Chapter 38

1.6K 32 1
                                    

Chapter 38

Summer's Pov

Ang sakit ng katawan ko sa hindi malamang dahilan. Pagka uwi kasi namin kagabi, gabi na.

"Anong problema?" biglang tanong ni hazel.

"Ang sakit kasi ng katawan ko" sagot ko habang nakangiwi.

"Ano bang ginawa mo?"

"Hindi ko nga rin alam" sagot ko.

"Wag mo na lang pansinin" tumango naman ako. Akala ko nga ay hindi ako makakapasok eh. Gabi na kasi kami umuwi eh. Buti nga ay nagising pa ako. Nahiya din kaya ako pagkatapos nung eklavu na yun kasi ikaw ba naman asarain niya, di ba? Ang sarap niya kayang bigwasan. Shete lang siya. Halos pumutok na yung mukha ko sa sobrang pula tapos siya asar pa din ng asar. Kesyo daw hindi ako marunong humalik. Gago ba siya? Malamang first time ko. Kagaguhan din niya eh no? Siguro marami ng nahalikan yun.

Nakita kong pumasok si blake kaya dumukdok ako sa lamesa para hindi siya makita. Nabubwisit pa rin ako sa kanya. Siya na nag insist non tapos ako aasarin niya? Sipain ko siya diyan sa 'ano' niya, sa ano.... Sa Mukha. O, akala mo naman sapitas' talaga.

"What happen to you? Are you sick?" narinig kong tanong niya pero hindi ako nag angat ng tingin. Naramdaman kong hinawakan niya ang leeg ko kaya nakaramdam naman ako ng init. Namamawis na ako sa sobrang init. "You're burning" sabi niya at napairap naman ako. Ang OA, burning agad, hindi ba pwedeng hot lang? "Hey, look at me" sabi niya at dahan dahan naman akong napa angat ng tingin. "You're so red. What happen?" nag aalalang sabi niya.

"W-Wala" sabi ko. Hinawakan ko ang sarili ko at ang init ko nga. Pero hindi ko na lang pinansin.

"Sabihin mo, bakit ang init mo? Anong nararamdaman mo?" seryoso ang tono ni blake. "Summer Bryle, lumingon ka sa akin" binanggit niya na ang pangalan ko at nagtagalog na siya kaya alam kong seryoso na siya. Dahan dahan akong humarap sa kanya at gulat naman ako dahil gulat din ang ekspresyon niya. "B-Bakit ang pula pula mo?" tanong niya. Hinawakan niya ang noo ko at leeg ko. "Come on" bigla niya akong hinila kaya naman ay nakuha namin ang atensyon nila.

Nakasalubong pa nga namin yung teacher namin eh, pero hindi pinansin ni blake kaya ako na ang nagsabi at tumango naman siya. Dumeretso kami sa clinic at pinaupo ako sa kama.

"Anong nang-- Ang pula mo namang bata ka!" gulat na sabi nung nurse at napahawak naman ako sa mukha ko. Ganon ba talaga ako kapula? Lumapit siya sa akin at hinawakan ako. "Ang init mo! Kanina pa ba to?" tanong niya at umiling naman ako. "Humiga ka" utos niya at nahiga naman ako. Ang Oa nila, ah. Wala nga akong maramdaman eh. Agad nila akong nilagyan ng malamig na bimpo sa noo at nilagyan ako ng thermometer. "Magpahinga ka lang, ah. Sabihin mo lang sa akin o sa kasama mo kung may problema. Tatapusin ko lang tong ginagawa ko."

"Thank you po" sabi ko at ngumiti. Pagkaalis niya ay napatingin ako kay blake na ang sama ng tingin.

"Why didn't you tell me" seryosong sabi niya at napakunot naman ang noo ko. "If i don't touch you, you wouldn't told me that you are sick?" inis na tanong niya at napanguso naman ako.

"E-Eh kasi naman..... H-Hindi naman talaga kanina masama yung pakiramdam ko eh, m-masakit lang yung katawan ko" nakangusong sabi ko habang pinag didikit ang dalawang daliri ko.

Bumuntong hininga muna siya bago magsalita "Then why didn't you tell me?" tanong niya.

"E-Eh kasi nung nakita kita kanina, dumukdok na ako sa lamesa ko kasi nga nahihiya ako" namumulang sabi ko.

"Why?"

"K-Kasi naman eh, nang aasar ka eh" nakangusong sabi ko at tumingin sa kanya.

"Tss" nakangiting sabi niya at umiling iling pa at umupo sa tabi ko. "You're thinking that i might tease you again?" tumango naman ako "No, i won't. Promise. So, don't make me worried again, huh?" tumango naman ako agad. Niyakap niya ako at inipit sa dibdib niya. Infairness, ang bango at amg tigas. Gaga talaga 'tong konsensiya ko. "Kiss mo nga ulit ako" rinig kong sabi niya at hinampas ko naman ang dibdib niya. "Higa ka na" sabi niya at inalalayan ako pahiga.

The Nerd in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon