Chapter 6

312 23 6
                                    

Ciara's POV

"Sige Marj. Salamat sa pagkwento. Tambay lang muna ako sa UTMT ha."

Ang boring kasi magstay sa room. Gusto ko ng fresh air.

"Sige. Dito lang kami ni Sam sa room."

Lumabas na ako ng room at dumeretso na sa UTMT. Ang astig talaga dito. Ang daming bench sa ilalim ng dalawang puno ng mangga. Ang lakas ng hangin. Nakakatulala lang.

May naaninag akong paparating. Hindi ko masyadong makita yung mukha. Ang labo kasi ng paningin ko. Hays! nakakaantok naman dito. Baka makatulog lang ako. Hindi ko na rin naman feel pumasok sa mga susunod na klase ko kaya maghahanap nalang ako ng matatambayan.

Naglakad lakad ako sa labas ng school hanggang sa makakita ako ng computer shop. The Net Plaza.  Wow! Hindi ko akalaing ganito pala kalaki sa loob. Nilibot ko ang The Net Plaza. Meron kasi 'tong 3 partitions. Hindi ko alam kung para saan yung partitions na yun pero ang laki talaga. 100+ ang pc na nandito. Astig! Karamihan ng mga nandito y puro nagdodota. Haha! Ang ingay! Puro nagtatrashtalk. Haha! Makapagdota na nga lang din. Namimiss ko na maglaro nun.

 "Miss open time."

Hindi ko alam kung hanggang anong oras ako maglalaro kaya nag-open time nalang ako. 

"PC number 9 po"

Pumunta na agad ako sa PC 9. Binuksan ko na yung monitor. Excited na kasi ako maglaro ulit.

Nakaka 3 hours na pala ako.  Ang sakit na ng mata ko. Makapag out na. Pagtayo ko, napatingin ako sa lalaki sa PC number 10. Si Dave. Ay hindi yata. Pumunta ako sa left side nung guy. May nunal. Si dylan pala 'to. Hindi ko nalang pinansin kasi hindi naman kami close at baka hindi na niya ako natatandaan. Pumunta na ako sa counter para magbayad.

Gusto ko na umuwi. Nagugutom na ako. Magcocommute nalang ako pauwi. Hindi na ako magpapasundo. Uwing-uwi na talaga ako. 

5pm nasa bahay na ako. Teka, parang may kulang sakin. Yung panyo ko, nawala ko na naman. >,< Amp. Hayaan na nga yun. Pwede namang bumili ulit. Dumiretso ako sa kusina at tinignan ko yung laman ng ref. Uy favorite! May carbonara. :D "Manang, pakiinit naman 'to at pakidala po sa kwarto ko. Salamat! :)" Pagkasabi ko nun, pumunta na agad ako sa kwarto ko para magpalit ng damit.

Pagkapalit ko ng damit, kinuha ko na agad yung laptop ko para magfacebook. 7 friend requests. Dave Dominguez. In-add pala agad ako ni Dave. Hehe DL Dominguez? Sino to? In-accept ko yung request niya para matignan ko na din yung photos niya. Hero kasi sa dota yung DP niya eh. Tinignan ko na yung photos niya. Si Dylan pala. Pero, bakit niya ako in-add? [DP - Display Picture]

"Ciara, eto na ang carbonara." Yown! Gutom na gutom na talaga ako. Makakain muna.

After 15 minutes ng pagkain ko, chineck  ko na ulit yung fb ko. May nagmessage. Si DL Dominguez. 

"Hi." 14 minutes ago

"Sunget talaga oh." 10 minutes ago

"Ayy, hindi. Suplada pala." 6 minutes ago

Suget? Suplada? Wow. Close kami?

"Anong kelangan mo?" 

"Wala naman. Pedeng makipagkaibigan?"

Bakit gusto niya akong maging kaibigan? Kilala na ba niya ako? Hmm, baka naman naikwento ako ni Dave sa kanya. Wow. Masyado akong assuming. Haha Hindi ko naman malalaman ang mga sagot sa tanong ko kung hindi o siya kakaibiganin. 

"Ok. :)"

It's Just a MemoryWhere stories live. Discover now