Chapter 2

6.8K 112 2
                                    

Chapter 2

Sam's Pov

"A-Ah" mahinang pag aray ko ng maramdaman ko ang sinag ng araw sa mukha ko. Itinakip ko ang mata ko sa mata ko at pumikit ulit. Parang hindi ako nakatulog, sabagay gabing gabi na pala ako nakatulog.

Bumangon ako at nagtatatalon para magising ang diwa ko. Pumasok ako sa banyo at naligo, pagkatapos ay nagluto ako ng breakfast ko.

Nagtataka kayo no, kung saan ako kumukuha ng pera, well may ipon naman ako at saka wala naman akong balak magtagal no tatapusin ko lang yung forth year ko at babalik na ako sa kanila.

Matapos kong mag asikaso ay kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas ng bahay. Pumunta ako sa waiting shed at nag antay ng masasakyan, ng may makita akong jeep na dadaan sa school ay sumakay agad ako.

---Miles University---

Pagbaba ko sa jeep ay agad akong pumasok sa loob. Nang madaan ako sa parking lot ay nakita ko ang sasakyan nila Hazel. Lumapit ako don at kinatok ang salamin. Hindi nga ako nagkamali dahil pagbaba ng salamin ay si hazel ang bumungad sa akin at sila.......

(・o・)

Mrs. Ramirez at Mr. Ramirez

"Ay sorry po" sabi ko at tumungo. Lumabas naman si hazel kasunod sila mr and mrs ramirez.

"Oh, hi" sabi ni Mrs Ramirez

"G-Good Morning po" sabi ko at tumingin sa kanilang dalawa. Tumango lang si Mr and Mrs Ramirez

"Ah sam, this is my Mom and Dad" sabi nya at ngumiti naman ako "and mom and dad, she is Sam" pakilala nya.

"Hi Ija, nice to meet you" sabi ni tita at ganun din ako.

"You should go hazel, well talk about that next time" sabi ni Mr. Ramirez

"Okay dad." Sabi nya at humalik sa pisngi ni Mr and Mrs Ramirez. Nagpaalam muna ako bago tumalikod.

"Haze bakit nga pala hindi ka na pumasok kahapon?"

"May inasikaso lang ako kahapon.... Hehehehe"

"Ohhhhhkay" sagot ko

Dumeretso na kami sa classroom. Pagdating namin ay naupo kami at sandaling nag usap. Maya maya pa ay pumasok na ang lec at nag check ng attendance.

"Bryle?" Sabi nya at nag taas naman ako ng kamay. "Miller?" Tanong nya at walang sumagot napatingin na lang ako sa tabi ko at wala sya.

'hindi ko napansin... Pero teka nga hindi mo naman talaga mapapansin dahil napaka tahimik nya. Tsk'

Pagkatapos mag check ng attendance ay nag lesson na ang lec.

Lesson

Lesson

Recess

Matapos ang recess ay si Sir Miller na. Pumasok si sir miller ng naka ngiti kaya naman tong mga nasa harap ay kala mo kinikiliti at nagsimula ng magbulungan

"Yiehhh mas gaganahan ako pag si sir ang teacher"

"Wahhh magkamukha talaga sila ni Blake Baby"

"Eeiihhh bakit ang hot ni sir"

Putik na kalandian yan, ang sarap nilang itapos sa Bermuda Triangle eh no??. Pero maiba tayo ayoko ng math. Hindi naman sa hindi ko gusto, minsan lang kasi nagegets ko pero pagdating ng exam wala na. Hinangin na.

Nagsulat si sir sa Whiteboard at nagsimulang mag discuss. Napakabagal ng oras para sa akin. Gwapo man yung nagtuturo eh sa hindi ako interesado sa x nya, bwisit iniwan na nga hinahanap pa. Putchang X yan bumalik ka na kasi ng hindi ka hinahanap dito. Maya-maya pa ay lumabas na si sir kaya naman nakahinga ako ng maluwag.

The Nerd in DisguiseDonde viven las historias. Descúbrelo ahora