Chapter Thirty

47.4K 1K 30
                                    

Araw ng linggo at saktong walang pasok sa trabaho si Edy. Gusto niyang makasama ang anak niya ngayon. Balak sana nilang kumain sa labas pero umagang umaga kanina ng dumating si Tobias.

May dala itong malaking kahon ng pizza na labis namang kinatuwa ni uno. May mga dala din itong mga DVD's at sabay na nanuod ang dalawa.

Ang kanya namang biyenan ay nagpaalam na sisimba muna. Nabuburyo na daw kasi siya na laging nakakulong sa loob ng bahay. Pumayag naman siya, kasi alam niyang malulungkot pa rin ito magpahanggang ngayon. Hindi kasi nito matanggap na ang lupa't bahay na minahal nito sa loob ng maraming taon ay wawasakin lamang ng ganoon.

Isa pa, marami silang alaala sa naiwan nilang tirahan. Iyon marahil ang dahilan bakit nagiging tahimik si nanay marta nitong mga nakakaraang araw. Binitbit niya ang tray na may lamang juice at saka tumabi kay uno na busy ang mga mata sa pagtutok sa screen.

Inumin mo muna ito. Inabutan niya si Tobias ng isang baso na may lamang orange juice. Thank you. Sabi nito saka ininom ang juice na binigay niya.

Masyado mong pinagbibigyan si uno. Baka masanay yan. Aniya habang nakatingin dito. Ngumiti lang ito sa kanya.
Anong ngini-ngiti ngiti mo?

Ikaw kasi... Masyado kang kabado lagi. Wala namang mababago even if i spoiled your son. Napapansin niya panay na yata anh hawak nito sa kamay niya. Pakiramdam tuloy niya ay magkakakalyo na ang mga palad nila pareho. Minsan nga naisip niya, wag na kaya siyang maghugas ng kamay. Baka kasi mapasma siya dahil palaging hawak ni Tobias.

Binawi niya ang palad at saka nilagyan niya ng towel ang likod ni uno. Ayoko lang naman na isipin mong sinasamantala ka namin.

There we go again. Same old topic. Muli nitong kinuha ang kamay niya at bahagyang pinisil. I don't care kung sinasamantala niyo ako o hindi. What i care about is.. I'm happy to see the both of you happy.

Parang kiniliti ang puso niya dahil sa sinabi nito. Unti unti ay nalulunod na siya sa mga kabutihang pinapakita at ginagawa nito. Natatakot siya na baka isang araw ay magising nalang siya na hawak na nito ang buong puso niya.

Walang sila, pero bakit kung kumilos silang dalawa ay parang sila? Ipinilig niya ang ulo. By the way, susunduin ko kayo bukas dito.

H-Ha? Bakit? May pasok ako bukas. Sabi niya. Saan naman sila pupunta? Wala kasing pasok si uno dahil may sakit daw ang teacher nito. Siya nama'y may pasok sa trabaho.

You can have a leave tomorrow. May pupuntahan tayo. Gaya ni uno. Nakatutok din ang mga mata nito sa telebisyon. Isang Disney movie. Finding Dory? Para kang bata. Pero bagkus na sagutin siya'y sabay pang tumawa ang dalawa dahil sa palabas.

Maya maya'y sandaling huminto ang palabas. Ipinause pala ni uno. Nanay sabi po pala ni Tito Toby aalis tayo bukas. Masiglang sabi ni uno. Kung dati ay Mister A na boss ni nanay ang tawag niya kay Tobias ngayon ay tito Toby na.

Tinignan niya si tobias. Sumusubo ito ng pizza. So you have to sleep early tonight uno. Para may energy ka bukas. It will be very fun!

Ay opo! Maaga naman po ako lagi matulog. Masayang sagot ni uno kay Tobias.

Teka! Teka! Ano bang pinaguusapan niyo? Kung mag usap kayo parang planado na ang lahat ah! Nakakunot noong tanong niya. Naguguluhan kasi siya sa dalawa.

Kumandong si uno kay Tobias at muling pinindot ang play button ng remote control at saka nanuod muli. Birthday ng anak ng kaibigan ko bukas. It's a children's party kaya naisip kong isama kayo ni uno bukas. Besides, wala naman siyang pasok hindi ba?

Pero may trabaho ako. Hindi ko naman pwedeng pabayaan 'yon. Apela niya. Nasasanay na ang dalawang ito na nagdedesisyon agad.

As your boss. I'm forcing you to have a leave of absence tomorrow. Huminga nalang siya ng malalim. Kapag ganitong may pa-boss boss na ito. Wala na siyang magagawa kung hindi ang pumayag. Ano ba naman ang pagtanggi niya? Isa lamang naman siyang empleyado at ito ang boss.

Anong oras mo kami susunduin? Nakasimangot niyang tanong. Naiinis kasi siya. Naiinis siya dahil ang dali siyang mapapayag nito.

Before lunch. Afternoon pa naman ang party. Nang lumingon siya dito para muling magtanong. Nakita niyang nakahilig sa dibdib nito si uno at nakatutok ang mga mata nilang dalawa sa telebisyon.

Alam niyang nagigig sobrang malapit na ng dalawa. At natatakot siya para sa anak niya. Paano nalang kung mag sawa na si Tobias dito? Bata pa si uno, kapag napalapit siya sa isang tao hahanap hanapin niya ito. At hindi niya gustong masaktan ang anak niya.

Hindi niya gustong masaktan ito dahil lang sa naghahanap ito ng ama. At natagpuan ito niyon sa katauhan ni Tobias. Sa isang bata na kagaya ni uno. Normal sa gaya niya ang maghanap ng pagkalinga ng isamg ama lalo pa't lalaki ito.

Ibigay man ng isang ina ang lahat. May isang bagay pa din sa buhay ng isang bata ang hindi mapupunan na tanging isang ama lang ang makakapagbigay.

Hindi niya namalayang may isang butil ng luha na pala ang umalpas sa mga mata niya. Mabilis niyang pinahid iyon bago pa makita ng mga ito.

Dahan dahan siyang tumayo at binitbit ang mga basong walang laman. Dinala niya iyon sa kusina. Mula doon ay tinanaw niya ang dalawa. Maswerte ang babaing muling mamahalin ni Tobias. Dahil ngayon palang ay nakikita niya na magiging mabuti itong ama. Kung sakaling mag asawa itong muli.

Akmang tatalikod na siya para hugasan ang mga baso nang may mapansin siya. Napatitig pa siya mg husto sa dalawang nanonood at napasinghap siya ng matanto niyang tama siya.

Paanong pareho sila?



To be continued...

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon