Chapter 19

294 13 6
                                    

Back to school na. Tapos na ang walang kwentang Christmas vacation. Back to normal. Bumalik na din kasi si Mommy sa Italy. Matatagalan na naman bago kami magkita ulit. >.<

Ayokong pumasok sa school. Tinatamad ako. Makikita ko na naman si Dylan at si Leah the f*cking flirt. -___-" Pero, kailangan ko nga pala pumasok kasi malapit na nga pala kaming mag exam. Hays. 

_______________________________________________________________________________

Pagdating ko sa school, late ako. 2nd subject na ang naabutan ko. Tamad na tamad talaga ako. Pagkapasok ko sa room, kinamusta agad ako ni Dave.

"Ciara, musta na? Akala ko hindi ka na papasok eh. Okay ka lang ba?"

Nginitian ko lang si Dave. I just don't feel like talking. Buong 2nd period, hindi talaga ako nagsasalita. 

"Ciara, nakakapanibago ka. Bakit ang tamlay mo?"

Worried na tanong ni Dave. Since seatmate ko siya at hindi ako nagsasalita, no choice si Dave kundi tumahimik nalang din. At dahil sa pareho kaming madaldal ni Dave, napansin kong parang mamamatay na siya dahil wala siyang makausap. 

Natapos ang 3 subjects ng wala akong kinakausap at hindi ako lumalabas ng room. Alam ko kasi na paglabas ko palang ng pintuang yan, makikita ko na agad si Dylan. Magkatabi lang naman kasi ang room namin. At pagbaba ko naman sa 3rd floor, si Leah the flirt naman ang makikita ko. Sira na nga ang umaga ko, lalo pang masisira pag nakita ko silang pareho. 

"Ciara, tara maglunch na tayo. =)"

Tatanggihan ko na sana ang alok ni Joy pero hinigit na niya ako. Ako, si Joy at Dave ang kasama kong maglunch ngayon. Si Jennika, hindi yata pumasok ngayon. Hindi niya pa siguro kayang makita si JM. Bwisit na mga lalaki kasi 'to eh. Bwisit na pagmamahal yan.

Habang kumakain kaming tatlo sa cafeteria, biglang pumasok si Dylan na nakaakbay kay Leah. Pinili ko nalang na hindi sila tignan. Dahil pag ginawa ko pa, ako lang din ang nagbibigay sa sarili ko ng dahilan para masaktan ako. Bakit kasi ang hirap magmove on eh. Lalo na pag nasa iisang school lang kayo. T.T

"Guys, pwede ba kaming makishare? =)"

Pero parang nang aasar pa talaga sila. Ang daming vacant na table pero kelangan talagang makishare pa samin? At ang kapal ng mukha ni Leah at siya pa ang nagtanong.

"I'll go ahead."

Hindi naman sa sobrang bitter ko. Pero, ang sakit talaga sa mata ang makita silang magkasama. So ayun, umalis na ako. Dumeretso na ako sa room at sinundan na rin naman ako ni Joy.

"Ciara wait!"

Tumigil ako sa paglalakad para hintayin si Joy. 

"O, bakit mo iniwan si Dave dun?"

"Malaki na yun. Kaya na niya ang sarili niya. Hindi ko lang din kasi kayang makasama yung Leah na yun."

Tumahimik nalang ako. Baka kasi kung ano pa ang masabi ko kay Joy tungkol kay Leah eh. 

May klase na ulit kami. Pero ngayon, nag-uusap na kami ni Dave. Medyo nasa mood na din kasi akong makipag-usap ngayon.

"Ciara, para na talaga akong malalagutan ng hininga kanina nung wala akong makausap. HAHAHA! XD"

Nag-umpisa na naman ang kadaldalan ni Dave. Tuloy tuloy na naman ang pagkukwento niya. At natapos ang mga subject namin sa hapon ng wala akong naintindihan dahil mas pinili kong makinig sa mga walang kwentang kwento ni Dave kesa sa teacher namin. :P

[5:00pm; Ciara's room]

Natapos na din ang mahabang araw sa school. Time to rest.

*click

1 New Message

From: Jennika

Ciara, don't worry. Sinabi ko na kay Dylan.

Bigla bigla nalang nagpaparamdam 'tong si Jennika. -___-"

To: Jennika

Anong sinabi mo?

From: Jennika

Yung totoo. =)

*bzzzzt bzzzzt bzzzzt 

Dylan Dominguez Calling...

*bzzzzt bzzzzt bzzzzt 

Kaya ba natawag ngayon si Dylan dahil sa sinabi ni Jennika? Paano kung awayin na naman ako nito? Hays. Bahala na nga!

"Hello?"

"Ciara, mag-usap tayo."

"Ano pa bang ginagawa natin?"

"NG PERSONAL! Namimilosopo ka na naman eh!"

"Oo na. Wag mo akong sigawan!"

"Nandito ako sa tapat ng bahay niyo. Please, mag-usap tayo."

Call ended

Dali dali akong lumabas ng kwarto ko at lumabas ng bahay. Pagtingin ko sa labas, nandun nga siya. Nakaupo sa tapat ng gate namin. Nilapitan ko na siya agad.

"Dylan."

Pagkakita niya sa akin, tumayo siya at niyakap agad ako.

"Ciara, I'm sorry. T.T I'm sorry ang tanga tanga ko. Napakatanga ko para hindi ka paniwalaan. Napakatanga ko para balewalain ka at napakatanga ko para ipagpalit ka. Ciara, kahit na si Leah ang kasama ko, ikaw pa rin ang nasa isip ko. Kahit kelan, hindi ka nawala sa isip ko. Kahit kelan hindi nawala ang pagmamahal ko sa'yo. Mahal na mahal kita Ciara. At hinding hindi na magbabago 'yon. "

Umiiyak si Dylan habang sinasabi niya yan. First time ko siyang nakitang umiiyak talaga. Naiiyak na din ako. T.T Ang sarap pakinggan ng mga sinasabi niya. Para akong nananaginip. Hindi ako makapaniwala na bumalik na ulit sakin si Dylan. Na kayakap ko na siya ngayon at mahal na mahal pa rin niya ako. 

Speechless pa din ako.

"Ciara, kung kinakailangan na ligawan ulit kita, gagawin ko. Bumalik ka lang sakin."

"Dylan, hindi na kailangan. =)"

Eto na naman akong si tanga. Ang lakas makatanga ng pag-ibig. Ang bilis kong makalimutan lahat ng mga ginawa niya sakin.

"Pero, Dylan, paano na si Leah?"

"Sinabi ko na sa parents ko at sa parents niya na hindi ko talaga gusto si Leah. At kahit anong gawin nila, hindi na nila ako mapipilit pa para kay Leah. And yung kay JM... ewan ko na kung anong nangyare sa kanila. Ciara, yung ipagtanggol ko si Leah ang pinakamalaking katangahang nagawa ko sa buong buhay ko. I'm really sorry."

"Okay na Dylan. =) I love you."

"I love you more. ^.^ "

He kissed me and I'm just like (=^___^=)

Masaya ako at naayos na din kami ni Dylan. Sobrang thankful ako kay Jennika dahil sakanya, naliwanagan 'tong lalaking 'to. Kaya, pagkauwi ni Dylan, ibinalita ko na agad sa kanya ang nangyari. Masaya siya para sa amin. Kasi titigilan na kami ngayon ni Leah. Happy ending na. =))))) SANA~

When a guy cries over a relationship, that's when you know he cares. It doesn't matter what he does in the past. Maybe he has finally come around and realized your true worth. He cares about you now, and he doesn't want to lose you~

VOTE.COMMENT.FAN -- THANK YOU! =)

P.S - hindi pa 'to tapos. ^.^

It's Just a MemoryWhere stories live. Discover now