Chapter 19

2.3K 56 0
                                    

Double Dead. Chos Double update

Chapter 19

Summer's Pov

Ilang araw, ilang linggo pero hindi pa rin sila gumigising, nawawalan na ako ng pagasa. Ilang linggo na ang nakalipas simula nung mawala kami, kaya nang makabalik kami ay nag lagay na ng guard sa labas. Nandito ako ngayon sa harap ni mommy at tinitingnan siya. Ilang linggo na rin akong hindi pumapasok, papasok man ay isa o dalawang araw lang. Ayoko silang iwan dahil natakot na ako nung una. Alam na ng school ang nangyari kaya pumayag na sila at binibigyan nalang nila ako ng module. "M-Mommy...... Kailan ba kayo gigising.....? Kasi marami ng nangyari..... Mom ayokong pumasok kasi gusto ko kayong bantayan, kasi natatakot na akong may pumasok ulit dito at muntik na kayong patayin" sabi ko at pinunasan ang luha. "Mom, alam kong naririnig niyo ako..... Kaya bangon na ah? Kasi namimiss ka na namin" sabi ko "mom, puntahan ko muna si daddy ah?" sabi ko at tumayo. "Naupo ako sa tabi ni daddy. "Hi Dad. Kamusta ka na po? Bumubuti po ba ang lagay niyo? Dad inaasahan kong una kangmakakarekover, kaya sana dad gawin mo yung inaasahan ko. D-Dad siguradong magagalit ka, kasi umaatake na ang org pero wala akong magawa dahil onti pa lang ang natutunan ko" sabi ko ay pinahid ang luha "Dad, kumapit kayo ah. Wag kayong bibitiw" sabi ko at umiyak si kamay ni daddy. Umiyak lang ako ng umiyak ng maramdaman kong gumalaw ang isnag daliri ni daddy, akala ko ay guni guni ko lang pero totoo. Nag angat ako ng tingin at nakita ko si dad na nakadilat kaya agad akong napatayo "D-Dad..... Dad okay ka lang?" tanong ko at pinindot ang buton sa gilid at tinawag ang nurse. "D-Dad, n-naaalala mo pa po ba ako?" sabi ko habang tinuturo ang sarili. Hindi siya sumagot bagkus ay tumingin lang siya sa akin. "Daddy s-si Summer to" sabi ko at itinaas naman niya ang kamay niya at hinawak sa mukha ko. "Daddy" sabi ko at umiyak.

"D-... Dont c-c....-cry" sabi niya at pinunasan ko naman ang luha ko. Bumukas ang pinto at pumasok si doc reece. Agad siyang pumunta kay daddy.

"Kilala mo ba ako?" tanong ni doc reece pero tumitig lang sa kanya si daddy. "Kilala mo ba ako?" tanong niya at umiling si daddy na ikinagulat ko.

"D-Dad a-ako.... Kilala m-mo?" tanong ko at uniling naman siya at doon gumuho ang mundo ko.

"He has a temporary amnesia" sabi niya pero mas humagulgol ako.

"H-H-Hanggang ka-kailan ang a-amnesia niya?" humihikbing sabi ko.

"It will be weeks or months." sabi ni doc reece at naiyak na naman ako.

"N-No, it cant be. No. No. No. NO!! He can remember things within that day" umiiyak na sabi ko at umupo naman siya sa harap ko.

"Sorry summer, if i cant do anything" sabi niya at napayuko naman ako at hinayaang tumulo ang luha ko.

"Y-You.... can g-go..... n-now" sabi ko

"I can leave all my work just to comf--"

"Y-You dont need to.... I-Im okay" sabi ko

"I know you're not" sabi niya at nagtaas naman ako ng tingin at ngumiti. Ngiting punong puno ng lungkot.

"I-I..... dont want to b-be a burden to you. You can go" sabi ko at narinig ko naman ang pag buntong hininga niya.

"If you need me just press that button" sabi niya at tumango na lang ako. Tumayo pa siya sa harap ko bago lumabas. Umiyak lang ako ng umiyak. Tumayo ako at lumapit kay daddy na nakatingin sa kisame.

"D-Dad n-nagbibiro ka lang diba?" tanong ko pero hindi siya sumagot kaya umiyak ako sa higaan niya. "D-Daddy...... hindi m-magandang bi.....biro. Daddy, hindi mo ta...laga ako m-maalala?" tanong ko at umiling naman siya. "Gusto m-mo po b.....bang kwentuhan kita?" tanong ko at dahan dahan naman siyang tumango. "A-Ako po si Summer Bryle Ford panganay na ako anak niyo.... Tapos si Samuel Bryan Ford yung bunsong anak niyo. Yun naman si Snow Ford, our mommy and of course your beloved wife" sabi ko at ngumiti. Nag kwento pa ako ng marami kahit alam ko namang pwedeng maging temporary lang ang amnesia niya. Pagtapos kong magkwento ay natulog na lang siya. Tumingin ako sa orasan ko at alas tres na, papunta na siguro dito sila cass. Nagpaikot ikot na lang ako sa loob ng bumukas amg pinto at pumasok sila cass. "Nandito na pala kayo" sabi ko

The Nerd in DisguiseWhere stories live. Discover now