Chapter 27

246 5 0
                                    

Pagdating namin sa studio, hinihintay na kami nila JM at Dave.

Dave: Dude! Andyan na pala kayo. Ang tagal niyo. Tara! Kain na tayo. =)

Kumain kami sa kainan sa tabi ng studio.

Habang kumakain...

JM: Pre, Happy Anniversary nga pala sa inyo ni Ciara. =) Anong plano?

Dylan: Madami pre. =)

JP: Yown oh! Ayos yan pre. =))

Dave: Dude, sabihan mo lang kami kung kailangan mo ng tulong ha. ^^,

Now, I realized that God gave me another chance. Hindi ko na 'to sasayangin. Babawi talaga ako kay Ciara ngayon. Susulitin ko 'tong araw na 'to... kung ito man ang huli.

Pagkatapos namin kumain, nagpractice na kami. Katulad sa panaginip ko, napakahyper namin. Habang nagwawala kami sa pagpapractice...

Dave: Aww shit! >:(

Pagtingin namin kay Dave, naputol ang dalawa niyang drumsticks. Eto na naman ako. Kinabahan na naman ako. :|

Natapos na agad kaming magpractice. Nagpaalam na agad ako sa The Pervs. Umalis na ako sa studio. Tinext ko muna si Ate Tin.

To: Ate Tin

Ate Tin, nandyan po ba sa house niyo si Ciara?

Kelangan kong makasiguro na wala si Ciara sa bahay nila.

*click

From: Ate Tin

Wala siya dito. Bakit?

Ayun. Buti nalang. =) Pumunta na ako agad sa bahay nila Ciara. Pagdating ko sa tapat ng bahay nila, nagdoorbell na ako. Si Ate Tin ang nagbukas ng gate sa'kin.

"O Dylan, bakit?"

"Ate, may kailangan lang akong kunin sa kwarto ni Ciara."

"Ah, okay. Sige, pakisara nalang ng gate mamaya paglabas mo ha."

Pumasok na si Ate Tin sa kwarto niya. Pumasok na rin ako sa kwarto ni Ciara. Hinahanap ko yung memory card ng camera ni Ciara. Pero hindi ko makita. :| Binuksan ko nalang ang laptop ni Ciara. Ngayon ko lang nahawakan 'tong laptop niya.

May nakita akong folder sa desktop niya. "Us" yung name ng folder. Binuksan ko yung folder na yun. Ang daming pictures namin. Simula nung first date namin nandito sa folder na 'to. Sinave ko sa flash drive ko yung mga pictures namin, pati na rin yung iba pa niyang shots. Pagkasave ko nung mga yun sa flash drive ko, umalis na rin agad ako sa bahay nila Ciara. Dumiretso na ako sa Photo Studio ni Tita Carmen.

"O Dylan, napadalaw ka. Kamusta? =)"

"Okay lang po Tita. Hmmm, magpapatulong lang po sana ako sa pagpiprint ng pictures."

"Sure. =)"

Inabot ko na yung flashdrive ko at pati na rin yung memory card ng camera ko. Meron kasi akong ilang stolen shots kay Ciara sa bar. Dun sa bar kung saan first time kaming nagkita. Madami din akong stolen shots kay Ciara. Lalo na pag tulog siya. Napakaantukin kasi eh. ^__^v

Ilang minutes ang nakalipas, patapos ng iprint ni Tita yung mga pinapaprint ko. 

"Para saan ba 'to Dylan?" 

"Anniversary po kasi namin ni Ciara ngayon. Pang surprise lang po. =)"

"Ang sweet naman ng pamangkin ko. ^__^ "

Kinurot ni Tita yung pisngi ko pagkasabi niya nun. Hays! Feeling pa rin kasi ni Tita, bata pa rin ako eh. >:(

"Okay na Dylan. =))"

It's Just a MemoryWhere stories live. Discover now