Chapter 8

313 20 6
                                    

Hindi ko kasabay pumasok sa school sila Sam at Marj. Hindi daw kasi sila papasok. May importanteng bagay daw silang aasikasuhin. So ayun, nagpahatid nalang ako sa driver namin. Saktong 7:10am ako nakarating sa school. Meron pa akong 5 mins para umakyat sa tore. Excercise talaga 'to. Nasa 4th floor ba naman ang room ko eh. >.< 

Kumuha muna ako ng book at notebook sa locker. Pagbukas ko ng locker may 3 red roses akong nakita at may note na nakalagay. 

"Don't worry. If someone doesn't want you back, I will always need you. If someone thinks you're boring, I think you're amazing. If someone is too busy for you, I'm willing to make time for you. If someone ignores you, I'm willing to pay attention. And if someone doesn't feel the same way, I'm waiting for you to feel the same way for me.  -Dylan"

Hindi ko mapigilang hindi ngumiti pagkabasa ko nun. Ang sweet. :"> Ang ganda tuloy ng umaga ko. Hihi iniwan ko muna yung roses at yung note sa locker ko. Mamayang uwian ko nalang yun kukunin. Umakyat na ako at nafeel kong malelate na naman ako. Umupo na agad ako sa upuan ko pagdating ko sa room. Sakto lang lang ang dating ko papasok pa lang ng room ang teacher namin.  Straight na dalawang oras ang klase ko ngayon kay Sir Pagutpot. Physics pa ang subject. Nakakatamad. Naisipan ko tuloy na magdoodle nalang sa notebook ko. May napansin akong pink na papel na nakaipit sa notebook ko. Pagtingin ko sa papel may nakasulat na naman.

"I seriously can't stop thinking about you. You're pretty much the only person I want to think about and talk to. The only person I want to be with and call mine. I really can't stop thinking about you and I really hope you're thinking of me too. You just make me so happy and I hope I make you happy. I just can't stop thinking of you and I really wish you were next to me at this very second.       -Dylan" 

Ayy. Grabe na 'to. kinikilig na talaga ako. :"> Sobrang sweet ni Dylan. Napapatulala nalang tuloy ako. Hindi ko na maintindihan ang sinasabi ng teacher namin. Para kasing meron akong butterflies sa tummy ko. Haha

"Ms. De Guzman! Are you listening?" Nakita pala ako ng nakatulala ni Sir Pagutpot. >.<

"Yes, Sir."

"Oh really? Eh bakit kanina ka pa tulala at ngumingiti mag-isa diyan?" 

Nakangiti na pala ako habang nakatulala. Haha si Dylan kasi eh. Pinapakilig ako. Napansin pa tuloy ako ni Reynaldo Pagutpot. ^__^v

Krrriiiiiiiiiiiiiiiiinngggggg!!!

Buti nalang nagbell na. Haha nakaligtas na rin sa masungit na teaacher na yon na parang never pa yatang nainlove. Haha Wala si Sam at Marj. Wala akong makasama sa cafeteria. 

"Ciara, tara. Kain tayo. ^_^"

Niyaya ako ni Joy na pumunta sa cafeteria. Bakit kaya ako at hindi si Dave? LQ sila?

"Sige tara Joy. :)"

Pagkalabas namin ng room nakita ko agad si Dylan. Ngiting ngiti na naman. 

"Hi Ciara. ^______^ "

"Loko ka Dylan. "

"Oh bakit? Anong ginawa ko?"

Worried siyang nagtanong. Akala niya siguro may kasalanan siyang nagawa. Well. meron naman. Pinakilig lang niya ako ng sobra ngayong umaga. Haha

"Wala lang. Hihi :"> thanks nga pala sa rose... at sa notes na nakalagay sa rose at sa notebook ko. ^_^ "

"Ah. Wala yun. Hehe"

Kumain na kaming tatlo. Nilibre kami ni Dylan. Pati si Joy dinamay na niya sa libre.

Joy: Okay palang sumabay ako sa inyo magrecess Ciara, nalilibre tuloy ako. Haha

Dylan: Next time sisiguraduhin kong si Ciara lang ang kasabay kong magrecess. Haha ^____^v

Araw-araw ganito na ang routine namin. Kung hindi rose ang nakalagay sa locker ko, chocolates o kaya naman stuff toys. Haha Basta iba-iba araw-araw. Tapos lagi pang may note na nakaipit sa notebook ko na pang first subject. Lagi na rin kami ang sentro ng asaran ng The Pervs. Sabi nga rin pala nila, member na rin daw kami nila Marj at Sam ng The Pervs. Walang araw na lumipas na hindi kami inasar nung mga yun. Pag laging ganito, baka mafall na ako Mr. Dylan Dominguez. :)

It's Just a MemoryWhere stories live. Discover now