Chapter 40

1.5K 27 1
                                    

Chpater 40

Summer's Pov

Isang buwan. Isang buwan na simula nung maghiwalay kami. Isang buwan na rin na pinipilit kong tatagan ang loob ko. Sa loob ng isang buwan ay marami ang nangyari. Sa loob din nun ay lalong lumala ang sakit ko. Sinasabi nilang ipagamot ko na 'to, pero may parte sa aking ayaw iwan dito. Parang may part na nagsasbaing wag kang aalis. Yung alam kong may kulang pag umalis ako at alam ko kung ano o sino yon.

"Summer, you're spacing out again." napatingin ako kay mommy.

"Sorry mom" sabi ko at ngumiti naman sila. Hindi ko sinabi sa kanila na wala na kami ni blake. Para saan pa? Simula din na malaman nilang mas lumala ang sakit sa puso ko ay mas lalo silang naging maingat sa akin. Kung pwede nga lang na itali nila ako ay gagawin nila, eh. Kahit si sammy ay hindi ko mapakiusapan.

"Continue eating" tumango ako at kumain ulit. Lagi na lang akong tahimik dahil hindi nila ako pinapayagang gumalaw o mag ingay. Ang OA, diba? Akala mo ikakamatay ko-- well, ikakamatay ko naman pero hindi naman agad agad. Ang O-OA, eh. "We will go somewhere later, Bryle and Brian" sabi ni mommy.

"Brian, take care of your ate. Do not allow her to go anywhere. Please, don't be blinded by your ate's puppy eyes cute 'kuno'" sabi ni daddy at sinamaan ko naman siya ng tingin "Kidding. Basta, wag na wag mong hahayaang lumayas yang ate mo ah, dahil wala kang allowance ng 1 month"

"What?! That's unfair. You are the one who are making a favor and then you will-- Ugh!" inis na sabi niya at natawa naman ako.

"That's enough. Come on, snow" sabi ni daddy at tumayo naman sila. "We're going" tumango kami. Tumayo ako at lalabas sana para magpahangin pero bago pa ako makaalis ay may humawak sa braso ko.

"You're staying here" sabi ni sammy.

"Oy oy. Ate mo ako kaya galangin mo ako. Aba't ikaw pa ang lumalabas na Kuya dito ah" sabi ko at tinanggal ang kamay niya "Ang OA niyo. Magpapa--
hangin lang ako! Ano? Bubulukin niyo ako dito? Yung mga bulaklak doon nauna ng mamatay" sabi ko at naiiritang lumabas. "Akala mo naman kasi onting galaw lang ay ikakamatay ko na, eh" bulong ko at pabagsak na umupo. Napahawak agad ako sa dibdib ko ng biglang sumakit. 

"Ayan tuloy sumakit. Hinihingal na ako" sabi ko. Ang bilis ko ng hingalin ngayon. Shemay! Mamamatay na talaga ako. "Ang gaganda niyo parin. Paano naman ako? Pag namatay ako, wala ng kakausap sa inyo" sabi ko.

"Bakit ka naman mamamatay?" napalingon ako sa kaliwa't kanan pero wala naman. "Sa harap mo" muntik na akong atakihin ng makita ko si Evan sa harap ko.

"Pucha. Bwisit" sabi ko at natawa naman siya.

"What are you doing here?"

"Huh? Wala ah! Papasok na nga ako sa loob, eh" sabi ko at dali daling pumasok sa loob. Umakyat ako sa taas at nilock ang pinto. "Wala ng makakaalam na mamatay na ako este may sakit ako" sabi ko at dumeretso sa higaan. Napaupo ako at bigla na lang tumulo ang luha ko ng walang dahilan.

Naisip ko biglang kahit anong oras o araw ay pwede na akong mamatay. Mamatay ng hindi nakakapag paalam.

'Bat ayaw mo pa kasing mag pagamot?' singit ni mareng konsensiya.

"Wala lang" sagot ko "Hindi pa ako ready" mukha akong tangang kinakausap ang sarili ko.

'Aantayin mo pang mamatay ka i mean tayong dalawa?'

"Hindi. Bat ba kasi nangingialam ka?!" inis na tanong ko. Ngayon ko lang naisip na mukha akong baliw na kinakausap ang sarili ko. "Tatawagan ko na nga lang si hazel" kinuha ko ang phone ko at dinial.

"Hey~~~! Summer!!" nailayo ko ang phone ko sa tenga ko dahil sa sobrang lakas ng boses niya.

"May hihina pa ba diyan sa boses mo?" sarkastiko kong tanong.

The Nerd in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon