Chapter Twenty

48.1K 963 12
                                    

Alam niya pagkatapos ng mga nangyari, alam niyang iniiwasan siya ni edy. She is avoiding him like he has a virus. That she is susceptible in any kind of disease.

Ilang araw na ring ginagawa niyang opisina ang lugar na ito. Si Troy ang hinahayaan niyang pumunta sa mga meetings niya as his representative. Ito na rin ang madalas nasa opisina niya.

Daig pa niya ang isang stalker na bantay sarado ito. Pagkatapos niya kasi itong ihatid, naging mailap na ito sa kanya. Kapag makakasalubong siya'y mabilis itong nagyuyuko ng ulo.

Para naman siyang tanga na paulit ulit na hinuhuli ang mga mata nito pero kahit sa malayuan ay talagang iniiwasan siya. What did you do to me?

May isang linggo nang pinagaaralan ni edy ang bago niyang position. Sa wine and beverage na kasi siya nakaassigned pero di bilang server. Kung di bilang bagong encoder at labeler. Noong una ay nagulat siya, pero mariing sinabi ni Sir Troy na karapat dapat siya doon. Nireview daw kasi nito ang resume niya at ang kanyang credentials. Base daw kasi sa skills niya may experience siya sa encoding.

May mga ilang nagtaas ng kilay at may ilan naman natuwa para sa promotion niya. Hindi na niya tinanggihan dahil malaking bagay iyon sa kanya. Maliit nalang ang kakainin niyon oras para sa quality time nilang mag ina.

Pero sa isang banda, iniisip niyang baka may kinalaman si Mr. A dito. Kaya lang ng tanungin naman niya si sir Troy sinabi nitong nagiging professional lang ang boss nila.

Pagkatapos ng ngakaraang inventory, siya na ang bahalang magencode ng mga data na binigay ng sales nila. At siya naman din ang bahalang magtransfer nito kay sir Troy para sa approval bago ibigay sa book keeper at itransfer sa accounting.

Tumawag siya sa Marketing para itanong kung nasaan si Sir Troy. Pero sinabi lang ng nakausap niyang babae na umattend daw ng conference iyon.

Pero nagbilin naman po si Sir Troy na kung pwede ay personal niyo nalang pong dalhin ang report sa opisina niya. At pagdating na lamang daw po niya aayusin. Ani ng babae sa kabilang linya. Closing na ng bar. Pero ngayon siya pumasok. Nabago na kasi ang working schedule niya. Kung dati fixed time lagi ngayon ay compressed na. May eight hours workin time siya na iba ibang shift. May six am till two pm, two pm till ten pm at ten pm till six in the morning. So far, laging napupunta sa six to two pm ang schedule niya. Kaya nasusundo niya si uno sa school tuwing hapon.

Sige, dadaan ako d'yan mamaya. Yun lang at binaba na niya ang telepono.

Tumulong muna siya sa ibang mga gagawin bago niya inihanda ang dapat dalhin.

Ito ang unang beses na tutungtong siya sa Alejandro building kaya kinakabahan siya. Paano kung makita ko siya dito? Abot abot ang dasal niya na sana ay di niya makasalubong si Mr. A hindi niya kasi alam ang sasabihin niya matapos niyang pagsalitaan ito ng ganoon noong nakaraan. Pakiramdam niya kasi ay wala siyang utang na loob. Siya na nga ang niligtas nito.

Inihakbang niya ang mga paa nang makarating sa lobby. Inayos din niya ang pagkakalagay ng headband sa buhok at saka lumakad papasok.

May ilang ang mga mata ay tila mga gulat na gulat at ang iba nama'y kung makangiti akala mo'y magkakakilala sila.

Kakaibang gaan ng pakiramdam ang sumalubong sa kanya sa loob. Na para bang sanay na sanay na ang presensya niya doon. Sorry ma'am, for finalizing na po pala ang inventory na ito. Hindi na po ito mahihintay ni sir Troy. Three days pa po bago siya makabalik. Sabi ng babae na nakausap niya sa telepono kanina. Sandali po, tatawag ako kay Sir A.

Sa bilis nitong magsalita hindi na siya nakasinggit pa. Mabilis itong nagdial sa telepono at may kinausap siya nama'y tila nababato na sa pagkakatayo.

Mabilis din itong bumaling sa kanya nang matapos makipag usap. Sabi po ni Sir A pakidala nalang daw po iyan sa kanya. Natigalgal siya.

H-Ha? Miss baka pwedeng iwanan ko nalang ito. Aniya niya. Iniiwasan nga niya pero bakit itinutulak pa siya doon ng tadhana.

Pasensya na talaga ma'am. Maaantala po yan kung iiwanan niyo pa. Isa pa ang mga ganyang documents po ay hindi namin idinadaan sa Messenger dahil confidential po yan. Paliwanag ng babae. May iniabot itong kapirasong papel sa kanya. Yan po ang address ng condo ni sir. Puntahan niyo nalang po siya.

Nagaalinlangan kung tatanggapin ba niya o hindi ang papel. Pero sa huli ay kinuha din niya. Huminga siya ng malalim bago inihakbang muli ang mga paa.

Kaya mo 'yan!



To be continued...

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Where stories live. Discover now