Chapter Thirty Nine

46.6K 1.2K 77
                                    

Inihatid muna ni Tobias si uno sa bahay Nila. Masyadong napagod ang bata dahil sa ginawa nilang pamamasyal. Bonding with his son makes him feel like a better Man. A family Man. Like what he used to dream before. Like what he always imagining before. Like how he always thinking whenever he was alone. They went in different places like, theme park, museum and water park. Parang kulang ang buong araw para libutin nila ang mga lugar na pwede nilang puntahan.

Hapon na pero hindi pa rin bumabalik si edy. He tried to call her phone several times pero palaging unattended. Hindi pa sila muling nakakapagusap. Umaasa siya na bago dumilim ay magkakausap sila. Na maiipaliwanag niya dito ang lahat.

Nasasabik na siyang makita ito. God knows how he suffered so much. Ang mga maling paniniwala na halos sumira sa kanilang lahat. Na halos ikaguho niya.

Hinaplos niya ang wedding photo nilang mag asawa na nakapatong sa coffee table na nasa salas. Kaya ba kahit minsan ay hindi niya naisip na alisin ang lahat ng litrato nito sa loob ng bahay nila? That he preserved everything left para sa pagbabalik niya.

Ibinalik niya sa dating posisyon ang litrato nang magvibrate ang cellphone na nasa loob ng kanyang bulsa. Mama?

Nakadama siya ng pag asa. Naging masasakitin ang mother-in-law niya simula ng pagkamatay ng asawa niya. Parang gustong gusto na niyang ibalita dito ang lahat para naman lumakas na itong muli.

Ang balita niya'y nasa ospital na naman ito. His papa Ernest delivered him the news four days ago. 'Ma! How are you?

Narinig niya ang pag ubo nito sa kabilang linya. I'm okay now Son.. Maybe tomorrow or the next day madischarge na 'ko.

That's good to hear 'Ma! Masayang saad niya. Kailangan ay makita na niya si edy para maipakilala na niya ito sa tinay nitong pamilya. Bakit nga po pala kayo napatawag? Nagtatakang tanong niya. Usually si papa Ernest ang natawag sa kanya para mangamusta. O kaya nama'y siya ang tatawag.

Can you visit me now? Napatingin siya sa itaas ng hagdan. Natutulog pa si uno. Paano siya aalis? Hindi niya maaaring iwan ang bata.

B-But Ma.. Paano nga ba?

Konting oras lang 'anak. May sasabihin lang ako sayo. Narinig pa niyang sabi nito. Maybe he will asked lex to look afte his son. O kaya ay si Tad na nasa tapat lang naman ng bahay nila.

Alright 'Ma. I'll be there. Nagpasalamat pa ito sa kanya bago nawala sa kabilang linya. Umakyat siya sa silid ng anak at tahimik na nilapitan ito. Tulog na tulog si uno. Tinext na niya si lex. Sinabi niya an tignan tignan si uno. Even his other friend Tad, may pagkaweirdo iyon pero hindi naman siya matitiis ng kaibigan.

Kinumutan at hinalikan muna niya sa noo ang bata bago siya lumabas ng silid. Dahan dahan niyang isinara ang pinto sa takot na baka magising ito. Sisiguraduhin niya na maiibigay niya sa kanyang anak ang pamilyang pangarap nito.

Kinse minutos bago nakarating sa ospital si tobias. Lumapit siya sa information desk at tinanong ang nurse na naroon. Excuse me Miss. Saan ang kwarto ni Mrs. Nimfa Torres?

Tinignan ng nurse ang data sa computer na nasa harapan nito. Sixth floor Sir. Room Six one seven. Ngumiti siya sa nurse at lumakad na siya papunta sa elevator.

Minutes after bago niya narating ang sixth floor. Hinanap niya ang numero ng kwartong sinabi ng nurse sa kanya.

Hindi naman siya nahirapan dahil nasa bandang bukana lamang iyon. Dalawang magkasunod na katok bago bumukas ang pinto at nabungaran niya ang sister in law niya na si Cleo. Kuya!

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Where stories live. Discover now