Chapter Twenty one

43K 913 17
                                    

Pamilyar siya sa building na hinintuan ng taxi na sinakyan niya. Dito siya dinala noon ni Mr. A.

Kaya tanda niya ang lahat ng dinadaanan niya. Humakbang siya sa elevator at saka pinindot ang floor ni Mr. A.

Hinawakan niya ang panyo na galing sa kanyang bulsa. Namamasa kasi ang mga palad niya.

Nang makarating sa floor kung saan naroroon ang unit ni Mr. A. Mabilis niyang inisa isa ang mga pinto doon.

Sa may dulong pasilyo niya nakita ang unit. Naiisa lang ito doon. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa pinto at sa numerong nakasulat sa papel na hawak niya. Baka kasi nagkakamali lang siya.

Iniangat niya ang kamao at saka kumatok. Mr. A? Mr. A? Pero wala pa ring nagbubukas ng pinto. Baka umalis. Sa isip isip niya. Pero alam naman niya na darating ako hindi ba? Siya pa nga ang nagpapunta sakin dito. Pagkausap niya sa sarili.

Muli siyang kumatok. Pero nanatiling sarado ang pinto. Dahan dahan niyang inilapit ang tenga sa pinto upang pakinggan kung may tao ba pero noon lang niya napansin na nakapinid ang pinto. Bukas! Bulaslas niya sa isip niya.

Nagdadalawang isip siya kung papasok ba siya o hihintayin ito sa labas. Pero sa hulinay dahan dahan siyang humakbang papasok. Malamig na paligid ang sumalubong sa kanya.

Napahawak tuloy siya sa kanyang mga braso. Grabe mag-aircon ang taong ito. Magpapakamatay sa lamig. Humakbang pa siya papasok. Napakadilim ng paligid dahil sarado ang lahat ng bintana. Nakasara din ang mga blinds.

Iginala niya ang paningin sa madilim na paligid. Napakasimple lang ng loob. May isang sofa at center table. LED TV na nakasabit sa pader. Dual speaker at DVD player. Wala kang makikitang kahit na ano maliban sa mga libro na nasa isang gilid. Mahilig pala siyang magbasa.

Naaliw na tinignan niya ang bawat libro. Mga research books ang mga iyon. Nakakatuwang isipin na pareho silang mahilig magbasa ng libro. Kahit nga ang anak niyang si uno ay napakamahilig din magbasa. Marahil ay sa kanya talaga nagmana. Tamad naman kasi si Joaquin na  magbasa.

Bahagya naman niyang hinawi ang makapal na kurtina sa tapat ng sofa. Pumasok ang mainit na sinag ng araw mula sa labas. Bampira lang ang alam kong takot sa araw. Pati pala ang boss ko takot din. Hinayaan niyang nasiwang ang kurtina. Masyadong madilim ang kabahayanan dahil walang tumatanglaw na liwanag.

Iginala niyang muli ang mga mata sa paligid. At noon lang niya napansin ang nagkalat na damit sa sahig. Kanino ang mga ito? Iniangat niya isa isa. Long sleeve polo at slack pants. Nasa sahig din ang sinturon at necktie. Napakaburara pala ng boss ko.

Dinampot niya ang mga iyon at saka itinupi't nilagay sa isang tabi. Pati ang medyas at leather shoes na nakita niya na nakakalat din. Dinaig pa ng boss niya ang sawa dahil sa mga nakakalat na hinubad.

Umikot siya sa may bar counter sa bandang kusina. Kahit doon ay madilim din, basta lang nakapatong ang isang leather bag doon. Parang nagmamadaling ipatong.

Sa pagtalikod niya, may naaninag siyang liwanag sa dulong kusina. Doon din niya naririnig ang lagaslas ng tubig. Iyon marahil ang banyo.

Bahagya siyang humakbang patungo doon. Sir? Sir? Pero walang sumasagot sa kanya.

Nanindig ang mga balahibo niya. Parang ngayon na niya gustong lumabas ng unit at magtatakbo pauwi. Paano kung naliligo pala ang boss niya? Nakakahiya!

Parang may sariling isip ang mga paa niya na humakbang pa papalapit at sa paglapit niya ay abot abot ang kabog ng kanyang dibdib.

Kung ano ano na kasing pumapasok sa isip niya. Mga scenario na hindi tamang isipin niya. Pero hindi niya maiwasan lalo pa't hindi niya nakikita si Mr. A.

Pero mas lalong kumabog iyon ng makarinig siya ng sunod sunod na pag ungol. Ungol na nagmumula sa loob ng banyo!

Oohhh!..





To be continued...






-------

Mukhang iba ang mapuputukan sa bagong taon. Hahaha

Happy 2017!

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon