Chapter Thirty Six

47.2K 1.1K 80
                                    

Napabalikwas siya ng bangon. Parang agos ng tubig sa bilis ang pagragasa ng lahat sa kanya. Ang dinner, doorbell, si Rico, baril at ang pagsabog. Parang lumang eksena sa isang pelikula na nagpabalik balik ito sa isip niya.

Napadaing siya sa sakit nang biglang kumirot ang sentido niya. Ahhh! Ipinikit niya muli ang mga mata niya. At lalong naging malinaw ang lahat sa kanya.

Luminga siya sa paligid. Ang kwarto. Ang silid nilang mag asawa. Naaalala na niya. That's why she felt the familiarity. Bahay nila ito.

Mabilis na nagmalabis ang luha s amga mata niya. Pangga. Sandaling inuusal niya iyon.

Bakit apat na taon ang inabot bago maging malinaw ang lahat sa kanya? Why she let all these nightmare ruined her life? Their marriage life?

Napatingin siya sa pinto. At iniluwa niyon ang asawa niya. Mabilis itong lumapit sa kanya. Edy! Dinampot nito ang baso na may laman tubig at inabot sa kanya. Inumin mo muna ito.

Parang dinudurog ang puso niya. I missed you pangga. Gusto niyang isigaw dito iyon. Gusto niyang yakapin ito. Pero paano? Matagal na siya nitong ipinagluksa. Matagal na siya nitong nakalimutan. Kamusta kana? Maayos ba ang pakiramdam mo?

Parang may biking ang lalamunan niya. Hindi niya magawang mag salita. Ano ang sasabihin niya dito? Buhay ako pangga. Buhay ako. Kami ng anak natin. She can't open her lips. There's no words coming to her mind.

Parang may pumipigil sa kanya na sabihin ang lahat dito. Awang awang tumitig siya sa mga mata nito. May isang taong pumasok sa isip niya.

Aalis na ko. Dali dali siyang bumaba sa kama. Kailangan niyang magmadali. She needs to make everything clear. Ngayong malinaw na sa kanya kung sino siya, she won't let the past ruined their lives again. At sa pagkakataong ito hindi nalang sarili niya ang iisipin niya.

Pati ang anak niya. Si uno. Mas mahalaga kaysa sa buhay niya ang buhay ng anak niya. Sayang at hindi ko pa siya maipakilala sayo. I'm sorry pangga.

Teka! Are you sure you're okay now? Sinundan siya ni Tobias hanggang sa makalabas siya ng silid. Parang may pakpak ang mga paa niya sa bilis ng kanyang lakad.

Ayos lang ako. S-Salamat. Papara na siya ng taxi ng pigilan siya nito. Ihahatid na kita. Pero kinalas niya ang kamay nito sa kamay niya. Hindi na! Hindi na kailangan. Salamata nalang. I'm so sorry.

Ibayong pagpipigil ang ginawa niya upang wag itong yakapin. Gustong gusto niyang sugurin ito ng yakap. Pawiin ang apat na taong pangumgulila nito sa kanya. But she hold herself. Aayusin muna niya ang lahat. Because they will not have their own happiness kung nariyan lang sa paligid ang banta sa buhay nila.

Hindi na siya nito napigilan ng sumakay na siya sa taxi. Isang tao ang kailangan muna niyang kausapin. Si nanay Marta.

Pakiramdam niya ay aalpas ang puso niya sa sobrang kaba. Tatlong doorbell bago bumukas ang unit. Edy! Susmeng bata ka! Pinagalala mo 'ko! Nasaan ang apo ko? Para namang kinurot ang puso niya. Tama na pagkatiwalaan niya si Daphne at Lex dahil kilalang kilala naman niya ang mga ito. She's sure that they will take care of her son.

Hindi siya sumagot. Bagkus nagtuloy tuloy siya sa loob ng unit. Bakit hindi mo kasama si uno?

Paano ako napunta sa inyo? Instead, she asked. Sinalubong niya ang mga tingin nito. Gaya niya'y nagtatanong din ang mga mata nito. Alam ko na ang totoo. Naalala ko na. Hindi niya napigilan ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata.

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon