Chapter 14

284 13 2
                                    

[Christmas Vacation]

Malapit na mag Christmas. Excited na ako. Uuwi na kasi si Mommy. ^___^ I missed her so much. Maipapakilala ko na din si Dylan kay Mommy ng personal. 

*bzzzzzzt bzzzzzzt bzzzzzzt bzzzzzzt 

Hubby Calling...

*bzzzzzzt bzzzzzzt bzzzzzzt bzzzzzzt 

"Hello hubby?"

"I miss you wifey."

"Aww, I miss you too. =)"

"Are you busy today?"

"No hu--"

*Blag!*

"Wfey? Anong nangyare? ok ka lang ba?"

"Wifey?"

"Wifey?!"

*tooooot tooooot tooooot

_____________________________________________________________________________

Nawalan na pala ako ng malay. Pagkagising ko nasa hospital na ako. Nakadextrose ako.                 >.< Nakaupo sa mono block si Dylan sa tabi ng kama ko. Nakatungo siya. Tinignan ko yung orasan. 11:30pm. Ibig sabihin ang tagal ko na palang nakatulog. Sa natatandaan ko, 9:30am tumawag sakin si Dylan. After nun, wala na akong matandaan. 

Ugh. Hindi ko magalaw ang mga braso ko. Sinubukan kong galawin ang mga binti ko, pero hindi ko din magalaw. Feeling ko hinang hina ako. Paralyzed na ba ako? Bakit hindi ko magalaw ang anumang body parts ko? Pinilit kong magsalita at gisingin si Dylan. 

"Dy-lan."

Gumalaw siya at unti unting minulat yung mga mata niya. Tinignan niya ako at nagulat siya nung nakita niyang gising na ako. 

"Ciara! Okay ka na ba? May kailangan ka ba? Nagugutom ka? Tubig? Wait lang tatawag ako ng nurse."

Sa lahat ng sinabi ni Dylan, wala akong naisagot. Hindi yata uso sa kanya ang "period". Dirediretso siyang nagsalita at hindi man lang ako binigyan ng chance na makapagsalita. Ginising ko siya para malaman kung anong sakit ko at bakit hindi ko maigalaw ang mga braso at binti ko. Masyado yata siyang nataranta sa pagkakagising ko.

Maya maya may pumasok na nurse at doctor kasabay ni Dylan. Chineck ng nurse ang dextrose ko at kung ano-ano pa ang ginawa niyang pagchecheck sakin. Umupo si Dylan sa sofa na malapit sa bed at tinitignan niya yung ginagawa sakin ng nurse.

"Ms. Ciara right? I'm Doctor Steve. Kung nagtataka ka kung bakit hindi mo maigalaw ang mga braso at binti mo, yun ay dahil sa meron kang Hypokalemia o ang pagkakaroon ng sobrang babang potassium level sa iyong katawan. But don't worry, mild lang 'tong sakit mo. You should just avoid long, strenuous physical activities and should eat a lot of banana. Kapag nangalahati na yung laman ng dextrose mo o kaya naubos na, you'll be fine. And you can go home by tomorrow afternoon. Okay? =)"

At last, nalinawan na rin ako. Akala ko naman kung ano na ang sakit ko. Pero kahit na mild lang 'to, ang hirap pa rin kasi hindi ako makagalaw. Lumabas na si Dr. Steve at yung nurse niya. Pumasok na si Ate Tin.

"Ciara, tinawagan ko na si Mom. Sinabi ko yung nangyare sa'yo. Uuwi na daw siya tomorrow morning. Mom is so worried."

Dapat hindi nalang sinabi ni Ate Tin yung nangyare sakin. Nag-alala pa tuloy si Mom. Pero, sa tingin ko, okay na rin yun. Atleast uuwi ng maaga si Mom. Sana tumagal ang pag stay niya dito. 

"Okay Ate, tell mom to take care of herself. Don't overthink. I'm fine. =)"

[3:30am]

"Hubby, I can't sleep. >.<"

"It's normal wifey. 14 hours straight ka ba namang tulog eh, okay lang yan. Hindi na rin muna ako matutulog, babantayan kita. =)"

He kissed me on my forehead.

I'm so thankful to have Dylan in my life. Hindi niya ako iniiwan lalo na sa mga oras na kailangan ko siya. Marunong siyang tumupad ng promise. Kasi hindi niya ako pinapaiyak at inaalagaan niya ako tulad ng promise niya kina Marj at Sam nung hinatid namin sila sa Airport.

"Dylan?"

"Yes?"

"Stay in my life forever. Okay?"

"Yes wifey. I'll stay in your life forever. I promise. I will never ever leave you."

Speechless na ako. Ngiti nalang ang maisasagot ko kay Dylan. I'm so blessed to have him. Siguro, dapat na rin akong maging thankful sa ex ko. Kasi kung hindi niya ako niloko, kung hindi kami nagbreak, hindi ko makikilala si Dylan. Hindi ko makikilala ang isang lalakeng kukumpleto ng buhay ko. Natutunan ko lang ngayon na wag manghinayang sa bagay na nawala sa'yo, kasi mapapalitan pa ito. Hindi man katulad ng nawala sa'yo, pero maaring higit pa ang kapalit. And that's Dylan. ^__^ 

[5:30 am]

Hindi pa rin kami natutulog ni Dylan. Medyo nakakagalaw na ako. Nagagalaw ko na ang mga braso ko. Yung mga binti ko, hindi pa masyado. Pero okay na yung pakiramdam ko. Hindi na ako masyadong nanghihina. Kung ano anong kalokohan nalang ang ginagawa namin ni Dylan para hindi kami mabore. 

Binigyan ako ni Dylan ng paper and gel pen. Nagdoodle nalang ako at si Dylan may dinodrawing. Ayaw niya pang ipakita sakin. Hindi pa daw kasi tapos. 

"Wag kang gagalaw wifey. ^____^ "

Tumitingin siya sakin tapos tutungo na ulit para magdrawing. Titignan ulit ako at magdodrawing na ulit siya. Paulit ulit niyang ginagawa yun. 5-10 minutes din yata akong nakafreeze. Nagagalit siya pag gumagalaw ako. Nasisira daw ang masterpiece niya. Pero pag nakatungo siya, pasimple akong nagalaw. Nakakangalay kaya. :|

"Tapos naaaaaaaa! :D"

Hay salamat at natapos din. Pwede na akong magrelax. :D Excited na akong tignan ang drawing niya. Ngayon ko lang nalaman na nagdodrawing din pala siya. Singer na artist pa. How talented. ^__^

"Close your eyes wifey."

Lumapit siya sakin at tinakpan ng isang kamay niya ang mga mata ko. 

"Ok na wifey. Look at my masterpiece. ^___^ It's us!"

Dahan dahan niyang tinanggal ang kamay niya sa mata ko. Naexcite ako pagdilat ko. Pero...

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA XD"

I literally laughed out loud. And I can't help it. I saw two stick men. Ay no, one stick man and one stick girl and a heart between them. It's like a work of a grade one student. Seriously. XD

"Why are you laughing? >:( isn't it nice?"

Nilagay niya yung bond paper na may drawing niya sa lap ko at nag pout siya.

"Do I need to explain my masterpiece? That's us. And the heart between us is the only thing that keeps us connected. =) So, dont laugh at it. Okay?"

I stopped laughing after explaining what he did.

"Hubby, na-appreciate ko naman yung masterpiece mo. Ang hindi ko lang magets eh, bakit kailangan mo pa akong tignan at hindi pagalawin habang nagdodrawing ka?"

"For inspiration wifey. ^__^"

Quota na naman 'tong si Dylan eh. Pero kinikilig na naman ako. :"> 

It's Just a MemoryWhere stories live. Discover now