Chapter Twenty Eight

45.7K 1K 25
                                    

Natapos na lahat lahat ang pinapanood nilang mag ina pero sadyang hindi niya naunawaan ang palabas. Okupado kasi ang isip niya. At iyon ay dahil sa halik na iginawad ni Tobias sa kanya.

Na kung hindi pa nila narinig ang iyak ni uno sa loob ng bahay ay hindi pa sila maghihiwalay. Napahawak siya sa batok niya ng maaalala niya ang nangyaring iyon. Mabuti na lamang talaga at hindi naisipan ng anak niya na lumabas ng pintuan.


Naalala niya ang huling sinabi ng anak niya.

Nay may gusto po ba sa inyo yung bosss niyo? Napahinto siya sa paglalakad nang marinig niya ang sinabi ni uno.

Saan mo napulot ang tanong na iyan? Alam iyang matalino ito. Pero imposible na sa edad nito'y maisip na niya ang ganoong bagay. Kay lola po. Nagtatanong siya. Kasi ang bait bait po ng boss niyo satin e. Inosenteng paglalahad ng anak niya.

Hindi na siya magtataka kung maisip iyon ng biyenan niya. Ito ang unang pagkakataon na may lalaking dumalaw sa kanila. At may lalaki silang nakasalamuha maliban sa namatay niyang asawa. Yumuko siya at pumantay sa anak. Makinig ka kay nanay anak... Siya at ako ay magkaibigan lang. Naiintindiham mo? Magkaibigan lang kami.

Tumango tango ang anak niya na wari'y nauunawaan ang lahat.

Magkaibigan lang.

Magkaibigan lang...


Hoy! Napabalikwas ang isip niya nang makita si vina na nakatayo sa harapan niya. Ito ang unang pagkakataon na sabay na ulit sila ng oras ng trabaho. Nagkaroon kasi ng rotation noong nakaraang araw.

Papatayin mo ba ako sa gulat? Sita niya. Tumabi ito sa pagkakatayo niya. Alam mo ikaw.. Naglilihim ka na sakin e.


Naglilihim ng ano? Matagal na rin niyang kaibigan ito kaya kahit papaano ay nagtitiwala siya dito.


Sus! Maang maangan. Naglilihim kana sakin. Tumaas ang isa nitong kilay.


Alam mo ikaw, hindi kita maintindihan. Bahala ka nga d'yan. Kinipkip niya ang hawak na clipboard at saka akmang tatalikuran ito.


Pero mabilis siya nitong napigilan. Ayun oh! Kanina ka pa tinitignan habang tulala ka naman d'yan. Sinundan niya ang tinuturo nito. At halos mahigit niya ang hininga nang makitang nakatitig sa kanya si Tobias.

Uminit ang pisngi niya dahil sa biglang pagkindat nito sa kanya na hindi lamang siya ang nakakita kung di si vina rin. Sabi ko na nga ba.. May something sa inyong dalawa e. Palatak nito sa kanya. Hinila niya ito sa tagong bahagi ng bar.

Ano ka ba vina. Mamaya may makarinig sayo baka kung ano ang isipin. Mahihiyang sabi niya. Masama pa rin isipin ang ganoong bagay. Oh!  Eh!  Ano naman? Wala naman kayong sabit pareho ah! Maganda ka naman! Di ka naman mukhang basura. Gusto niyang matuwa sa sinasabi nito pero may hindi tama. Hindi tama na magisip siya ng mas malalim pa sa kung ano ang ugnayan nila ni Tobias ngayon.

Marahil biyuda at biyudo nga ito. Pero hindi ibig sabihin niyon ay tama na pantasyahin niya ito.


Edi umamin ka nga! May gusto ka sa boss mo! Pang aasar ng kabilang bahagi ng isip niya.

Mamaya na nga natin pag usapan yan. Ikain nalang natin ito. Tinalikuran niya ito pero hinabol pa rin siya.

Hindi kita titigilan hangga't di ka nagsasabi ng totoo. Madiing saad nito.

Totoong ano? Wala naman akong aaminin sayo dahil wala naman akong tinatago. Nayayamot na sagot niya. Sa totoo lang hindi naan niya talaga alam kung paano sagutin ang tanong nito kaya hangga't maaari iiwasan na laang niya.


Eh!  Bakit ganoon makatingin sayo yun? May pakindat kindat pa. Infairness bagay kayo. Sinagi nito ang balikat niya sabay ngisi.

Magtigil ka nga vina. Magkaibigan lang kami kung yun ang gusto mong malaman. Pananaway niya. Tara na. Gutom lang yan.

Uy! Umiiwas... Narinig pa niya ang pagtawa nito. Napapailing na lamang siya. Pero sa kabilang banda.. Bakit kinikilig siya sa panunukso ni vina?


Nakadalawang hikab na si edy pero wala pa ring dyip na humihinto sa harapan niya. May dumaan man. Laging puno na. Pasado alas otso na ng umaga at antok na antok na siya.

Sumandal siya sa poste ng may itim na sasakyan ang huminto sa harapan niya. Hop in. Ihahatid na kita. Nanlalaking mga mata na nakatingin siya kay Tobias.

Nakangiti ito sa kanya ng ubod tamis. Bakas sa mukha nito na bago itong ligo dahil makinig at halatang basa pa ang buhok. Akala ko umuwi na siya.


Hindi na. Magtataxi nalang ako. Tanggi niya. Nakakahiya naman at isa pa ayaw niyang lumawak ang espekulasyon ng biyenan niya ukol dito kung makikita itong muli. I insist. Kaya sumakay kana. Rush hour ngayon kaya traffic. Baka tanghali kana makauwi. Tama ito. Baka tanghali pa siya makarating sa kanila. Isa pa wala talagang dumadaan ma sasakyan na kakasya siya. Sasakay ka ba o bubuhatin kita papasok dito.


Wala na siyang nagawa kung di pumayag. Sumakay siya sasakyan nito. Pagkatapos niyang ikabit ang seatbelt ay bahagya siyang napaigtad ng hawakan nito ang kaliwang kamay niya at pisilin ang kanyang palad.


I miss you...





To be continued...





-------

Sorry kung binura ko po ung una. Putol putol po kasi. Hindi ko alam kung bakit.


GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Where stories live. Discover now