Ciara's POV
"OH MY GAAAAAWD!" Paglingon ko, nabigla ako. Napasandal ako sa dulo ng armchair ko. Napahawak ako sa arm ng chair ko at pati sa sandalan.
"I-Ikaw yung..." nauutal kong sabi. Nagulat siya sa reaksyon ko. "Ako yung?" Gulong-gulo na siya sa nangyayare lalo na sa reaksyon ko. Oo na, ang OA ko na. Pero hindi ko naman kasi ineexpect na makita ulit siya lalo na ang maging classmate siya.
"Ikaw yung--" Hindi na niya ako pinatapos magsalita.
"Ah oo! Ako nga yung nakabunggo mo kanina sa tapat ng bulletin board. Sorry ha, malelate na kasi ako nun eh. ^_^ " Nagdirediretso siya sa pagsasalita niya sabay ngiti. Ang cute niya ngumiti. Hehe nakakapagtaka lang, bakit hindi siya ganun makipag-usap di tulad nung nasa bar kami? Para siyang bata. Hehe pero ang cute talaga promise! ^__^ "Okay lang, sorry nga pala ha. I'm Ciara by the way." Inabot ko yung kanang kamay ko at nagshake hands kami. Bakit nga pala kami nagshake hands? Masyado yatang pormal yun. Haha "Dave. ^__^ Sorry saan? Eh ako na nga nakabunggo sa'yo." Ngiti siya ng ngiti. Ang cute talaga! :D Pero makakalimutin na ba siya? Eh kagabi lang kami nagkita sa bar, limot na niya agad.
"Oo sorry. Sobrang sorry talaga sa pagsusungit ko sa'yo Dave."
"Pagsusungit? Kelan mo ako nasungitan?" Ayy, makakalimutin na nga 'to. Kagabi lang yun eh. Wala pa naman siyang tama nung nagkausap kami dahil halos kakarating lang nila nun.
"Kagabi. Limot mo na agad?"
"Kaga--"
Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!!
Naputol na yung usapan namin ni Dave. Bigla kasing nagbell. Recess na. Yey! :D "Dave, tara na." Napalingon ako sa isang babae na tinawag si Dave. "Ciara, si Joy nga pala, girlfriend ko. ^__^" Aww, may girlfriend na pala siya. Pero bakit ba ako nalungkot? Hindi naman ako dapat affected. "Hi. ^_^" Nag-hi ako sa kanya at nginitian ko siya. "Hello! =) ikaw yung transferee diba? Ako nga pala si Joy Gamboa. Just call me Joy. ^___^" Mukha naman siyang mabait. At wala sa itsura niya ang pagiging mataray. Bagay nga sila ni Dave. Palangiti kasi sila pareho. "I'm Ciara De Guzman. Yup. Ako nga yung transferee" sumagot din ako ng ngiting ngiti. Nafeel ko na makakasundo ko si Joy. "Okay. Sige Ciara, we'll go ahead. ^__^" umalis na sila at nagwave nalang sakin si Dave. Nagwave na rin ako sa kanya. Maya-maya, nilapitan na ako nila Marj at Sam.
Marj: Oh ano Ciara, close mo na sila?
Ciara: Hindi pa naman. Kakakilala ko pa lang sa kanila eh. =)
Marj: Alam mo bang crush na crush ni Sam yang si Dave? Haha
Sam: Oy hindi ah! :">
Hindi daw pero nagblush si Sam. Haha "Eh sino? Si Dylan? Ayiiiee!" Inaasar ng inaasar ni Marj si Sam. Pero naguguluhan ako. "Sino si Dylan Marj?" Gulong gulo talaga ako kaya tinanong ko na si Marj.
"Ay oo nga pala. Dito kasi sa school natin, merong apat na lalaki na hmmm, hindi naman kinakatakutan kasi mababait sila. Hinahangaan lang at nirerespeto. Sila yung The Pervs. Yung tatlo nasa 3-A si Dylan, JM at JP. Yung isa classmate natin -- si Dave."
"Si Dave?!" Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi ko inaakalang sikat pala si Dave dito. Sabagay, ano bang alam ko? Eh bago pa lang naman ako dito. "Oo, si Dave nga. Si Dave Dominguez na crush na crush ni Sam. ^__^v " Inasar na naman ni Marj si Sam. Haha! Ang kulit nila! XD
"Hindi ko na siya crush. Taken na eh. Kay Dylang nalang ako. Hehe"
"Ang kulit niyo! Haha tara kumain nalang tayo."
Pumunta kami sa canteen. Naghanap na kami ng mauupuan pagkabili namin ng pagkain. Nakakita kami ng vancant na table malapit na sa exit ng canteen. Sa harap ng table namin, nakita kong mag-isa si Dave. Lumingon lingon ako. Hinanap ko si Joy pero wala. Naisip kong tawagin si Dave at makishare nalang sa table namin para hindi siya mukhang loner. " Dave! :D" Tumingin sakin sila Marj at Sam pagkatawag ko kay Dave. Tinignan din nila yung tinatawag ko. pero yung tinatawag ko hindi pa tumitingin sakin. Kaya tinawag ko ulit siya. "Dave! :D" this time, tumingin na siya. Kumaway ako at sumenyas na dito na sa table namin siya makishare. Pero dinedma niya lang ako. Napansin ko si Sam at Marj, tawa ng tawa sakin. Oo na, ako na napahiya. :| "Bakit ba kayo natawa?" Naaasar na ako sa kanila. Ayoko kasi ng tinatawanan ako ng di ko alam ang dahilan.
"Hindi naman yan si Dave eh. Hahahaha!" Ayaw tumigil ni Marj sa kakatawa. Lalo naman si Sam na nagba-vibrate na sa pagtawa habang nakahawak sa tiyan niya. Teka, anong sabi Marj? Hindi si Dave yun? Ibig sabihin may kamukha si Dave? Ang guloooooooooo!!!
--END OF CHAPTER 4
STAI LEGGENDO
It's Just a Memory
Teen FictionIt is about the two heartbroken teenager who met by destiny. They enjoyed their life together and swore that they will never leave each other. Until one day, destiny played with them and tested their love if it would really last. Ito ang kauna-unaha...
