Chapter 8 (Part 2)

2.6K 59 0
                                    

Yan, eto na ang part 2.

Kung may nagbabasa, thank you sayo. Enjoy Reading!!

Sam's Pov

Nilingon naman nya ako. "Hindi pa" sagot nya at nanlaki naman ang mata ko.

"Ano?!! Bakit!!" Natatakot na sabi ko.

"Dahil nandito pa ang photographer ng school. Pag nakita nya tayo ay kukuhanan nya tayo ng pictures and then iuupload nya sa Page neto at ipapaskil nya sa bulletin board." Sabi nya at napabuntong hininga naman ako.

"Haluh pano yung bag natin?" Tanong ko

"Pinakuha ko na. Nasa gate na yun" sabi nya at napahiga naman ulit ako, gutom na ako. "Gutom ka na ba?" Tanong nya kaya naman ay napabangon ako at tumango-tango. "Kumuha ka dun" turo nya sa ref kaya naman ay pumunta agad ako dun at kumuha ng pagkain at nilagay sa lamesa sa sala.

"Bakit may ganto ka dito sa school?" Pagtutukoy ko sa room na'to.

"Mmm.... Wala tambayan ko lang" sabi nya at kumuha ng pagkain na nilagay ko sa lamesa.

"Hindi ka nabobored dito?" tanong ko at umiling naman sya

"Nanonood ako ng movie" sagot nya at na excite naman ako dahil mahilig ako manood ng movie. "Do you like watching movie?" tanong nya at tumango ako ng paulit ulit. "Free to choose" sabi nya pa at agad akong tumayo at pumili ng cd. Pinili ko yung action na movie, binigay ko yun at tumayo namann sya, bigla namang umulan ng malakas kaya lalo akong nilamig. Kumuha sy ng twalya at itinabing sa akin yun at ngumiti naman ako. Nagsimula ang movie kaya ako ay kumain na lang ako, hindi pa din tumitila yung ulan at malakas pa din, pero hindi ko na yun pinansin dahil inisip ko na titila din yun. Nasa kalagitnaan na ng palabas ng may kumatok kaya tumayo sya at binuksan yun kinausap lang sya at sinara nya na ang pinto. Dala nya yung bag namin kaya nagtaka ako.

"Bakiy nandito yan?" Turo ko sa bag namin.

"Aalis na daw kasi si Kuya Lito, kaya binigay nya sa akin yung bag natin. At saka may bagyo daw, Dinaclare na daw na Suspended na ang pasok. So...."

O_O wag nyong sabihing makakasama ko sya dito. Naiinis pa din ako.

"No. Hindi tayo dito mag iistay" sabi ko at kumunot naman ang noo nya

"I didn't tell that we will stay here. Papahinain lang natin ang ulan" sabi nya at napatango naman ako na napapahiya. Naupo na sya at nanuod na lang uli kami, maya maya pa ay nakaramdam ako ng antok, pinilit kong labanan yun pero hindu na kerry ng mata ko kaya kusa na akong napapikit.

~TUESDAY~

Napatingin agad ako sa bintana at umuulan parin pero hindi na gaanong kalakasan. Hinanap agad ng mata ko si Blake at natutulog sya dun sa couch. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil sa kanya 'to tapos dun lang siya matutulog. Tumayo ako at nakita kong nakasampay na ang uniform ko at malinis na. Tumayo ako ng dahan-dahan at kinuha ang uniform ko at pumasok sa cr. Naghilamos muna ako at buti na lang ay may Mouth Wash sya kaya yun na ang ginamit ko. Nagpalit ako at hinung ng maayos ang sinuot ko. Lumabas ako at tulog pa din sya. May lutuan din sya so, nagluto na lang ako at hinanda yun. Lumapit ako sa kanya at bigla syang napatayo kaya naman ay nagulat ako at na out balance pati sya ay na out balance din kaya ang kinalabasan au nakapatong sya sa akin at nakahiga kami sa higaan.

O_O

End~~

Until next time. :))

The Nerd in DisguiseWhere stories live. Discover now