Chapter 4

4.6K 89 1
                                    

Chapter 4

Sam's Pov

Dumaan ang ilang subject pero lutang ako, laking pasalamat ko dahil wala kaming recitation ngayon. Narinig ko ang bell pero parang wala akong lakas na tumayo kaya naka alis na ang ilang kaklase namin pero hindi pa rin ako tumatayo. Natinag lang ako ng bigla akong sampalin ni Hazel.

"Oh??!! Gising ka na pala??!!" Sarkastikong sagot nya habang hinihimas himas ko naman ang pisngi ko dahil sa sobrang sakit ng pagkakasampal nya.

"Aray ko naman eh!! Pwede mo naman akong tawagin or alugin diba??" Tanong ko at sinighalan naman niya ako.

"Harujusme!! Sam Bryle inalog alog na kita, sinigawan, tinawag, pero ano waepek sayo." Sabi nya at nagulat naman ako.

'Ganon ba talaga ako kalutang?'

"M-Mm sorry" sabi ko habang nakatungo. Bumuntong hininga naman sya at lumapit sa akin at tumabi.

"Ano bang nangyayari sayo??" tanong nya.

"May iniisip lang ako." Sagot ko.

"Kaya nga ano nga yun. May kinalaman ba dyan yung si Iñigo?"

"Maybe" sagot ko habang nagkibit balikat.

"Wag no nang isipin yun"

"Hindi ko maiwasa"

"Tsk, may sapak kasi sa ulo eh"

"Bakit ba kasi ako?" Bulong ko sa sarili

"Tulad nga ng sinabi ko marami kayong similarities"

"Tsk, nagsisimula na akong mairita"

"Sorna, ako nagpasimula eh"

"Hahahaha"

"Bakit ka tumatawa?"

"Wala lang, buti alam mong kasalanan mo yun"

"Grabe ka naman" nasagot nya na lang."O sya halika na, ihahatid na kita sa apartment mo baka maaksidente ka pa sa sobrang kalutangan mo." Sabi nya at hinila ako palabas.

"Oo na" sabi ko

"Oy hindi ako makakapasok bukas" sabi nya at napatingin naman ako sa kanya "may importanteng bagay ako na gagawin, hayaan mo alam na ni Dean Carlos yan." Sabi nya

"Ayts sayang wala akong kasama bukas." Sabi ko

"Tss. As if i know, dyan sa loob loob mo ay tuwang tuwa ka na wala ako bukas"

"Wow ha? Wow lang talaga." Sarkastikong sabi ko. Pagkarating namin sa parking ay agad na sumakay kami sa sasakyan nila na mabilis din namang pinaandar para ihatid ako. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami.

"Haze gusto mo bang pumasok?" Sabi ko at umiling naman sya at ngumiti kaya tumango na lang ako at nagbabye. Pagkaalis ng sasakyan nila ay papasok na sana ako sa tinutuluyan ko ng......

"Nice Apartment" may nagsalita sa likod ko kaya ay humarap ako at tiningnan ang nagsalita sa likod ko. Ganun na lang ang pagkagulat ko kung sino ang nakita ko......

"Iñigo!?" Tanong ko at ngumiti naman siya. "A-Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at ngumiti na naman siya

"Baka gusto mo muna akong papasukin?" Nakangiting tanong nya at bumalik naman ako sa ulirat. Umayos ako ng tayo at hinarap sya ng maayos.

"Can you just answer my question first?" Tanong ko pabalik at ngumiti naman sya.

'Sam yung Puso mo baka malaglag' pero hindi ko pinahalata na nagagwapuhan ako.

The Nerd in DisguiseWhere stories live. Discover now