Chapter Forty Two

46.7K 999 41
                                    

Nasa vicinity pa rin ng Laguna ang Red dot na sinusundan nila. Iyon ang GPS alert na nakuha nila. Tinatambol ng kaba ang dibdib niya. Nakasunod sa mobile police vehicle ang sasakyang sinasakyan nilang mag asawa.

Palipat lipat ang mga mata niya sa daan at sa monitor. Gusto niyang makakita ang lahat. Naramdaman niya ang paghawak ni Tobias sa isang kamay niya. Nang tumingin siya dito ay pagak itong napangiti. Everything will be alright. I promise.

Tinitigan niya ito at saka muling tumingin sa daan. Don't make a promise... Baka mas masaktan lang ako.

Hindi nalang ito umimik pa. Alam niyang nasasaktan na ito sa ginagawa niya. Pero masisisi ba siya? Buhay ng anak niya ang nakataya dito. Buhay na matagal niyang iningatan at inalagaan. At hindi niya kakayanin kung hanggang dito nalang ang lahat.

Tumitig nalang siya sa daan. Pagkalampas nila ng Sta. Rosa proper ay pumasok ang sasakyan sa Canlubang tollgate. Napakunot noo siya. Tinitigan niya ang red dot na sinusundan nila. Pamilyar ang ruta na tinatahak niyon. Mula SLEX sa Canlubang exit. Pumasok ang red dot sa kanto ng San jose hospital. Alam niya ang lugar na iyon. Natatandaan niya iyon.

Mas lalong lumukso ang takot sa puso niya. Kung gayon, doon mo balak gawan ng masama ang anak ko sa lugar kung saan muntikan mo na kong pinatay. Naikuyom niya ang mga kamao. Hindi maaari ito.

In her blurry vision nakikita niya ang dilim ng paligid. Ang mga ilaw sa poste at ang mga nagmamadaling sasakyan sa kalye. The only thing she remembered was, when Rico point her a gun. Hanggang sa muntikan na silang mabangga, nahulog sa bangin ang sasakyan. And when she crawled out the car. Dumating si---penny. Ang akala niya'y ililigtas siya nito pero nagkakamali siya. Halos mawalan an siya ng ulirat habang patuloy siyang sinasampal nito. Napapadaing siya sa sakit.

She looks like a mentally ill. Namumula ang mga mata. Dahil sa pagod at mga sakit na natamo niya. Pakaladkad na lamang siyang binuhat ni rico at isinakay sa bagong sasakyan di kalayuan sa bangin. Nahihilo siya pero malinaw sa isip niyang bumibiyahe sila.

Sa buong durasyon ng biyahe. Pinilit niyang makita ang paligid. That's the only thing she could do para makagawa siya ng paraang kung paano makakatakas. It's not only her life were at risk now, miski ang buhay ng batang nasa sinapupunan niya.

Nasa south na sila. Dahil nakita niya ang arko ng isang lugar sa Laguna. Sa dilim ng paligid. Idinalangin niya na sana may isang taong makapuna o makaamoy ng panganib na siyang kinasusuungan niya.

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon