Chapter 43

2.1K 29 0
                                    

Chapter 43

Summer's Pov

It feels so great to be back here. I miss here. I miss the air, the scenery, and most of all, My family. Oh, bakit? Akala niyo siya? Duh! No way. Im new and Gold.

"Did you already miss them?" napatingin ako kay hazel. Hindi naman kami inabot ng matagal doon. Mga isang buwan lang naman. Wala na nga akong balita, eh. I don't know what happen but i miss them. I really miss them.

"If course, yes" nakangiting sagot ko.

"Then, what are we waiting for? Come on" kami na lang dalawa ang umuwi dahil nauna na sila tita. May mga bagay daw kasi silang aasikasuhin.

"Excited na akong makita sila" nakangiting sabi ko.

"Ako nga rin, eh. Wala naman gaanong nagbago dito"

"As usual" sagot ko na lang. Nanahimik kaming dalawa at tumingin na lang sa labas. Nung nasa america pa kami, halos araw araw ay nakakatanggap ako ng mga regalo. Either chocolate, teddy bear, flower at kung ano ano pa.

"Sum, sa bahay muna tayo" tumango na lang ako sa sinabi niya dahil hindi ko maalis ang tingin sa bintana. "Kuya sa bahay muna po"

Aaminin kong namiss ko siya pero as a friend. Yung mga memories namin ay iniisip ko na lang as a 'Friends Memories'. Move on na kasi ako. Sabi ko nga sa inyo, pag ako naoperahan, new heart na.

"Ang lalim na naman ng iniisip mo. Siya na naman 'no?"

"Sus. Wag ako. Move on na ako" sabi ko.

"Aysus. Pero bago ka operahan ay binangg--"

"Shut up" nilakihan ko pa siya ng mata.

"As you told" nakangising sabi niya at napairao na lang ako.

Oo na. Hindi na ako magsisinunga--
ling. Bago ako maoperahan ay tinawag ko ang pangalan niya kasi nag hallucinate ako na yung isang nurse doon ay siya. Pero yun na lang yun! Move on na ako! Siyempre nun hindi ko pa siya nakakalimutan!! Period!

(AT: Bakit ka galit? Kailangan talaga may exclamation mark? Sus, wag ako)

Shut up!! M-O-V-E N-A A-K-O!!!

(AT: Bakit kailangan i-emphasize lahat? Ang defensive)

Shut up!! Tap--

(AT: Oo na!! Continue. Pwe)

Bwisit na'to. So ayun nga, naka move on na ako. Siguro yung nagpapadala ng mga gifts ay yung destiny ko talaga. Promise! Hahanapin ko siya. Tapos pag nahanap ko siya ay ako na mismo manliligaw para hindi na makawala. Echos lang. Ang desperada ko naman.

"Summer!!" napalingon ako kay hazel ng sumigaw. Napatingin ako sa labas. Nasa bahay na pala nila kami. "May lutang dito. Iniisip kasi si ano...."

"Ano na naman?! Duh! Hindi siya yung iniisip ko" bulyaw ko at napatingin naman siya sa akin na parang nagulat.

"Bakit? May sinabi ba akong tao? Wala naman diba? Sus. Masyadong halata" umiiling na sabi niya

The Nerd in DisguiseWhere stories live. Discover now