Chapter Six

52.2K 1.1K 12
                                    

Okay kalang ba? Nanginginig ka. Vina helped her to get up. Napaupo siya sa isang plant box sa harap ng bar. Naninikip din ang dibdib niya.

Kanina habang patuloy siyang hinahawakan ni Mr. A. Nanunumbalik sa alaala niya ang kamanyakan ng dating boss niya. Kaya takot na takot siya kanina. Okay na ko Vina. Salamat. Mahinang sabi niya saka sabay silang naglakad.

Grabe! Kamukha mo siguro ang namatay na asawa ni Mr. A kaya ganoon nalang yung reaksyon niya. Biglang bulaslas ni vina habang nakatayo sila sa kanto malapit sa shed para maghintay ng pampasaherong jeep.

Namatay? Namatay na pala ang asawa ng boss nila. Naalala niya tuloy ang sinabi ni Mr. A nang makita siya.

I thought you were really dead! Thanks God! You're alive!

Hindi na kasi niya iyon napagtuunan ng pansin dahil natatakot siya dito. Oo. Bali-balitang namatay ang asawa niya habang buntis sa panganay nila. Ang saklap no? Pero kahit minsan ay hindi namin nakita ang asawa ni sir. Hindi naman kasi iyon napunta doon e. Pagkukwento ni vina.

Nakaramdam siya ng awa para sa boss nila. Totoong mahirap mawalan ng minamahal. At kasama din siya sa nawalang iyon. Kailan ba namatay ang asawa ni Mr. A? Tanong niya. Naiintriga kasi siya.

Si sir Troy ang nakakaalam ng lahat ng iyan. Hindi naman kasi basta basta nagpapakalat ng impormasyon si Mr. A tungkol sa buhay niya. Pero ang alam ko.. Four years ago lang itinayo yung bar. Sabay silang sumakay ng jeep nang may huminto sa harapan nila. At tsaka first time ko nga lang nakita si Mr. A! Ang gwapo pala talaga niya! Tila isang teenager na kinikilig si vina.

May papisil pisil pa ito sa sariling pisngi. Miski siya ay napahawak din sa sariling pisngi. Hindi ba't kanina lamang ay hawak din ng boss nila iyon? At damang dama niya ang init ng palad nito hanggang ngayon.

Maswerte ka ngang bruha ka! Biruin mo.. Hindi lang basta hawak ang nakuha mo kay Mr. A.. Niyakap ka pa! Sintemyento nito.

Napailing iling nalang siya. Hindi naman kasi niya gusto ang nangyari. Kahit nga siya'y nabigla rin. Kinakabahan na tuloy ako. Napagawi muli ang mukha ni vina sa kanya matapos iabot ang bayad nila.

Bakit naman? Hindi mo naman kilala si Mr. A diba? Takang tanong nito.

Paano kung ipilit na naman niya sakin na ako ang a-asawa niya? Hindi ko alam ang gagawin ko. Napayuko nalang siya. Dapat na din ba siyang magresign? Kaya lang paano si uno at ang mga pangangailangan nila sa bahay?

Maisip pa lamang niya ang mga mahal niya. Nawawala lahat ng tamang pagiisip niya. Dahil susugal siya para sa pamilya. Mahirap man o madali.

Relax ka lang. Nabigla lang iyong si Mr. A. Saka malabong ikaw ang asawa noon. Sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa.

Kinunutan niya ito ng noo. Bakit pangit ba siya? Oh!  Bakit?

Napakasimple mo kasi. At saka naniniwala ako na sa gwapong iyon ni Mr. A.. Sus edi sosyal ang asawa noon. Palatak ni vina. Na sinabayan pa ng  pailing iling.


Sabagay tama ito. Napakasimple niya kompara sa mga babaing sosyal at anak mayaman. Kaya napakaimposible. Dahil isa pa, hinding hindi niya kayang pagtaksilan ang----asawa niya.




To be continued...

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Where stories live. Discover now