Chapter 21

306 11 2
                                    

Natapos na ang JS Prom. Natapos na ang pagiging 3rd year highschool namin. Graduate na sila Ate Tin at Kuya Paul. Tapos na rin ang bakasyon. Ang bilis ng panahon. Pero going strong pa din ang relationship namin ni Dylan kahit na hindi maiwasan mag-away. Pero kahit madalas kaming hindi magkasundo, hindi naman natatapos ang araw na hindi kami nagkakaayos. =) Hindi pa rin siya nauubusan ng kacheesy-han. :"> Lagi niya pa rin ginagawang special ang araw ko lalo na't magkasama kami. Ngayon, 4th year na kami at ilang araw nalang, malapit na kaming mag anniversary. First Anniversary. ^_______^

"Wifey, anong gusto mong gift sa anniversary natin? =)"

Napaisip ako sa tanong ni Dylan. Ano pa bang mahihiling ko? Eh wala na naman akong ibang kailangan yung makasama ko lang siya sa araw na 'yon, sapat na para maging espesyal ang anniversary namin.

"Kahit walang gift, okay lang hubby. Basta kasama kita. :))))))" 

"Haha! Okay. Ang cheesy mo wifey. XD"

Nasa UTMT kami ngayon. Tambay na naman sa bench. Ilang months nalang kami dito sa SWA, gagraduate na kami. Mamimiss ko 'to ng sobra. Lalo na 'tong UTMT na 'to. 

"Wifey, may sinalihan nga pala kami na battle of the bands. =)"

"Talaga? :) Kelan yung battle?"

"Hmm, October 10. ^___^"

"Aww, anniversary natin yun ah?"

"Ayy, oo nga pala. :| "

"Oo nga pala? Ibig sabihin nakalimutan mong anniversary na natin exactly 2 weeks after this day?!"

"Oh wifey, ayan ka na naman. Ginagawa mo na naman 'tong big deal. Parang yun lang eh. Saglit lang din naman yung battle of the bands kasi less than 10 bands lang ang participants. Siguro 2 or 3 hours lang yun. So, bali may 21 hours pa tayo para i-celebrate ang anniversary natin sa October 10. Okay? =)"

"HMP!"

Parang yun lang?! Kahit sinong girlfriend maaasar pag nakalimutan ng boyfriend nila ang anniversary nila. Nakakaasar talaga 'tong si Dylan. :|

"Wifey, sorry na. Ang haba na naman ng nguso mo eh. Smile ka na daliiiiiii! ^_______^"

"Ayoko."

Nagpout na naman ako. Nakakaasar talaga. Leshe!

"Sorry na wifey. Please?"

"HMP!"

"Wait lang wifey."

Umalis si Dylan. Hindi ko na inalam kung saan siya pupunta. Naiwan ako mag-isa sa bench. Nakakaasar talaga siya! nakuha pa akong iwan mag-isa dito. Hmp! Hmp! Hmp! Tumungo nalang ako sa table ng bench na inuupuan namin at iniisip ko kung anong mangyayari sa anniversary namin. Hays. -_-

"Pst. Wifey."

Nakatalikod ako kay Dylan. Ayoko siyang tignan. Nagtatampo talaga kasi ako. >.<

"Wifey oh."

May nilagay siya sa table. Nung tinignan ko, ice cream flavored cookies and cream.

"Peace offering ko sa'yo. Sorry na wifey ha? =)"

So wala akong magawa kundi i-accept na ang sorry niya. Talagang bumili siya ng ice cream. Haha! Alam niya kasing hindi ko 'yon tatanggihan. Yun lang naman kasi ang nakakapagpawala ng pagkabadtrip ko, bukod sa kanya. ^_____^

Wala pa yatang isang oras yung pagtatampo ko sa kanya, okay na agad kami. Hindi lang talaga namin matiis ang isa't isa. Ganito lang naman kami mag-away. Simula nung naging kami ulit, wala pa kaming nagiging away na matindi talaga. Siguro ang pinakamatindi na ay yung 3 hours kaming hindi nag usap. Yung wala talagang pansinan kahit magkasalubong kami dito sa school. Pero syempre, naayos din agad 'yon. =)

_____________________________________________________________________________________

Papalapit na ng papalapit ang anniversary namin. Pero nababawasan ang excitement ko sa bawat araw na lumilipas. Sobrang napapadalas na kasi ang away namin ni Dylan. Anong dahilan? Yung lintik na battle of the bands na yan. Tss! :|

[One week before our anniversary]

"Hubby, malapit na nga pala laban namin sa volleyball. =)"

"Okay."

"Sa friday na yun. Manood ka ha. Suportahan mo ako. :P "

"Okay."

"Hubby tanggalin mo nga yang earphones mo! Nag-uusap tayo diba?!"

Hindi niya tinanggal kaya ako nalang yung nagtanggal nun sa tenga niya.

"Ano ba?! Nakikinig naman ako sa'yo ah!"

"Nakikinig?! Eh puro 'okay' nga 'yang sagot mo eh!"

Ibinalik na niya yung earphones niya sa tenga niya. Nakakabwisit na talaga 'tong si Dylan. >:( 

Maya maya tumayo na siya at naglakad na palayo sakin.

"Oy Dylan! Saan ka pupunta?"

"Practice."

Hay nako. Eto na naman 'yang practice na yan. Isang linggo na kaming ganito. Wala na siyang bukang bibig kundi practice, practice, practice! Leshe! 

Nagpunta nalang ako sa gym ng SWA para magpractice ng volleyball. Dito ko nalang ibubuhos ang pagkabadtrip ko kay Dylan. Bwisit talaga! >:(

[4:00pm]

Tapos na kaming magpractice. Nagpapahinga nalang ako dito sa gym at magshoshower na ako maya maya. Si Tim lang ang kasama ko kasi kaming dalawa lang sa The Pervs ang member ng volleyball team ng SWA.

"Saan kayo ni Dylan mamaya Ciara?"

"Hmmm, baka umuwi na agad. Nakakairita lang talaga pag kasama ko yun eh. Hmp!"

"Haha! Dati pag nababanggit yung pangalan ni Dylan, halos gumulong ka na sa kilig. Tapos ngayon, parang gusto mong magtakip ng tenga pag naririnig mo yung pangalan niya. Haha! Magkaaway na naman ba kayo?"

"Ano pa bang bago don Tim? Nakakaasar talaga siya eh. Bigla nalang nagbago. Tsk!"

"Haha! Maaayos niyo rin yan. Tara, magshower na tayo para naman lumamig yang ulo mo. =)"

Nagpunta na kami sa shower room ni Tim. Wala ng tao. Ang bilis naman kumilos ng teammates namin. 

Pagkalabas namin ng shower room ni Tim, nakita agad namin si JP. Iniintay si Tim. Mukhang may date pa yung dalawa. Buti pa sila. :| 

Ciara: JP, si Dylan?

JP: Hindi ko alam eh, umalis agad kasi siya pagkatapos ng practice namin. Akala ko nga magkasama na kayo ngayon eh.

Ciara: Ah okay. San naman kaya nagpunta 'yon?

JP: Baka nandyan lang 'yon. Sige mauna na kami Ciara, may date pa kami ni Tim. =)

Tim: :"""""""">

Haha! Bigla naman ngayon naging sweet si JP kay Tim. Halos araw-araw na nga yata nagddate yung dalawang yun eh.

Pumunta nalang ako sa mahabang upuan sa may guard house ng school para hintayin si Dylan. Pagkaupo ko dun, tinext ko agad si Dylan.

To: Hubby <3

Hubby, san ka na? Dito na kita wait sa may guard house ha. I love you. Sorry kanina. :*

30 minutes ang nakalipas bago magreply si Dylan. Nababagot na ako eh. >.<

From: Hubby <3

Sorry wifey nakatulog ako. Hindi kita masusundo ngayon, may pupuntahan pa kasi ako. I love you. :*

Ayy, putspa. 30 minutes akong naghintay sa guard house tapos hindi niya pala ako susunduin. Sana bago man lang siya natulog nagtext na agad siya diba? NAKAKAASAR! >.<

Nagpasundo nalang ako sa driver namin. Tinawagan ko na agad dahil magdidilim na, nandito pa rin ako sa school. Nakakapang init ng ulo si Dylan eh.Hindi ko na siya nireplyan at baka humaba pa ang usapan at mauwi pa sa walang katapusang away. 

It's Just a MemoryWhere stories live. Discover now