Chapter 20

315 11 8
                                    

Ibinalita ko na rin kay Ate Tin na kami na ulit ni Dylan. Kahit papa'no, masaya na rin siya para sakin. Ngayon na lang daw kasi ulit ako nakangiti ng ganito ^________^  yung ngiti na hindi fake. Hindi matipid. Yung ngiti na wagas talaga. =)

Lagi na rin akong excited pumasok. Lagi akong nagigising ng maaga, kasi maaga din niya akong sinusundo dito sa bahay. Nasanay na ako nang ganun. 7:15am ang time namin pero sinusundo niya ako ng 6:30am. Haha! at tatambay kami sa UTMT. Magkukwentuhan, asaran at kung ano anong trip. Ang saya ko na naman. Masaya kasi okay na okay na kami ni Dylan. Okay na ang LAHAT sa amin. =)))))

February na ngayon. Malapit na ang JS Prom. Excited much. ^____^ 

"Ciara, anong isusuot mo sa JS? Gown or cocktail dress?"

One week before JS Prom na. Namomroblema si Joy sa isusuot niya. Gusto niya kasing mag gown. Pero ang gusto ni Dave, mag dress lang siya.

"Cocktail dress. =) Baka sa fourth year na ako mag gown. ^______^ "

"Whaaaaah! Gusto ko kasi talagang mag goooooown!!! "

Haha parang ewan na naman 'tong si Joy eh. Ewan ko ba, masyado siyang kontrolado ni Dave. Pati yung isusuot niya, kelangan may permission pa ni Dave. 

"Guys, wait lang ha. Maglalocker lang ako at hahanapin na din si Dylan."

Pumunta na ako sa locker room para kumuha ng book and notebook para sa next subject namin. Pagdating ko sa tapat ng locker ko, may nakasingit na naman na isang maliit na pink scented paper sa gilid ng locker ko. Eto yung nakasulat sa pink paper

"Hi wifey. Miss mo na ako noh? Punta ka sa Room 102. =) -Dylan"

Amp. Ano na naman kayang pakulo nito ni Dylan? Pero na eexcite ako hehe! Pagkakuha ko ng mga gamit ko sa locker, nagmadali akong pumunta sa Room 102. Sa kabilang building pa kasi yon. Third floor pa. 

Pagdating ko sa Room 102 -- nakalock. Anak ng. :| Baka pinagloloko lang ako nito ni Dominguez. >:(

"Miss, may nagpapabigay sa'yo."

May lumapit saking isang 1st year HS student at binigyan ako ng pink na balloon at may nakataling isang maliit na pink scented paper sa dulo ng tali ng balloon. 

"Wifey, tingin ka sa baba. =) -Dylan"

Ang kulit nito ni Dylan promise. Pinapunta ako sa 3rd floor ng kabilang building pero nakalock naman pala yung room na yun. Hays. Wala akong nagawa kundi tumingin nalang sa baba. Sa ground ng SWA o ang tinatawag nilang oval. Dito lang sa building na 'to makikita mo ang kabuuan ng oval. 

 Pagtingin ko sa baba, WALA. As in NGANGA. Wala namang tao sa oval eh. Nakakaasar talaga 'tong si Dylan. Pinaglalaruan ako. >:(

Inalis ko na ang tingin ko doon at nababadtrip na ako kay Dylan. Pababa na sana ako para pumunta sa room namin pero narinig kong may tumawag ng pangalan ko galing sa baba.

"CIIIAAAARRRRAAAAAAAAA!"

Alam ko na agad na si Dylan yung natawag. Siya lang ang may kakayahang tawagin ako ng ganyang kahaba. Haha! So, tumingin ulit ako sa baba. Pagtingin ko

(OoO)

Literal na napanganga ako. Napahawak nalang ako sa bibig ko kasi ang laki talaga ng pagkaka nganga ko. Seriously. Meron kasi doon na mga estudyanteng may hawak na pink balloon at nakaform sila ng "I <3 U" at si Dave, JP, JM, Joy at Tim ang may hawak ng 1/8 illustration board na may nakalagay na C-I-A-R-A at si Jennika, sa kanya yung illustration board na may exclamation point. So, to sum it all, ang makikita mo mula third floor ng building na kinatatayuan ko ay isang malaking I <3 U CIARA! 

It's Just a MemoryWhere stories live. Discover now