Chapter 29: Paper Talk

57.6K 883 33
                                    

Chapter 29: Paper Talk

Syempre marami ang nagulantang sa kantang pinili ni Dan Gab. Paano mo maipapakita ang Christmas spirit kung sad song ang tinutugtog mo? ‘Di ba dapat Christmas song?

Noong natapos na siyang kumanta, pinalitan na siya ng iba naming classmate. Good thing naisipan nilang Christmas song ang kantahin. Hindi katulad ni Dan Gab na wala na atang maisip na kantahin.

Pero kahit anong pagde-deny ko, alam kong ako yung pinatatamaan niya sa kanta niya. Kung narinig niyo lang talaga kung gaano kalungkot yung pagkanta niya, maluluha kayo. Hindi ako makapaniwalang kakanta ng sorrowful na kanta ang lalaking masayahin at bibong bibo. At ako yung dahilan kung bakit siya nagkaganyan.

Nawiwindang na ako kakaisip tungkol kay Dan Gab at sa mga kinikilos niya. Kailangan ko ng breathing room kaya lumabas ako ng classroom at tumambay muna sa corridor kung saan madaming estudayante ang naglalagalag at namimigay ng regalo sa friends nila sa ibang section o ibang year level. Halos lahat ng dumaan, kahit hindi ko kilala, binati ko ng Merry Christmas. Nakipagdaldalan din ako sa mga kaibigan ko sa ibang section kaya naalis yung isip ko sa ibang bagay. Specifically si Dan Gab.

Nung bumalik na ako sa upuan ko, may nakita akong isang regalo, hindi pa nabubuksan. Hindi ko pa nabubuksan, alam ko na kung ano yung laman ng regalo na iyon. Lumingon ako para tignan yung nagbigay sa akin ng regalo.

Nakita kong nakatingin din sa akin si Dan Gab at tinaas niya yung Lightning Pacifier na Vongola Ring na regalo ko sa kanya. Sinamahan pa niya iyon ng isang ngiti na kakaunti lang ang pag-angat mula sa labi niya.

“Thank you,” nag-mouth ako ng pasasalamat ko.

“You’re welcome,” ang basa ko sa mga labi niya bago siya tumalikod sa akin.

Simula grade six kami, naadik si Dan Gab sa anime na Katekyo Hitman Reborn. At dahil magkatabi kami sa upuan, non-stop siya kung magkwento sa bawat episode na napapanood niya. Kaya noong Christmas party namin noon, niregaluhan ko siya ng isang Vongola ring na makikita ninyo sa palabas na iyon na nabili ko sa Comic Alley. Syempre, kapag nagkukwentuhan kami, hindi ako papatalo kaya yung Harry Potter naman yung kinukwento ko sa kanya. Pilit ko pa ngang pinapabasa sa kanya yun eh. Nagulat naman ako noong Christmas party, Harry Potter and the Sorcerer’s Stone yung niregalo niya. Noong first year, yung Chamber of Secrets naman ang sa akin, sa kanya yung Rain Pacifier na Vongola ring ang binigay ko. Parang naging tradisyon na namin na mag-regalo. Sana nga lang magpatuloy hanggang sa makumpleto namin ang seven books at seven rings.

Kaya ganon na lang ang kagustuhan kong maibigay yung regalo ko sa kanya kahit wala siyang ibibigay para sa akin. Gusto ko na malaman niya na kahit ano man ang maging desisyon niya, kaibigan ko pa din siya.

Unang klase sa simula ng taon male-late pa ako. Pa’no naman kasi, nawalan pa kami ng tubig kanina, inubos pa ni Kuya yung naigib na kaya kailangan ko pang mag-igib ng sarili kong tubig paligo. Nakakaasar!

Kaya naman noong nag-bell at saktong kakapasok ko pa lang ng gate ay sobrang saya ko na. Nakipag-apir pa ako kay manong guard na wala nang ibang ginawa kundi tarayan ang mga estudyante at sa ngayon ay nangongolekta na ng ID ng mga late.

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon