Chapter 34

1.7K 38 2
                                    

Chapter 34

Summer's Pov

"Hayyyy..... Ang boring" bulong ko habang binababoy ang notebook ko. Onti lanh ang tao dito sa room or rather i will say lima lang kami. Nasa labas kasi silang lahat. Nakatingin sa bulletin board para sa gaganapin na Masquerade Ball. Oo, masquerade ball. Ang bilis no? Ganun talaga. Parang nung nakaraan lang ay masaya pa kami ngayon ah busy na dahil malapit na kaming grumaduate.

"Why is my yeppeo frowning?" napatingin ako sa gilid ko at nakatayo dun si blake na may hawak na pagkain.

"Wala lang. Ang boring eh" sabi ko.

"Here. I brought you foods. I know you love to eat" nakangiting sabi niya at natawa naman ako. Eto kami ni blake, stay strong pero wala pa rin talagang forever. -___-

"Thank you" sabi ko at kumuha ng chichirya. "Pupunta ka sa prom?" tanong ko.

"Of course, as long as my yeppeo will come with me" sabi niya at tiningnan ko naman siya ng hindi makapaniwala.

"Paki balik nga yung dating blake" natatawang sabi ko at sumimangot naman siya at tumalikod. "Oy, nagbibiro lang ako. Joke lang. Nas gusto ko syempre yung blake na nasa harap ko ngayon" pang aalo ko pa at humarap naman siya nang nakasimangot. "Oh kumain ka na lang" sabi ko at tinapat sa kanya ang pagkain pero ayaw niyang ngumanga. "Ah" sabi ko at um-ah pa. Natawa naman siya at sinubo ang pagkain.

"You're so cute" sabi niya at pinisil ang pisngi ko kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Ang sweet naman ng love birds" bungad ni hazel at ngumiti naman ako.

"Hayes, kain tayo" sabi ko at umupo naman siya sa harap ko at kumuha ng isa pang chichirya.

"Where's my brother?" tanong ni blake.

"Aba'y malay ko sa malandi mong kapatid. Lost and found ba ako?" inis na sabi niya at nagkatinginan naman kami ni blake at parehas na natawa.

"LQ" sabay naming sabi at nagkatinginan pa sabay tawa.

"Bahala nga kayo diyang dalawa. At saka anong LQ? Hoy walang kami!!" inis na sabi niya at umalis.

"What happen to her?" tanong niya.

"I dont know" sagot ko at nag shrug oa ng balikat.

"Come on" sabi niya at tumayo. Magtatanong pa sana ako kaso nakaalis na siya. Sumunod na lang ako sa kanya at ang alam kong way nato ay sa rooftop or dun sa room niya dito sa school.

"Saan to papunta?" tanong ko.

"Rooftop" sagot niya at tumango naman ako. Pumunta siya sa likod ko at tinalian ako ng blindfold at inalalayan ako. Nang maramdaman kong nasa taas na kami ay dahan dahan niyang tinanggal ang tali at bumungad sa akin ang roses na nasa baba at sinundan ko yun ng tingin at merong mesa na napapalibutan ng petals ng roses. Meron ding tent dun at may mga ilaw na hindi pa bukas dahil maaga pa.

"Wah!!" sabi ko at lumapit pa. Namulot ako ng isang petals at tinago sa bulsa ko. "Ikaw nag decorate dito?" tanong ko at humarap sa kanya.

"Yes. I do my best to decorate this eve--"

"Thank you. Much appreciated" sabi ko at yumakap naman siya "Nag effort ka pa, kahit bigyan mo lang ako ng exo, okay na" sabi ko at humiwalay. "Salamat sa effort" sabi ko at hihilahin na sana ang upuan ng hilahin niya yun at paupuin ako. "Nice, gentlemen" sabi ko at nag bow naman siya kuno na parang ako ang prinsesa at siya ang prinsipe. "Ano bang meron?" tanong ko. As far as i know, wala namang okasyon ngayon.

"Wala lang. I just want to show you how i love you" nakangiting sabi niya at nakaramdam naman ako ng butterflies sa tiyan. Bakit ang tagal tagal na namin ay kinikilig pa rin ako. Lecheeee.

The Nerd in DisguiseWhere stories live. Discover now