Chapter 17

2.7K 64 0
                                    

Chapter 17

Hinatid lang kami nila daddy sa baba at ang mga bodyguards naman ang naghatid sa amin papunta sa condo.

"May mga dala ba kayo?" Tanong ko.

"Yes. Lagi naming dala yun" sabi naman ni chloe.

"Ah, nadala ko kasi yung akin sa school" sabi ko.

"Ah oo nga pala, may laptop ka ba summer?" Tanong ni Cassiopeia.

"Ah oo meron ako" sabi ko.

"Isesend ko sayo yung file ng tungkol sa company ng mga Ford's at ang files tungkol sa Organization" sabi ni Cassiopeia at tumango naman ako. Pagkarating namin dun ay agad naming binaba ang gamit namin. Malaki yung condo na yun at merong second floor. Sa baba ay ang living room at kusina. Kumpleto na ang nandito, may tv set na. Pagpunta ko sa kusina ay nakita ko ang ref at merong pagkain dun, kumpleto na din sa mga gamit dito. Kita mo ang tanawin dahil may clear glass na makikita mo ang nasa baba.

"Woah, grabe ang laki naman neto" sabi ni xander

"Malamang naman na bigyan tayo ni daddy ng maliit, edi mukha tayong sardinas" sabi ko at natawa. Pagakyat namin ay merong dalawang kwarto. Nagdesisyon kaming magkahiwalay ang girls at boys. Pagpasok namin ay may apat na higaan na magkaharap. Pumili kami kung saan matutulog. Nag ayos na kami ng gamit at inabot kami ng ilang oras, kaya pagbaba ay nagtulong tulong kaming apat na magluto.

"Ang ganda ng buhay ng mga lalaki na kasama natin" sabi ni cass habang nag hihiwa.

"Kaya nga eh. Kung isahog ko kaya sila rito" sabi ni angel.

"Grabe kayo" sabi ko

"Hoy chloe, tama na yan. Makipagusap ka na" sabi ni angel

"Oo na" sabi ni chloe. "Sorry summer, cold lang talaga ako pero madaldal din ako" sabi nya at ngumiti naman ako

"Okay lang" sabi ko. Pagtapos ay inihanda na namin ang pagkain at sila naman ay kumuha ng mga plato. Kumuha kami ng tig isa isang plato at kumain.

"Summer, tapos na ang birthday ni samuel diba? Kailan naman yung sayo?" Tanong ni Chloe. Woah, nag iimprove, hahaha.

"Ah, tapos na ako" sabi ko.

"Ang saya din nung birthday nya eh no, Not a typical one" sabi ni Tristan.

"Yes, because i dont like a childish one" sabi ni sammy.

"Wow, grabe naman to" sabi ni xander. Puro tawanan at kwentuhan lang kami kaya natagalan kami kumain. Pagtapos naming kumain ay umakyat na kami sa kwarto at naligo. Sinend sa akin ni Cassiopeia ang file dahil ako ang unang natapos. Binasa ko ang lahat na nandun. May mga hotels, malls at kung ano ano pa.  lecheeee. Ang income ng company ay...... 5 million a month. Nakakatakot hawakan to, baka mamaya maibagsak ko to. Huhuhuhu. 5 pages ang file kaya naman ay natagalan ako dahil kinabisado ko pa ang mga pangalan ng mga Head ng bawat department at mga may mataas na position. Mabilis akong magkabisado ewan ko ba kung bakit, pero thankful na rin ako. Pagtapos ko ay binasa ko na din ang tungkol sa Organization. Tulog na silang lahat at ako na lang ang gising. Kinabisado ko isa isa ang mga pangalan, mukha, abilidad at tungkol lahat sa kanila. Pagtingin ko sa wall clock ay alas dos na. Uminat ako at naghikab

"Hindi ko namalayan ang oras" sabi ko at pinatay ang laptop, humiga na ako at niyakap ang teddy bear ko.

~Tuesday~

Cassiopeia's Pov

Hi :) Im Cassiopeia Feather. :)))))). Hindi na yan ngiti, yung baba ko na yan. Hahaha. Joke.

Ako ang early bird sa aming lahat dahil laking probinsya ako, kaya alas kwatro o alas tres ay gising na ako. Una kong ginising si Angel sunod si Chloe at si summer, nahirapan kaming gisingin si summer kaya hinayaan muna namin dahil maaga pa naman. Natapos na kaming maligo at magluto pero hindi pa rin gising si summer kaya lahat na kami ay pumasok sa kwarto.

The Nerd in DisguiseWhere stories live. Discover now