Kabanata 38

10.1K 162 27
                                    

 DISCLAIMER: I DON'T OWN BOYCE AVENUE. 

Dumating ako ng mga alasais ng gabi. Hindi ko alam kung bakit maingay yung Guest room. May bisita siguro si Auntie. Hindi ko na lang pinansin kaya agad aking nagtungo sa kwarto ko para ituloy yung regalo ko kay Haguines. Siguro kulang pa nga ito. Kailangan kong mag-grocery bukas para sa lulutuin at ibabake ko sakanya sa New Year.

Habang naggagantsilyo ako, hindi mawala sa isipan ko yung pangalan na nasa puntod na yun. Detrione Kate Parker. Nakapagtataka lang kasi March 13, 1996 siya ipinanganak  tas May 17, 2002 siya namatay. Ibigsabihin, 7 years old siya nung namatay siya. Parker din ang apelyido niya. Kung iisipin kong mabuti.. Parehas kami ng birthday at yung May 17 na yun, yun yung araw na iniwan ako ni Nicho Sandoval. Pero.. Argh! Concentrate, Darelle! Muntik ka ng matusok. Kung anu-ano kasi ang iniisip mo. Tss.

Gabi na ng tawagin ako ni Kuya Niel para kumain. Pagkababa ko, nakita ko ung mga nagiingay kanina sa  Guest Room and guess who? Half of the Parkers are here. Nakakatuwa lang sana nandito sila Mama at Papa. :(

"Blaire, siya na ba yung sinasabi mong anak ni Kenichi at Deandra?" sabi ni Tita Shen. OMG. Hindi ako nakapag-ayos. Nakabuns lang ako ngayon.. messy hair. Kenichi Rokuzawa Parker is the name of my dad and Deandra Haru Parker is the name of my mom. Japanese names right? Because I was born in Japan. My father is a half-Japenese and half-British. And so my mother, too is a half-Japanese but she is a Filipina. Some Parkers are half-British. Alam niyo naman. Si Tita Blaire ay half-Japanese rin kaya ganun ung pangalan ni Kuya Niel at Kuya Aki.

"Yes. Come here my dear niece." sabi ni Auntie. Nakakahiya. Sa panget kong ito?

"This is Darelle, anak nila Kenichi at Deandra. Ito naman si Gabriel, tinuturing ko na ring anak. Alam niyo naman. At si Dale, na inampon ko kasi tumatanda na ako. Hahaha." Bat ganun? Wala siyang masabi kay Haguines? Imposible naman yun. Lahat ng nangyayari may dahilan.

"Good Evening po." sabay naming sabi ni Gabriel. Nginitian ko sila. Medyo Nakakahiya. Nandito rin kasi ang mga 'long lost pinsan' ko. Tsk. Hindi ako makakapagenjoy ng mabuti.

"Ang laki mo na pala Darelle. No wonder, mas gumanda ka ngayon. Walang biro." natatawang sambit ni Tito Daiki. Nambobola nanaman panigurado.

"Ilang taon ka na ba Kaye? Maliit ka pa nung huling kita natin ah." tanong ni Tita Zei.

"16 na po ako." sagot ko.

Panget Ako! Palag Ka?Where stories live. Discover now