Chapter 7

315 22 2
                                    

2 weeks ago na simula nung nagkachat kami ni Dylan. Close na kami. Madalas na namin siya makasamang maglunch nila Sam at Marj. Pero minsan buong The Pervs ang ang kasama namin maglunch kasama na din ang girfriend nila Dave, JP at JM. Ang kukulit nila kasama. Ang lalakas ng trip. Hindi naman pala talaga suplado si Dylan. Mukha lang. Pero pag nakasama mo na, wagas tumawa at mahilig pa magjoke. Pero 60% ng jokes ay waley. Nadadala lang kami ng tawa niya kaya napapatawa na din kami. Haha! 

5pm na. Pauwi na kami, sabay sabay kaming 3 nila Sam at ang The Pervs papunta sa parking lot. Nauunang maglakad yung tatlong couple. Kasabay kong maglakad sina Marj, Sam at Dylan. Bumulong bigla sakin si Dylan. "Ciara, ako na maghahatid sa'yo." Hihindi palang ako pero biglang nagsalita si Sam.

"Ciara, may pupuntahan pa kami ni Marj. Mauna ka nalang umuwi ha. Bye! Ingat guys!"

Nagwave na sila samin. Hays. No choice ako. Nagwave nalang din ako sa kanila.

"So, kailangan nga talaga kitang ihatid. ^__^ "

"Oo na nga."

Nagpout ako. Nakakaasar naman kasi sila Sam. Mukhang nakaramdam yung dalawa.

Sumakay na kami ni Dylan sa kotse niya. Ang awkward ng feeling. Ngayon lang kasi kami nagkasama ng kami lang talagang dalawa. Nakakapanibago tuloy. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Nagkakahiyaan siguro. O nagpapakiramdaman nalang kami kung sino ang unang magsasalita. 

"Ciara, dib wala kang boyfriend?" 

Binasag na ni Dylan ang katahimikan.

"Wala na."

Shet. Naalala ko na naman tuloy yung napakawalang kwenta kong ex. Haha ako na bitter. XD Tumahimik saglit si Dylan. Huminga siya ng malalim.

*After 3.64 awkward seconds

"Pwede ba akong manligaw?"

Shocks! tama ba yung narinig ko? Si Dylan Dominguez nagtatanung kung pwede akong ligawan. o.O Whaaaaaah! Anong isasagot ko? Bahala na nga.

"Hmm, Dylan, hindi yan tinatanong. Ginagawa yan."

Sabay ngiti sa kanya at lumingon ako sa right side. Amp! Ano ba yung nasabi ko? Pumayag ba ako? Bahala na nga lang siya kung anong pagkaka intindi niya dun. 

"Haha! Sige, gagawin ko nalang. ^_^ "

So ayun nga yung pagkakaintindi niya. Medyo gusto ko na rin naman siya eh. Mabait naman siya. Hindi boring kasama. May sense of humor. Gentleman. Sweet. Basta lahat ng gusto kong charateristics ng lalaki nasa kanya. So, okay lang siguro na pumayag ako. ^__^ 

It's Just a MemoryWhere stories live. Discover now