Chapter 13

2.7K 58 2
                                    

Chapter 13

Hazel's Pov

"Sige na ija, parating na ang mga ford's" sabi ni Dean at tumayo naman agad ako.

"Una na po ako" sabi ko at lumabas, maraming estudyante ang nasa school ground dahil nga wala na kaming klase. Pumunta ako sa malapit sa garden dahil dun ko nakita si sam, pero pag balik ko ay wala na sya. Pumunta ako sa garden at nilibot ang paningin pero wala siya, naglakad lakad lang ako ng kusa akong mahinto sa tapat ng lumang building, kung saan din yung pinakatahimik na lugar sa school. Pumasok ako sa building at nakita ko si sam sa may gitnang hallway na nakatayo, agad ko siyang tinawag pero hindi nya siguro ako napansin kaya naman ay hinawakan ko na sya sa balikat at napatalon naman siya sa gulat.

"H-Hazel, ano ba wag ka ngang manggulat" sabi nya habang nakahawak sa dibdib.

"Hahahaha, ako pa, huh? Eh tinawag na nga kita kanina eh, pero wala" sabi ko pero hindi nya ako sinagot, tumingin na lang ulit sya sa harap at humarap ulit sa akin ng nakangiti.

"Halika na, papunta na daw sila dito" sabi nya at hinila ako. Weird. Gusto ko siyang tanongin pero parang nawalan ako ng lakas, alam mo yun parang kusang tumitikom ang bibig ko. "Hazel anong oras daw ang eksaktong dating?" Tanong nya

"Hindi ko alam, basta ang alam ko lang ay parating na sila" sabi ko at natanaw ko na ang Quadrangle na medyo marami na ang mga estudyante kaya naman ay nagmadali na kami. "Sam sa unahan tayo umupo" sabi ko.

"Ayoko, sa dulo na lang ako" sabi niya pero hinila ko siya.

"Dito din ako papaupuin mamaya, sige na" sabi ko pero umiling lang siya.

"Ayoko, mas madali akong mapapansin pag nasa harap at saka kasama pa kita" sabi nya.

"Sige na nga pero sisilipin din kita huh?" Sabi ko at tumango na lang siya. Ilang minuto ang lumipas ay marami na ang tao sa Quadrangle, ni hindi ko na nga makita si sam eh. Maya maya ay dumating na ang tatlong sasakyan, sa unang sasakyan ay ang mga gwardya nila, sa gitna ay sila tito, tita, at sammy, sa panghuli ay ang mga tauhan nila tito. Nagtayuan kami bilang paggalang sa kanila. Ang mga Ford ay kilala sa buong pilipinas, isa sila sa mayayaman sa pilipinas at kasali sa top 5 sa pinaka mayayaman sa ibang bansa. Halos lahat ng business meron sila. Kaya nga kawawa ang tagapag mana hahah. Pero may dahilan kaya sila nagpakayaman.......

"Let's all welcome The Ford's" sabi ni dean at nagsipalakpakan naman kami, naglalakad na sila papunta sa stage. Nag simula na ang mga bulungan.

"Oh my god!! Ang cute nyaaa"

"Wahhh, ang gwapo nya at ang cute"

"I want to squish him"

"What is his name?"

"I know, i know. His name is Samuel"

"Really?"

"Tanga, sikat sila pero hindi mo kilala yung pangalan"

Nang makaakyat sila sa stage ay nilibot muna nila ang tingin at ngumiti, tumingin naman ako kay sam na nakayuko. Nagsimula na namang magbulungan ang iba.

"Diba may anak pa silang babae?"

"Oo nga, summer ata yung pangalan"

"Oo summer yung pangalan"

"Malay mo, ayaw sumama diba?"

Naputol ang pagbubulungan nila ng lumapit sa tabi ko si sammy at umupo. Umugong naman ang mga impit na sigaw malapit sa akin.

"Kamusta ka na?" Tanong ko

"Fine" masungit na sabi nya, kaya naman ay natawa ako. Lumingon ako sa likod at nakita ko si sam na nakatingin sa akin habang nakangiti.

The Nerd in DisguiseWhere stories live. Discover now