Chapter 11

3.1K 58 1
                                    

Excited Much. Chapter *toot*toot* Here we go. KBye.

Chapter 11

Sam's Pov

Pagkalabas na pagkalabas ko ay agad kong sinara ang pinto nya at sumandal dun. Hingal na hingal ako, feeling ko ang layo ng tinakbo ko. Humawak ako sa dibdib ko at panatag na sumandal sa pinto ng biglang....

"Aray!!" Buksan yung pinto at mapahiga ako. Shettt, ang sakit ng ulo.

"Fxck!" Sigaw ni blake "What are you doing!?" Inis na tanong nya, tumayo naman ako at pinagpag ang likod ko.

"S-Sumandal kasi ako, kasi hiningal ako" sabi ko

"Tabi" sabi nya at nalito naman ako "Tabi" sabi nya at dun ko lang napansin na nakaharang pala ako sa pinto nya kaya dali dali akong tumabi at lumabas sya sabay malakas nyang sinara ang pinto.

"Mam, Sir kakain na raw po" nagulat ako sa maid na nasa tabi namin

"A-Ah, hahahaha sige po ate" sabi ko at naglakad na papunta sa may hagdan. Sumunod na lang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung nasan yung kitchen nila. Nang marating namin ang kusina nila ay namangha ako sa laki at linis ng mga nandun.

"Close your mouth" dinig kong sabi nya at nagulat ako na nakanganga ako, sorna namamangha lang.

"Oh, you two are hereee" kinikilig na sabi ni tita. "Seat, seat" sabi nya at hinila ang upuan, uupo na sana ako sa kabila ng mag clear ng throat si tita. "Ehem, sam you will seat here" turo ni tita sa tabi ni blake kaya nagulat naman ako. "No buts, seat here" sabi nya at sinunod ko na lang siya. Umupo na sila at si lisa. Nang magtama ang paningin namin ay agad syang nag peace at ngumiti. Bumulong si tita sa kanya at tumango-tango naman siya.

"Asan na po sila tito?" Tanong ko.

"Si Honeybunchpie ay umalis na, si blaze naman ay pumasok na sa klase nya" sabi ni tita at tumango-tango naman ako. Nagsimula kaming kumain, syempre nag kekwento naman sila tita at lisa.

"Tita hindi mo pa po ako pinapakilala ng buo" nakangusong sabi ni lisa.

"Oh sorry" sabi ni tita na naka peace "nga pala sam, she is Allisa Miller, yung daddy nya yung kapatid ko and her mother is my best friend. She's 13 years old and she's going to study in Miles University. She's Grade 8 and by the way.... She's my partner in crime" sabi ni tita at nagdikit pa sila ng braso at nilagay pa ang buong braso sa dibdib.

"Hahaha, ang cute nyo po" nakangiting sabi ko, yung tipong naka ngiti pati yung mata ko.

"Mas cute ka nga eh, nag-i-smile yung mata mo" sabi ni lisa.

"Tss" sabi netong katabi ko

"Yieh, si blake... Bitter" sabi ni tita.

"Tsk" sabi nya

"Alam mo ba sam?" Tanong sa akin ni tita

"Ano po yun?" Tanong ko din at lumapit sya sa akin

"Mahilig si blake sa r---"

"Mom!!" Sigaw ni blake

"What?" Inosenteng tanong ni tita habang si lisa naman ay tumatawa.

"Hahahahahah!!" Biglang tumawa si tita "Mamaya ko na sasabihin sayo" sabi ni tita at tumango na lang ako

"Tss, mom will you please stop?" Tanong ni blake

"Okay okay" sabi ni tita at umastang sini-zipper ang bibig. Kumain kami ng tahamik pero bumubungisngis pa din si tita. Natapos kaming kumain at hinila agad ako ni tita, pero agad din akong hinila ni blake kaya naman, ang siste ay parang nag-aagawan sila. Binitawan na lang ako ni tita at agad naman akong hinila ni blake. Mukha namang kinikilig si tita kaya naman ay napabuntong hininga na lang ako.

The Nerd in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon