Chapter 27

1.7K 43 0
                                    

Chapter 27

Summer's Pov

"Ready na ba kayo?" tanong ni tristan. Nandito na ulit kami sa garden. Ngayon na yung training na itutuloy. Mas kabado ako ngayon dahil nanobood na sila mommy at daddy at pati yung iba. Napatingin ako kay julian at nag 'fighting' sign naman siya. "Kung ready na kayo..... Let's the scene begin" sabi niya at hindi naman umatake si angel. Parang pacool lang siya. Nagtaka naman ako. Bigla siyang sumugod pero buti na lang ay naka iwas ako agad. Nag susuntok sana siya ay kinuha ko ang kamay niya at handa na sana siyang balibagin pero nakaiwas siya agad. Pasugod na sana ako ng bigla niyang iamba ang kamay niya.

"Shit" nasabi ko na lang. Pinilit kong iwasan yun pero hindi ko na kinaya dahil nahuli na kaya ang nagyari ay nasikmuraan ako. "Kingina ang sakit" bulong ko at humawak sa tiyan. Pinilit kong tumayo at umayos. Hindi pa nawawala ang sakit ay sumugod na agad ako. Sobrang bilis ni angel ay hindi ko siya natamaan. Bigla akong nahilo kaya hindi ko nakita ang nasa paligid ko. Biglang may humawak sa leeg ko. Pagtingin ko ay nasa likod ko na si angel.

"Prrrt. Time's up. Good Job angel and nice job summer" sabi ni tristan. Bigla naman akong nahilo kaya umalalay sa akin si angel. Buti na lang at nakaalis na ang iba.

"Okay ka lang? Sorry ah" paumanhin niya.

"No, okay lang ako" sabi ko at nauna na sa loob. Dali dali akong umakyat sa taas at pumasok sa kwarto. Agad akong dumeretso sa cr at sumuka. "Nasobrahan" sabi ko habang naka hawak sa tiyan. Humiga ako sa higaan at bumaluktot haban hawak ang tiyan ko. "Ang sakit" sabi ko at pumikit. Naramdaman ko na lang na may naupo sa kama ko kaya napatingin ako, si mommy.

"Here" abot niya sa isang tubig at gamot "Take it. Alam kong masakit ang tiyan mo" sabi niya at tumayo naman ako.

"How do you know, mom?" tanong ko.

"I just know?" patanong na saad niya "Mother's knows best" nakangiting sabi niya at kumindat pa.

"Thanks, mom" sabi ko at ininom ang gamot. Pagtapos kong uminom ay binigay ko kay mommy.

"Okay ka na?" tanong niya

"Little bit" sabi ko ng may tipid na ngiting sagot.

"Okay. Sige na magpahinga ka na" sabi niya at tumayo. Pinigilan ko naman siya. "Why?" takang tanong niya at kahit ako ay nabigla sa ginawa ko.

"A-Ah, i.... Just wanna say thank you, mom" nakangiting sabi ko at ngumiti naman siya. Wait saan nanggaling yun?

"You're welcome, summer bryle" sabi niya at lumapit sabay kiss sa forehead ko. I love you" nakangiting sabi niya.

"I love you too, mom" sagot ko at humiwalay naman siya.

"Rest now, okay?" sabi niya at tumango naman ako. Paglabas niya ng pinto ay may somewhat sa akin na na relieve na ewan. Basta, namiss ko lang siguro si mommy.

Tomorrow

"Summer, lika na" rinig kong tawag ni cass. Wala ako sa mood kasi ayaw nilang sumama sa akin. Hmp. "Summer hal--" hindi ko na siya pinatapos dahil tumayo na ako at binuhat ang bag ko. Paglabas ko ay natigil sila sa pagtatawanan. Hindi naman talaga ako galit eh, nagtatampo lang ng slight.

"Hindi pa ba tayo aalis?" mataray na tanong ko.

"Uy, buksan niyo yung pinto" bulong nila at binuksan naman ni xander habang nakayuko at lumunok pa. Pagpasok ko ay agad silang nagsipasok. Agad nilang pinaandar ang sasakyan at ako naman ay nananahimik.

"Uy, summer. Sorry" sabi ni cass.

"And why are you apologizing?" mataray na tanong ko with matching taas kilay pa.

The Nerd in DisguiseWhere stories live. Discover now