino yan Leah?" May namumuo nang luha sa paligid ng mata ko. Biglang binitawan ni Leah ang kamay ng lalaki. 

"Kaibigan ko. Si Almer." Shet. Kaibigan pero nagkiss at nag holding hands? "Wag na natin pahirapan ang sarili natin Leah, break na tayo." tumalikod agad ako pag kasabi ko nun kasabay ng pagtulo ng luha ko sa kaliwang mata. Babanatan na dapat ng The Pervs yung almer na yun pero pinigilan ko sila. Ayoko ng gulo. Simula nun, gabi gabi na kami sa bar. 

"Sows pre. MOVE ON!" sabay batok sakin ni JP. Napamulat tuloy ako bigla. "Pre, wala na akong panahon sa love na yan. Ayoko nang magmahal ulit." Totoo naman. Pagkatapos ng kay Leah, ayoko na.

It's Just a MemoryWhere stories live. Discover now