Chapter 6

4.1K 82 1
                                    

Chapter 6

Sam's Pov

Gusto ng lumabas ng puso ko sa ribcage ko sa sobrang lakas ng kabog. Kinakabahan ako sa posibilidad na malaman nila na ako to.

"Hazel?" nagsasabi ng bumati ka na tono ni tita

"A-Ah sorry po, Hello po Tito, Tita" sabi nya na halatang kinakabahan din.

"Who's in your back?" sabi ni Tita

"A-Ah" sabi nya at hinila ako patabi sa kanya. "S-She's.... S-Sam" utal na pakilala sa akin ni hazel, batid kong sinadya nyang hindi sabihin ang Bryle.

"Hello there" sabi ni Mommy. Pinilit kong baguhin ang pananalita ko.

"H-Hi po" sabi ko na nakatungo pa rin.

"Mom im going to sleep at her place.... Im just going to get my things" sabi nya

"Oh okay. Take care" sabi ni Tita at tumango na lang sya. Nag angat ako ng tingin at tumango at ngumiti. Nang makarating kami sa kwarto nya ay sabay kaming bumuga ng malalim na hangin.

"That was so close" bulong na sabi ni Hazel at ako naman ay malakas pa din ang kabog ng dibdib.

"Sam okay ka lang?" tanong nya at umiling naman ako

"Hayyyysss" nasabi ko na lang. Nagsimula syang mag lagay ng mga gamit nya sa bag nya at nang matapos sya ay lumabas na kami.

"Dito ka na lang ako na ang mag papaalam." sabi nya at tumango na lang ako. Pumunta si hazel sa living room at nagpaalam, lumabas na kami sa bahay nila at naglakad palabas ng village nila. Nag commute lang kami, pero hindi naman hassle dahil hindi pa naman ganoon ka traffic.

"Para po" sabi ko at inihinto naman ng driver at bumaba kami. Binuksan ko ang pinto ko at hinayaan syang pumasok. Inilapag nya ang gamit nya sa sofa ko at inilibot ang paningin sa kabuuan ng apartment ko.

"Hazel magpapalit lang ako huh?" Sabi ko at tumango naman siya habang pinagmamasdan ang mga gamit ko. Kumuha ako ng sandong Black at pajama. Pagkatapos kong magbihis ay naghilamos muna ako para alisin ang mga nasa mukha ko at tinanggal ang tali ng buhok ko at itinali yun ng bun. Lumabas na ako.

"Haze magpalit ka na" sabi ko at tumango naman siya. Ilang minuto lang ay lumabas na sya sa cr.

"Anong gusto mong kainin, haze?" sabi ko at lumingon naman siya sa akin ng nakangiti.

"Turuan mo ko, Sam" sabi nya at natawa naman ako

"Halika dito bilis" sabi ko at lumapit naman sya "ano bang gusto mo?"

"Ano bang meron ka dyan?" tanong nya at sya na mismo ang tumingin sa ref. "Mmm. Mag adobong manok na lang tayo" sabi nya

"Sige sige" sabi ko at inilabas ang mga rekado.
Nagsimula kaming magluto at gaya ng sinabi nya ay tinuruan ko sya. "Haluin mo lang yan, mag uunab lang ako ng bigas" sabi ko at tumango naman sya. Hinintay kong matapos ang adobo at inilagay ko na ang sinaing. Natapos ang ilang minuto ay naluto na ang kanin, kaya naman ay naghanda na ako ng plato at kutsara sa mesa ng living room ko at binuksan ang tv. Inilagay nya ang adobo at kanin at nagsimula kaming kumain.

"Pano ka nga pala natutong magluto summer?" tanong nya

"Ahmm nag search ako" sabi ko at tumango tango naman sya. "Kamusta naman kayo?"

"Mm okay naman. Sa ngayon ay work lang yung inaatupag nila" sabi nya at nakahinga naman ako ng maluwag dahil alam kong walang mangyayaring masama.

"Nakapag training ka na ba?" tanong ko habang nakatingin sa tv

"Hindi pa, ang sabi nila Daddy ay pag nag 17 na ako. Dapat nga 18 pa eh kaso nagpumilit ako." sabi nya "ikaw?"

The Nerd in DisguiseWhere stories live. Discover now