Chapter 12

307 15 6
                                    

[5:00pm; Airport]

Hinatid na namin sila Marj at Sam sa airport. Nakumpleto na naman kaming The Pervs. Nakakaiyak. After 16 years, maghihiwalay na kaming tatlo nila Marj. >.< Hindi ako sanay. 

"Dylan, wag mong papaiyakin si Ciara ha, alagaan mo siya. Lagot ka samin pag nabalitaan naming pinapaiyak mo siya."

"Oo Marj. Hindi ko siya papaiyakin. Aalagaan ko siyang mabuti. =)"

Niyakap na kami isa-isa nila Marj at Sam. Nakakaiyak talaga. Ang sakit sa lalamunan pag pinipigil mong umiyak. Ayoko na umiyak kasi sabi sakin ni Sam, ayaw daw niyang makita akong umiyak. Ayaw na nga rin niya akong pasamahin sa paghatid sa kanila kasi alam niyang napakaiyakin ko. 

Nagwave na sila samin.

JP: Tara na. =) Wag na natin masyadong palungkutin ang sarili natin. Babalik pa naman sila. Sana.

Ciara: Miss ko na agad sila. >.<

Dylan: Tama na yan Ciara. Tara, may pupuntahan tayo. =)

Hindi ko na tinanong si Dylan kung saan kami pupunta. Sumama nalang ako. Nagpaalam na kami sa buong The Pervs. May kanya kanyang lakad din pala sila. May kanya kanyang date din. 

"Naglalaro ka ba ng tekken?"

"Hmm, nalaro ko na yun dati sa psp. Bakit?"

"Tara, laro tayo. =)"

Nagpunta kami sa x-site sa Festival Mall. Dun kami naglaro ng tekken. Naka 3 straight wins ako kay Dylan. ^_____^ Pero feeling ko naman nagpapatalo lang talaga siya. -___-"

"Ang galing mo wifey! =)"

"Nagpapatalo ka lang eh. :| "

"Hindi kaya. Ang galing mo talaga promise. =) Nagugutom na ako. Kain na tayo?"

"Sige. ^___^ "

Kumain kami sa madalas namin kainan sa Festi. Yun yung restaurant na nagkakasundo talaga kami ng kakainin. Habang nakain kami, may lumapit sa amin. Isang maputing babae, singkit, medyo matagkad sakin. Nakakulot ang buhok niya. Ang ganda niya.

"Hi Dylan! =)"

Ang ganda niya lalo nung ngumiti na siya. Sino kaya 'to? Bakit nagulat si Dylan nung nag hi sakanya yung girl?

"L-Leah?"

"Ako nga. =) Kamusta na? Siya na ba ang pinalit mo sakin? Wow. Para kang tubig. Wala kang taste."

Siya ba yung Leah Dizon? Nag-iinit ang dugo ko sa sinabi niya. Ciara, pigilan mo sarili mo. Wag kang magsasalita. 

"Tumahimik ka na nga Leah! Ano bang kailangan mo?"

"Wala naman. Gusto ko lang mameet yung ipinalit mo sakin."

Tumingin siya sakin. Ngumiti. Yung ngiting ramdam na ramdam mong pinaplastic ka lang. Siniringan ako. Sayang, sa sobrang ganda niya, wala nang natira sa ugali niya. 

"Hi! I'm Leah. And you are?"

Inabot niya sakin ang kanang kamay niya para makipagshake hands. Pero nakataas ang isang kilay niya. Ang kapal talaga ng mukha nitong babaeng 'to. Makakatikim sakin 'to eh. Feeling naman niya uurungan ko siya. 

"I'm Ciara. Dylan's girlfriend. =)"

"I know. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit ikaw ang ipinalit sa'kin ni Dylan. Di hamak naman na mas maganda ako sa'yo."

"Shut up Leah!"

Sa wakas. Nakaramdam din magsalita si Dylan. Akala ko manonood nalang siya eh.

"Ciara, let's go. I just lost my appetite."

Tumayo na kami ni Dylan.  Hinawakan niya ang kanang kamay ko at naglakad na palabas ng restaurant. Nilingon ko si Leah, halatang inis na inis siya. Ang sama naman kasi ng ugali niya eh. Tumigil ako sa paglalakad. Hinigit ko ng mahina si Dylan para tumigil din siyang lumakad. May sasabihin pa kasi ako kay Leah.

"Hey Leah! By the way, para kang alak. May taste nga, BITTER naman. =)"

Nginitian ko siya ng wagas pagkasabi ko nun. Lalo siyang naasar. Haha Natutuwa akong asarin siya. Ang pikon kasi. Hinila na ako ni Dylan para maglakad ulit. 

"Hubby?"

"Why?"

"Baka galit ka?"

"Bakit naman?"

"Dahil sa sinabi ko kay Leah."

"Hindi ah. Totoo naman eh. Bitter siya. =)"

Akala ko nagalit sakin si Dylan. Suportado pa pala niya ako. ^__^ Napatunayan ko lang talaga na mahal ako ni Dylan at wala na siyang feelings sa ex niya. Hinatid na niya ako sa bahay namin. Nakita kami ni Ate Tin. Kasama niya si Kuya Paul.

"Ciara, boyfriend mo?"

"Yes ate. Si Dylan. Dylan, si ate Tin."

Nag hi si Dylan kay ate Tin at nginitian naman siya ni ate Tin. 

"Dito ka na magdinner Dylan."

"Hmm, hindi pwede ate Tin eh, hinihintay ako ng mom ko sa bahay."

Nagpout ako. Medyo nagtampo kay Dylan. Pero, I should understand him. Silang tatlo nalang naman kasi ng mom niya ang magkakasama sa bahay. So kailangan niya talagang umuwi doon for dinner. 

"Next time nalang Ciara, I'll tell mom. ^_^ "

"Okay hubby. Can't wait for that next time. ^_^ "

Nag bye na siya samin ni ate Tin and i gave him a goodbye kiss. 

"I love you Dylan. Ingat ka ha."

"Oo naman wifey. Mag-iingat ako, papakasalan pa kita eh. ^____^ "

Ang dami talagang alam nitong si Dylan. Pero infairness, kinilig ako sa sinabi niya. :"> Umuwi na siya at dumeretso na ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Iniwan ko na sa sala si Ate Tin at Kuya Paul. 

It's Just a MemoryWhere stories live. Discover now