November 10. Saturday.
May pasok pa kami ngayon dahil may program sa school namin. Battle of the bands. Manood kami nila Jennika, Tim at Joy. Syempre kailangan namin suportahan ang boyfriend namin. Kasali kasi sila. =) Si Dave, drummer. Si JP, lead guitarist. Si JM bassist at si Dylan ang vocalist. 2 songs per band ang required. 5pm pa ang start ng battle of the bands kaya pwede pa akong matulog ng matulog. Hindi ko naman kasi makakasama ngayon si Dylan dahil kailangan nilang magrehearse para mamaya.
*click
From: Hubby <3
Good morning wifey. See you later. I love you. :*
To: Hubby <3
Good morning din hubby. Susunduin mo ako mamaya?
From: Hubby <3
Sorry wifey, I can't. Sobrang busy kasi ngayon eh. Basta, I'll see later at school. Okay? Take care. :*
Nagvibrate yung cellphone ko. Pagtingin ko, may note.
First monthsary ni Hubby at ni Wifey. ^____^
Very good talaga 'tong si Dylan. Hindi na nga niya ako susunduin, hindi pa niya naalala na monthsary namin ngayon. First monthsary pa. Parang wala lang eh. :| Makatulog na nga lang muna ulit.
Nagising na ako ng 1pm. Grabe, napasarap ang tulog ko. Ngayon nalang ulit kasi nakabawi ng tulog eh. Tinignan ko yung cellphone ko. 4 messages. Binuksan ko agad at hinanap ko ang text ni Dylan. Pero wala. Sobrang busy niya siguro.
From: Tim
Ciara, What time ka pupunta mamaya?
From: Jennika
Happy monthsary sa inyo Ciara. :)
From Joy:
Happy monthsary sa inyo ng Hubby mo. Ayiiee! :)))))
From: Ate Tin
Ciara, I'll stay here in Cavite muna ha. 2 days and 1 night lang. Take care sweetie. :*
Buti pa si Joy at Jennika, naalala ang monthsary namin ngayon. Itetext ko na nga si Dylan. Pero mamaya ko nalang siya babatiin, para personal. Pero nakakatampo talaga. Kahit busy siya, dapat may time pa din siya para man lang bumati. Wala pa namang 3 minutes ang makoconsume na time niya pag nagtext siya sakin eh. Hays. :|
To: Hubby <3
Hubby, don't forget to take a lunch. I love you.
Naghintay ako ng reply niya. Pero 10 minutes na, wala pa ding reply. Edi siya na busy! Hmp! Lumabas na ako ng kwarto para kumain ng lunch. Ang tagal kong naglunch dahil sinamahan ko pa iyon ng panonood ng showtime.
*click
1 new message
Na-excite ako nang makita kong may nagtxt. Binuksan ko agad. Baka si Hubby na yon. =)
From: Joy
Ciara, 4pm kami pupunta ni Jennika. Ikaw?
To: Joy
Sige ganung oras nalang din. Kita kits nalang! =)
I'm soooooo disappointed. Akala ko naman kasi si Dylan na. Hays. :| Naligo na ako at nag-ayos. Magpo-four pm na din kasi. Binilisan ko na ang pagkilos ko dahil maghihintayan kami nila Joy sa may gate ng school.
Pagkadating ko sa school andun na si Joy at Jennika. Dumiretso na agad kami sa may covered court. Dun kasi gaganapin ang battle of the bands. Ang ganda ng pagkakaayos ng stage. Rock rock-an talaga mamaya. Excited na akong makita ang The Pervs na magperform. =) Simula din kasi nung naging kami ni Dylan, never ko pa siyang narinig na kumanta. Pero, madaming nagsasabi na maganda daw ang boses ni Dylan. Well, we'll see it later. ^___^
5:30pm na nag start ang battle of the bands. Puro intermission number pa. Exactly 6:00pm nag salita na ang Emcee at tinawag na ang first band na magpeperform. 4 guys and 1 girl. Yung girl, si Genma Gerona yung vocalist. Section 4-A. Hindi kami close, kilala lang namin ang isa't isa by name. Nakilala ko siya kasi nakalaban ko na siya ng isang beses sa drawing contest.
*click
From: Hubby <3
Wifey, sorry ngayon lang nakapagtext. Nasa back stage na kami. Pang lima kaming magpeperform. ^__^
Sa wakas. After 2457638563 long years of waiting, nagtext na din siya.
To: Hubby <3
Okay. Goodluck. I love you. :*
Tapos na din mag perform ang 2nd and third band. Nagkaroon na naman ng intermission number. Hays. Hindi pa tinuloy tuloy eh. Pampatagal pa ng oras. >.<
Tumugtog na yung nag oorgan. Si Raechelle Delos Reyes, section 4-A din. Sikat siya kasi siya ang pinakamagaling mag organ sa buong campus namin. Hindi pamilyar yung tinutugtog niya. Itetext ko na sana si Dylan para kamustahin pero biglang nagtilian ang halos lahat na babae sa covered court. Isama na rin ang mga bakla. Pag tingin ko sa stage, si Dylan. O.O
When you smile, everything's in place.
I've waited so long, can make no mistake.
All I am reaching out to you
I can't be scared, got to make a move.
Come away with me
Keep me close and don't let go
Inch by inch we're moving closer
Feels like a fairytale ending
Sakin lang siya nakatingin habang kinakanta niya ang Moving Closer ng Never the Strangers. Lumakad na siya pababa ng stage. Nasa baba na ng stage si Dave, JP at JM. Nagvivideo si JM. Pagbaba ni Dylan ng stage, inabot na ni Dave ang isang bouquet of pink roses. At lumakad na papalapit sa akin si Dylan. Binigay na niya sakin ang bouquet. Lalong lumakas ang tilian sa loob ng covered court. Tinapatan na kami ng spot light. Nakatitig lang kami sa isa't isa habang kumakanta siya.
Take my heart, this is the moment.
I'm moving closer to you.
moving closer...
closer to you...
moving closer...
I'm moving closer to you...
"Happy monthsary Ciara. I love you so much."
"I love you too Dylan. Happy monthsary."
Medyo naluluha ako. Sobrang natouch kasi ako sa ginawa ni Dylan. Akala ko kasi nakalimutan na niya eh. He kissed me on my cheeks. Sobrang lakas ng palakpakan at hiyawan sa covered court. Umalis na ulit si Dylan dahil kailangan na nila magstay sa backstage.
Sobrang sarap sa feeling. Para akong nasa cloud nine. Tulala na naman ako. Di ako makaget over sa nangyari. I really love you Dylan Domiguez. A lot.
ESTÁS LEYENDO
It's Just a Memory
Novela JuvenilIt is about the two heartbroken teenager who met by destiny. They enjoyed their life together and swore that they will never leave each other. Until one day, destiny played with them and tested their love if it would really last. Ito ang kauna-unaha...
