Chapter 39

1.3K 30 1
                                    

Chapter 39

Summer's Pov

Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa makalabas ako ng campus. Pagkalabas ko ay tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa namalayan kong pumunta ako sa park na lagi kong nadadaanan pero wala namang bata or tao. Naupo ako sa swing at umiyak. Naramdaman kong may malamig na tulo sa ulo ko. Pagangat ko ng tingin ay umuulan.

'Great. Mahal na mahal ako ng langit na tipong umiiyak na din siya kasama ako.'

Wag assuming. Im sure na nasabi niya lang yun dahil nagagalit siya sa akin. Sino nga ba namang matutuwa makita ang girlfriend niya na may kasamang ibang lalake? Wala naman, diba?

Iiyak lang ako ngayon kasi nasaktan ako sa sinabi niya pero bukas ay mag kakaayos kami. Ako na mismo ang aayos sa gusot naming dalawa kasi alam kong may kasalanan ako, pero dapat mag sorry din siya kahit naganon kasi nasaktan ako, kaya nga umiiyak ako eh. Dapat hindi siya nagpa carried away sa nararamdaman niya!! Joke ko lang naman na break na kami. Nasaktan lang talaga ako sa sinabi niya.

"Ay huminto" sabi ko sa sarili ko ng wala ng tumulo. Kinapa ko ang mata ko at wala na ring luha "Makauwi na nga, nakakainis dito" sabi ko at inayos ang sarili ko. Nagsimula akong maglakad. Maya maya ay may nakasalubong akong mga lalake kaya medyo tumabi ako sa gilid. Pero nagulat ako ng tumabi sila sa akin.

"Hi Miss" sabi nung isa.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong naman nung mukhang aswang na lalake na akala mo ay hindi kumain ng isang taon.

"Wala lang" sagot ko naman at naramdaman kong inakbayan ako nung unang nagtanong kaya umiwas ako.

"Grabe naman si ate. Pa choosy pa" sabi niya at bigla akong hinawakan.

"B-Bitawan mo ako!" sigaw ko at pinilit kumawala. Dahan dahang lumapit sa akin yung lalakeng hindi kumain ng isang taon habang hinuhubad ang pang itaas. Yumuko ako at nagdasal. "Sinabi kong bitiwan niyo ako" sabi ko in my most coldest voice. Halatang napahinto naman sila. "Bibitawan niyo ako o tatapusin ko kayong dalawa ngayon" pananakot ko pa

"At paano mo naman gagawin yun?" nakangising tanong nung isa at ngumisi din ako.

"Simple lang..." sabi ko at sinipa patalikod ang nakahawak sa akin at inikot ang braso niya. Buti na lang at tinuruan ako nila angel ng self defense. Pumaibabaw ako sa kanya at sinapak ang mukha niya hanggang sa dumugo. Nang hindi na siya makalaban ay tumingin ako sa isang lalake na halata ang takot sa mukha. "Diba sinabi ko ng bitiwan niyo ako, pero hindi kayo nakinig!" biglang sigaw ko kaya napa upo naman siya.

"Ngayon ikaw naman" malambing kong sabi habang hawak sa buhok niya. Bigla ko siyang sinabunutan at itinaas ang ulo niya sabay sipa sa leeg niya. Ending, patay silamg dalawa. Tahimik akong umalis sa lugar na yun at umuwi sa bahay. Pagdating sa bahay ay seryoso akong tumitig sa mga maid at halata namang natakot sila.

"Susme, what happen to you, summer?" gulat na sabi ni mommy at pinunasan ang dugo sa may bandang ibaba ng mukha ko.

"Just fight with some goons" sabi ko at naupo "They are weak" sabi ko at natawa naman si mommy.

"What did they do?"

"They tried to rape me and held me down, but this is Summer Bryle Ford"

"Yes, you are. So changed your uniform, because it's obvious you fight someone" sabi ni mommy at napatingin naman ako sa mga maid namin na nawiwirduhan at parang sinasabi na 'Normal na yun sa kanila?'
"And we have visitors at 6 pm, so be ready" tumango na lang ako at umakyat.

Muli kong naalala yung kanina. Parang nawawala ako sa sarili ko pag may kinakalaban ako. Tipong hindi ko alam na nagiging brutal na pala ako sa kanila ng hindi ko pa alam.

The Nerd in DisguiseWhere stories live. Discover now