Chapter Eleven

45.1K 994 9
                                    

He saw her standing right there. Doon sa tabi ng kalsada. Nakatayo ito doon na tila may hinihintay. Nanatiling nakatuon ang mga mata niya dito. Wala talaga siyang mahanap na dahilan para hindi niya isiping ito ang asawa niya.

Wala siya buong gabi sa bar. Kinailangan niyang asikasuhin ang ibang nabinbin niyang trabaho. Si Troy naman ang palaging tumitingin sa ibang negosyo niya. Mahusay ang kapatid niyang iyon. Nakikitaan niya na magiging mahusay na businessman ito pagtumagal.

Nang makita niyang tila naiinip na ito at akmang aalis na sa kinatatayuan. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan niya at hinabol ito. Sandali.. Sabay hagip niya sa isang braso nito.

Nakaramdam siya ng kakaibang kiliti. Pamilyar na pamilyar.

Alam mo ba pangga kung paano ko nasabing ikaw na ang para sakin? Sabi ng asawa niya habang nakaunan sa isang braso niya. Inamoy amoy naman niya ang buhok nito at saka nakangiting nagtanong.

Sige.. Paano? Naaliw na tanong niya. One month. One month after they're both exchanged bows sa harap ng mga pamilya nila at ilang mga mahal sa buhay. One month of having a beautiful life. With her.

Nagtataka na tinignan niya ito. Pinagsalikop nito ang mga palad nila. Ito.. Ani nito nang higpitan ang hawak doon. Whenever you touch me. May kiliti. May spark akong nararamdaman. Don't you feel that too? Pinakiramdaman niya ang sinasabi nitong kiliti.

May parang kuryenteng nanulay sa mga ugat niya patungo sa kanyang puso. I do.. Matamis itong ngumiti sa kanya.

Ganyan ang nararamdaman ko sayo. That's why i know that I'm belong to you.

Mr. A! Narinig niyang sabi ni edy na ngayon ay nakatingin sa kanya. Mabilis niyang ibinaling ang ulo. Bitiwan niyo po ako.. Tila nakuryenteng binitiwan niya ito.

Weird.. I only felt that in one Woman. Pero bakit siya? Kinurap kurap niya ang mga mata. Can we talk? Aniya.

Nagsalubong ang kilay nito. P-Para saan po? Bakas sa mukha nito ang kaba. Sisesantihin niyo na po ba ako?

Simpleng pag iling lang ang ginawa niya. Hangga't maaari ayaw niyang pangunahan siya ng nararamdaman niya. Paano kung tama sila na baka nagkataon lang ang lahat. Na baka kaya nasasabi niyang ito ang asawa niya ay dahil nangungulila siya at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya natatanggap ang katotohanan.

No.. Hindi kita sisesantihin. G-Gusto lang kitang makausap. Nagpalinga linga ito sa paligid.

Tumingin ito sa relong pambisig. Pasensya na po Mr. A kailangan ko nang umalis. Malibis itong pumara ng dyip matapos makitang may paparating.

Muli niyang hinagip ang braso nito. Hey! I.. I can take you home..

Tipid naman itong ngumiti sa kanya. Salamat nalang po Mr. A pero mukhang hindi magugustuhan ng anak ko na may makikira siyang lalaki na maghahatid sakin.


Anak? May anak na ito? Tila parang gulat na gulat pa siya. At hindi makapaniwala. What do you expect? Na single ito?

Pinakatitigan niya ang mukha nito. Ano nga bang dahilan niya bakit gusto niya itong makausap? Mukhang wala naman siyang maisip na sasabihin. Ano bang gusto mong itanong? Na bakit kamukha siya ng asawa mo?

Humimpil na ang dyip na pinara nito kaya ito na ang kusang nagtanggal ng kamay niya sa braso nito. At nang tuluyan itong tumalikod sa kanya.

Kakaibang damdamin ang muli nitong pinukaw sa kanya. He felt something ---strange.

At alam niya na kung saan man siya dalhin nang nararamdaman niya ay siya ang may kasalanan. Dahil binubuhay niya ang isang patay sa katauhan ng isang nabubuhay.





To be continued...





--------

Dadaan po ang Christmas. Hindi po ako sigurado kung may update sa susunod na mga araw. Until 26th of December perhaps. Maglalamyerda muna ako. Hehehe

Have a Merry merry Christmas..
Happy reading.

Ai:)

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon