Chapter 1

13.5K 183 6
                                    

Wala na po akong prologue, dahil bukod sa tinatamad ako ay wala akong maisip. Hehehe. So yun enjoy.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chapter 1: the beginning

Sam's Pov

~Gising na Pinaka Magandang Babae, Gising Na, Gising na~

Naimulat ko ang mata ko ng marinig ko ang Alarm ng Cellphone ko.

Ang ganda ng Alarm ko no. Ako lang may ganyang Alarm.... Hehehehehe

Saktong pag patay ko ng alarm ko sa cellphone  ay nahagip ng mata ko ang picture frame NAMIN. Kinuha ko yun at pinag masdan....

"Hay" pagbubuntong hininga ko "Namimiss ko na kayo, lalo na ikaw" turo ko sa isang parte ng picture frame. Nilapag ko iyon sa mesa na nasa tabi ng higaan ko at bumangon.

Pagkatapos kong mag emote ay nagluto muna ako at kumain sabay pumasok na ako sa Banyo upang maligo.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at inayos ang sarili. Humarap ako sa salamin at nagsimulang mag-ayos. Kinuha ko ang make-uo ko at nagsimulang mag-ayos.

Una ay nilagyan ko ng freckles ang pisngi ko pagkatapos sinuot ko ang retainer ko, syempre dapat may ganyan. Tapos ay sinuot ko ang salamin ko, not that thick. Sa damit ko naman ay medyo maluwag na tshirt at jumper na hanggang tuhod ang haba at syempre sapatos. Nang matapos ako ay pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin.

'Hay..'

Lumabas na ako ng bahay at pumunta sa waiting shed para mag antay ng masasakyan papuntang university, lahat ng nagaantay sa waiting shed ay nakatingin sa akin.  Sumakay na ako sa jeep na huminto sa harap ko.

Maya maya pa ay nakarating na ako sa Miles University

"Miles University" basa ko sa pangalan ng Unibersidad na papasukan ko. 4th year na ako pero mas pinili kong mag aral dito para naman may class akong magtatapos ng high school.

Pumasok na ako at hindi ko na ikinagulat ang biglang pagtahimik nila at mapunta sa akin ang atensyon. Dahil unang una maganda ako at pangalawa ay......... Pang nerd ako na damit. Nagsimula ng magbulungan ang mga babaeng sobrang kapal ng mga Makeup sa mukha at akala mo ay papasok sa strip club sobrang ikli ng damit. Wala pa naman kaming uniform kaya pwede pa kaming mag civilian.

"Uh-oh nerdy alert"

"She dont have a taste when it comes to fashion"

"Ano ka ba pano magkakaroon ng taste eh NERD NGA"

Wala na akong pinagtuonan ng pansin at kinuha ko na lang ang map ng school at pumunta sa room namin dahil mamaya maya pa naman ang Orientation para sa aming mga new students.

Pagkarating ko ng classroom ay wala pang tao, siguro dahil busy pa ang mga yun sa pakikipag chismisan. 8:00 ang Orientation ngayon pero 7:20 pa lang kaya tatambay muna ako dito. Nilabas ko ang cellphone ko at nag scroll ng pictures dahil miss na miss ko na sya.

'hayaan mo makakapaglaro ulit tayo matapos lang ni ate to' sabi ko sa isip ko at nagtuloy-tuloy mag scroll ng pictures. Sa sobrang busy ko kaka scroll sa gallery ko ay hindi ko na namalayan ang oras na mag E-8:00 na.

Bumaba ako at pumunta sa quadrangle. Halos lahat ng students ay nandoon na kaya naman humanap ako ng pwesto para umupo. Maya-maya pa ay may umakyat na isang nasa 40's nya nababae, na sa tingin ko ay ang Dean netong school nato. Tumikhim sya at nagsimulang magsalita.

"Good Morning to all the students, Old and New Students." Panimula nya at nakinig naman kaming lahat. "But first let me introduce myself, I am Erlinda Carlos. I am the Dean here. So kung may problems dito sa paaralang ito pwede nyo akong lapitan.  Understood Milers??" Pagpapakilala nya at sumagot naman kami. Ipinaliwanag nya ang mga kailangan naming alamin. Ipinakilala ang mga facult staff at syempre ang kanilang patakaran. Gusto nyong malaman?? Gusto nyo talaga?? Okay sasabihin ko na.

The Nerd in DisguiseDove le storie prendono vita. Scoprilo ora