Chapter 7

3.7K 79 2
                                    

Note: May part 2 po itong Chapter 7. Maiklo lang po yun.

Chapter 7

Hazel's Pov

Kita ko kung paanong naging balisa ang mukha ni Sam, halata mong kinakabahan sya. Kaya naman ay bigla ako nag alala.

"Sam are you okay?? Sam??" Sabi ko pero nakatulala lang sya sa cellphone nya kaya naman ay hinablot ko yun pero agad nya ulit nakuha.

"Hazel wag" sabi nya na niyakap pa ang cp nya.

"Ano bang nangyayari sayo?" sabi ko at nakita ko ang paglunok nya. Pilit nyang hindi pinapakita na kinakabahan sya, pero halata ko sa mukha nyang kinakabahan sya.

"K-Kasi ano.... May n-napanood ako sa fb na nakakadiri kaya n-naman wag mo n-nang panoorin, lalo na't kumakain ka" sabi nya pero hindi ako nakumbinsi

"Nagsisinungaling ka" deretsong sabi ko at natigilan naman sya at napayuko. "Ipakita mo sa akin yan." Inabot naman nya ang cellphone nya at medyo nagulat din ako. "You will all die??" tanong ko at napa 'sshh' naman sya.

"Hazel anong ibig sabihin nan?" turo nya sa cellphone nya.

"Hindi ko alam" sagot ko. Hindi ko pwedeng ipa alam to kila daddy, it means hindi namin malalaman kung sino ang nasa likod neto. "Malay mo, mga nangtitrip lang to" sabi ko sakanya, pero hindi ko sya makumbinsi. Nagisip ako ng paraan para hindi sya kabahan "Sam sa panahon natin ngayon marami nang nantitrip, im sure isa lang to sa mga to." Sabi ko at medyo humupa naman ang kaba sa mukha nya.

"Sana nga Haze, sana nga" sabi nya at tinapos nalang namin ang pagkain namin at bumalik na sa apartment nya at nagpahinga kami. Nauna syang naligo kaya naman ay tinawagan ko si sammy.

"Hello Sammy!!" Masayang bati ko

"Hi ate hazel" malamyang bati nya

"I feel that you are sad again" sabi ko

"Because i miss my Ate" sabi nya at bumuntong hininga naman ako, gusto ko mang sabihin ay hindi pwede.

"You know what?"

"What?" biglang nagliwanag ang tono nya, dahil alam nyang may sasabihin akong maganda.

"I really feel, that you're ate will come to your birthday" sabi ko

"Talaga?" kaya paniwalang paniwala sya dahil ay hindi ko pa sya nabibigo

"Yah, that's what i feel" sabi ko at nakangiti na to ngayon.

"Sure yan huh?" tanong nya

"Hindi ka ba nagtitiwala sa akin?" kunwa'y malungkot na saad ko.

"No its not that..... I just wanna asure that, but i believe you" sabi nya at napangiti naman ako.

"Sige maya na lang ulit kita tatawagan ha? Ligo lang ako" sabi ko at ibinaba ang linya. Lumabas si sam kaya naman ay inayos ko na ang gamit ko.

"Ikaw na haze" sabi nya at binitbit ang mga gamit ko "simba tayo haze" sabi nya at tumango naman ako

Habang naliligo ako ay iniisip ko kung sinong pwede mag padala ng message na yun. Dahil ba sobrang yaman namin o dahil trip lang nila? Aishhhh ano ba talaga??. Natapos akong maligo ay nagbihis na ako at lumabas ng cr. Nakita kong nakahiga si Sam at nakapikit kaya lumapit ako.

"Oy gising na" sabi ko pero hindi pa rin sya dumidilat "tubig o bangon" sabi ko at agad naman syang tumayo. Hahahah sabi na eh gagana pa din. Sinamaan nya ako ng tingin pero pumunta na lang ako sa harap ng salamin at nagayos ng sarili.

"Sam san mo gusto pumunta??" sabi ko habang itinatali ang buhok

"san ba?" tanong nya sa sarili nya habang nag iisip "alam ko na. Sa..... AMUSEMENT PARK!!" sabi nya na nakangiti at halatang excited. Sabi na eh.

The Nerd in DisguiseWhere stories live. Discover now