Chapter Forty One

48.8K 1K 30
                                    

Tulalang napatitig si Edizel sa kawalan. May dalawang oras na silang naghihintay pero wala pa ring lead ang pulisya kung saan naroroon si penny.

Nang mabalitaan nila na nagpunta sa subdivision kung nasaan ang bahay nila si penny. Dali dali silang umuwing mag asawa. Nadatnan nila si Taddeos na walang malay. At nawawala ang anak nila. Sa tulong ng CCTV cameras nakitang sapilitang isinakay ni penny si uno. Halos madurog ang puso niya.

Halos mapatay naman ni Tobias sa suntok si Tad kung hindi pa umawat ang mga kaibigan nito. Siya nama'y walang masabi. Tahimik lang na nilibot niya ang paningin sa kabuuan ng bahay. Umasa siyang makikita doon ang anak niya pero hindi pala.

May balita na ba? 'sing lamig ng yelong tanong niya kay Tobias. Ayaw niya itong sisihin sa nangyayari pero bakit parang ang bigat bigat sa dibdib na isiping iniwan nito ang anak nila. Wala naman itong kasalanan. Hindi kasalanan na nakuha ang anak nila ng hindi nila namamalayan.

Umiling ito. Dahil doon, may mga luhang sunod sunod na umalpas sa mga mata niya. Lumapit si Tobias sa kanya at hinawakan ang kamay niya pero agad din siyang umatras palayo . I'm sorry pangga.. Miski ito ay lumuluha din.

Pinahid niya ang mga luha niya. B-Bakit ganoon? Ang hirap hirap maging m-masaya... O-Okay lang kung ako e.. Pero hindi ang anak ko..

Sshh.. Lumapit ito sa kanya. Pilit siyang niyayakap kahit nagpupumiglas siya. Ibalik mo ang anak ko! Ibalik mo! Masaganang mga luhang ang tumulo sa mga mata niya.

Unfair pero mas masakit ang dinadala niya. Ang mawalay sa anak niya ang pinakamasakit na pwede niyang maramdaman pero ang malaman na nasa panganib ito sa kabila ng murang edad nito. Iyon ang unti unting pumapatay sa kanya ngayon. Walang kasing sakit sa isang ina na malamang nasa peligro ang buhay ng anak niya at wala siyang magawa para iligtas ito. Gumawa ka ng paraan please. Parang awa mo na. I-Ikamamatay ko kung mapapahamak si uno. Hilam ng mga luha ang kanyang mga mata.

Tumango tango ito. Gagawin ko ang lahat. Pangako. Hindi niya alam kung ano nang nangyayari sa anak niya. Naiyak na ba ito. Takot na takot. Alam niya hinahanap na siya nito. Alam niyang sa mga sandaking ito baka sinasaktan na ni penny ang anak niya.

Naikuyom niya ang kanyang kamao. Isinusumpa niya, kapag may nangyaring masama sa anak niya hindi niya mapapatawad si Penny.

Napalingon silang pareho ng may pulis na lumapit sa kanila. Inspector Vargas. Nakipagkamay ang pulis sa kanila.

Siya na ang unang nasalita. Kamusta sir? Nakita na po ba si penny? Ang anak ko? Nasaan siya? Sunod sunod na tanong niya.

We do everything we can Mrs. Alejandro. Ani ng pulis. Nakatanggap kami ng report mula sa station one sa muntinlupa. Nakita sa CCTV footage ang sasakyan ng suspek. Pagbabalita ng pulis.

Natrace na ba kung saan siya papunta? Tanong ng asawa niya. Hindi siya mapakali. Paano kung saktan ni penny ang anak niya?

Chief! Sundan na natin sila. Baka hindi pa sila nakakalayo. Natatarantang sabi niya. Hindi siya matatahimik hangga't wala siyang ginagawa para iligtas si uno.

Kumalma po kayo Mrs. Alejandro. Ginagawa naman po namin ang lahat para mahanap sila. Sa ngayon on going ang search operation para sa suspek at anak niyo. May mga stand by police deputy tayong nakabantay sa mga gasoline station at toll way. Nagpalagay na rin kami ng check point sa mga barangay na sakop ng huling location kung saan nakita ang sasakyan ng suspek. Hopefully bago mag umaga ay mahahanap natin sila. Mahabang paliwanag ng pulis. Pero ina siya. Hindi basta bastang tao ang hinahanap niya. Anak niya ang nawawala.

Make it quick chief! Gawin niyo ang lahat. Sabi ng asawa niya. But make sure na hindi masasaktan ang anak namin. Alam niyang mahal ni Tobias ang anak nila. Unfair na nagagalit siya at pati dito ay ganoon ang nararamdaman niya. Pero kapag anak na ng isang ina ang nasa alanganin. Gagawin ng isang ina ang lahat. Kahit pa isugal niya ang sarili niyang buhay.

Makakaasa kayo Mr. Alejandro pero sa ngayon, mas mabuting manatili kayo dito. Naniniwala kaming tatawag ang suspek ano mang oras. Tumango tango si Tobias. Kami na pong bahalang makipag coordinate na ibang station para sa ibang balita.

Napaupo siya sa upuang nasa salas. Ang hirap hirap tanggapin. Bata pa si uno para maranasan niya ito. Ang makaranas siya ng ganitong karahasan.

Patalikod na si Inspector Vargas nang may pumasok ding isa pang pulis. Any update? Tanong agad ni Inspector Vargas sa pulis.

Sir, may report na pong nakuha. Nalocate na po sa gps ang location ng suspek at ang anak nina Mr. And Mrs. Alejandro. Sabi ng pulis.

Napatayo siya dahil sa narinig. Nasaan ang anak ko? Pinigilan siya ni Tobias. Pinapakalma siya nito.

Kakapasok palang po nila ng Sta. Rosa property sa Laguna. We also coordinate to Sta. Rosa police department doon Sir. Sa ngayon naroroon na po ang ialng police team para sundan ang mga nauna. Tumingin siya kay Tobias.

Kagaya niya ay nakatitig din ito sa kanya. Sasama ako. Please. Pasamahin mo 'ko. I want to see our son. Please... Pagmamakaawa niya. Hindi niya kayang maupo sa isang tabi na walang ginagawa.


Pero ipangako mong hindi ka mawawala sa paningin ko. Ginapgap nito ang palad niya. At saka pinahid ang mga luhang isa isang tumutulo sa kanyang pisngi. Promise me na hindi ka gagawa ng isang bagay na ikakapahamak mo. Please promise me. Dahil ayokong mawala ka ulit sakin.

Umiling siya. Hindi ko maiipangako 'yan sayo. Dahil ina ako. At bilang isang ina, handa akong ipagpalit ang sarili kong buhay para lang sa anak ko. Sana maintindihan mo.

At bilang isang ama at asawa, asawang matagal nang naghihintay. Hindi ko hahayaan na masaktan ka o ang anak natin. Kaya please. Let the police do their job. Dahil baka ikamatay ko na kung mawawala ka pa ulit.

Love is surrendering. Love is difficult. Ganyan ang pag ibig na mayroon sila. Hard and patience. Sana lang ang lahat ng sakripisyo nila ay may patunguhan. Sana lang..

Sana lang...





To be continued...





---------

Hold on guys.. Were nearly end.

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon