Chapter 24

240 7 0
                                        

Pumunta na kami ni JP sa studio. Nandun na din sila Dave at JM. Bago kami nagstart magpractice, kumain muna kami ng lunch sa kainan malapit sa studio. 

Habang kumakain...

JM: Pre, happy anniversary nga pala sa inyo ni Ciara! =) Anong plano?

Dylan: Wala nga pre eh. :|

JP: Edi kantahan mo nalang ulit. ^___^

Dave: Oo nga! Tama si JP dude! =))

Napaisip ako sa mga sinabi nila. Hmmm, oo nga. Pwede ko rin naman siyang kantahan -- ULIT. Pero, paano?

Dylan: Mga pre, paano ko siya kakantahan eh hindi naman sa school natin gagawin yung event. Diba? 

JP: Ayy, oo nga noh? Hmmm...

Napapaisip kaming apat kung anong gagawin kong surprise kay Ciara. Natahimik tuloy kami habang kumakain. Pero wala. Wala na kaming naisip na pang surprise. Halos nagawa ko na kasi lahat eh. Naubusan tuloy ako ngayon. Whaaaaah! >o<

Natapos na kaming kumain at bumalik na kami sa studio para magpractice agad. Sobrang hyper namin  ngayon. Haha! Yung energy namin parang pang showtime. Parang wala ng mamaya at parang eto na yung huling pagtugtog namin. 

Dave: Aww shit! >:(

Napatingin kaming lahat kay Dave kasi bigla siyang natigil sa pagddrums. Pagtingin namin kay Dave, sabay sabay kaming nagtawanan. Naputol kasi yung isang drumstick niya. Haha! Nasobrahan kami sa energy lalo na yata si Dave. XD Tinapos nalang namin tugtugin yung dalawang kanta na tutugtugin namin mamaya. Nagpahinga na kami. Tumigil na din kami sa pagkahyper dahil baka maputulan pa ng strings si JM at JP.

JP: Tara pre, uwian na. Pahinga na tayo may 3 hours pa oh. =)

Nag agree kaming lahat sa sinabi ni JP. Kailangan na nga naming magpahinga para mataas pa rin ang energy namin mamaya sa battle. 

Bago ako umuwi, dadaan muna ako sa mall. Maghahanap ako ng pink na wrist watch para kay Ciara. Dahil sa pagod na ako, sa pangalawang store na napasok ko, binili ko na yung una kong nakitang pink na wrist watch. Sa wakas! Solved na ang problem ko. =)

Umuwi na din ako agad dahil gusto ko nang matulog. Nag alarm ako ng 4:00pm dahil baka mapasarap yung pagtulog ko at malate pa ako.

[4:00pm]

Kriiiiiing! Kriiiiiing! Kriiiiiing!

Ugh. -_- 4pm na agad. Ang bilis naman ng oras. Inaantok pa ako eh. >_< 30 minutes pa. Matutulog ulit ako. 

(-__-) zZzZzZ

*bzzzzzt bzzzzzt bzzzzzt

Wifey <3 Calling...

*bzzzzzt bzzzzzt bzzzzzt

1 missed call

*bzzzzzt bzzzzzt bzzzzzt

Wifey <3 Calling...

*bzzzzzt bzzzzzt bzzzzzt

(o_o) Nagising ako bigla sa tawag ni Ciara. Amp! Anong oras na?!

"Hello?"

"Hubby, saan ka na?"

"Susunduin mo pa ako diba? Baka malate tayo niyan?"

Ayy shit! 4:30pm na pala. Maliligo pa ako.  Taena. >__<

"Wifey, baka hindi na kita masundo. Sorry. Sorry talaga. Kakagising ko lang kasi eh. Maliligo pa ako. Sige na ha. Kita nalang tayo mamaya sa event. I love you. Sorry talaga."

Call ended

Sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko na nahintay sumagot si Ciara. Na end call ko na agad. Patay ako nito mamaya. Tsk! Bakit ba kasi hindi ako gumising agad ng 4pm eh. T.T 

Binilisan ko na ang pagkilos ko. Para ngang 5 minutes lang ako naligo eh tapos nagbihis na ako agad at nagpaalam na ako kay Mom.

 Pagsakay ko sa kotse ko...

SHIT! Pagkaminamalas nga naman oh. Ayaw magstart putspa!

Wala na akong nagawa kundi magtaxi nalang. :| Buti nalang may taxi agad pagkalabas ko ng subdivision. Swerte pa din ako. =)

"Manong, sa alabang."

"Okay sir."

Tinawagan ko agad si Ciara. Nag-aalala kasi ako na baka magalit siya sakin. :|

"Hello, wifey. Sorry talaga ha."

"Okay lang. Papunta na ako."

"Sinong kasama mo pumunta?"

"Si Joy. Sige na, bye na ha."

Call ended

Ayun. Sabi na nga ba eh. Magagalit na naman sakin si Ciara. Tsk! :| 

"Mahal mo ba talaga siya hijo?"

Biglang nagsalita yung taxi driver. Napakachismoso naman nito. Pero, kailangan ko din naman ng kausap kaya pwede na din. 

"Sobra po."

"Eh bakit ka malungkot? Nagtatampo siya sa'yo?"

Parang hindi na yata tama pa kung sasagutin ko yung tanong niya. Masyado na siyang mausisa. Tumahimik nalang ako at hindi ko na kinausap yung driver.

"Dapat kasi sinundo mo na siya. Aabot ka naman sa pupuntahan niyo eh."

Watda. Paano niya nalaman 'yon? Kinikilabutan ako sa driver na 'to. 

"Ano pong pinagsasabi niyo?"

Tumingin siya sa rearview mirror at nginitian lang ako.

"Kung mahal mo talaga siya hijo, ipakita mo. Iparamdam mo sa kanya na mahalaga siya sa'yo... na wala nang iba pang mas hihigit sa kanya at wala ng mas importante kundi, siya lang. Pahalagahan mo ang mga bagay na ginagawa niya para sa'yo. Hindi mo kasi masasabi kung hanggang kailan siya magiging sa'yo."

Ang daming alam nitong driver na 'to. Nababaliw na yata 'to eh. 

"Hindi niya ako iiwan. Mahal niya ako."

Tumigil na ang taxi at inabot ko na ang bayad ko. Pagbaba ko ng taxi...

"Mahal ka nga niya, pero hindi mo alam kung anong pwedeng gawin ng tadhana sa inyo."

Umalis na ang taxi.

Tadhana? Hindi naman ako naniniwala diyan eh. Tayo lang naman ang gumagawa ng sarili nating destiny. Napakaweird talaga ng driver na 'yon. 

*click

From: Dave

Dude, puntahan mo nalang kami dito sa backstage ha. Nandito na kaming lahat. Pati si Ciara.

Pagkatext sakin ni Dave, hinanap ko na agad sila. Napakadaming tao mula sa iba't ibang school. Pinagtitinginan ako ng mga schoolmates ko. Yung iba, naririnig ko nagchicheer pa "Go Dylan!". Lalo tuloy akong kinakabahan. Pero alam ko namang kaya namin 'to. The Pervs pa. =)

Ayun. Nahanap ko na din sila. Nilapitan ko agad sila. 

Dylan: Guys, sorry late ako. 

JP: Okay lang. 7pm pa naman daw ang start ng battle eh. Namove bigla. Badtrip dre. :|

7pm pa? Almost 1 and a half hour kami maghihintay? Tsk!

Nilapitan ko si Ciara.

"Wifey, sorry na po."

"Dahil anniversary natin ngayon, sige. Iintindihin ko nalang."

Niyakap ko si Ciara pagkasabi niya nun. Masaya ako kasi hindi na siya galit or nagtatampo. 

Nagkwentuhan nalang ang buong The Pervs para magpalipas ng oras. Ang gugulo na naman syempre. Pero hindi ako masyadong nakikisali kasi kailangan handa ako sa boses ko. Kinakabahan na rin talaga ako. >__<

It's Just a MemoryWhere stories live. Discover now