Chapter Fourteen

43.8K 1K 15
                                    

Sinalubong niya ang tingin nito. Totoong pamilyar ang mukha nito. Hindi lang talaga niya matandaan kung saan at paano niya ito nakilala.

Maging ito rin ay nakatitig sa kanya. Sinusuri ang bawat anggulo ng mukha niya. Lalo niyang nasiguro na kilala niya ito sapagkat tinawag siya nito sa sarili niyang pangalan. 'Nay! Naramdaman na lamang niya na nasa gilid niya si uno.


A-Anak mo? Biglang tanong ng babae sa harapan niya. Nagaalangan kung tatango siya o hindi. Sa huli ay nagsabi na rin siya ng totoo. O-Oo..

Oh God! Narinig niyang bulaslas nito. Naguguluhan siya sa inaakto nito. Bakit ba kung umakto at magtanong ito ay parang kilalang kilala siya. Sa hitsura naman nito na mukhang sosyal at mayaman ay imposibleng naging kaibigan niya ito. Bakit ba kasi hindi niya matandaan kung paano niya ito nakilala.

Panay naman ang hila ni uno sa laylayan ng suot niyang shirt. Nanatili kasi ang mga mata niya sa babae. Pilit niyang inaalala kung saan niya ito nakilala. Nanay! Nanay!

Bumaba ang tingin niya kay uno. Nagugutom ka na ba? Tara kakain na tayo. Yaya niya sa bata.

Pero hinila muli siya nito. Sandali po nanay. Nagtatakang tinignan niya ito. Hindi niyo po ba siya nakikilala? Sabay lingon sa babaing magpahanggang ngayon ay nasa harapan parin nila.

Doon pilit niya muling inalala ang hitsura nito. Siya po yung nasa TV nanay! Siya po yung magaling kumanta! Bulaslas ng anak niya.

Nagliwanag ang mga mata niya. Oo natatandaan ko na siya! Si Penelope o mas kilalang Penny. Oo nga! Tanda ko na! Natutuwang bulaslas niya.

Ang babae naman ay tila sandaling natigilan. Kaya pala pamilyar ang mukha nito sa kanya ay dahil isang sikat na singer ang nasa harapan niya. Kaya pala halos itago na nito ang mukha sa makapal na salaming kulay itim. Buka sara ang labi nito dahil marahil sa gulat. I have to go. Maybe i mistaken you from someone i know. Sabi nito saka muling ibinalik ang pagkakasuot ng salamin sa mga mata.

Teka! Sandali lang po. Sabay hawak niya sa braso nito. Idol na idol ka kasi ni nanay baka pwedeng----.

Don't touch me! Totoong nagulat siya sa biglang pagbabago ng tinig nito. Naroroon ang iritasyon. Mabilis niyang binitiwan ang brasong hawak hawak niya.

Pasensya na p-po. Walang lingon likod na umalis ito sa harapan niya. Hihingi lang sana siya ng autograph para sana sa biyenan niya. Kaya lang masungit pala iyon.

Sayang. Mukha pa namang mabait iyon kapag nasa harapan ng camera. Lalo na kapag interview niya. Hindi naman niya kasalanan na nakilala niya ito. Unang una ito ang unang lumapit sa kanya at hindi siya. Kung hindi pa dahil sa anak niya ay hindi niya ito makikilala.

Ganito pala talaga siguro kapag dumaan na sa Cesarean operation, nagiging makakalimutin na. May mga bagay kasi na bigla ay nakakalimutan na niya.

Inakay na lamang niya si uno. Ikakain na lamang nila ito. Nanay, bakit po kilala kayo noong artista? Kaibigan niyo po ba siya?


Kilala mo ba siya? Kilala mo ba siya? Sunod sunod ang tila mga naging tanong sa isip niya. May mga boses na tila bumunulong sa kanya. Mga piping tinig na hindi niya maunawaan kung saan nagmumula.

Meet my lovely wife, Edizel. She smiled to her husband. Everytime he introduced her, palaging may ganoong adjective. Nahihiya kasi siya kapag may mga----.

Nay? May sakit po ba kayo? Bumaliksa dati ang takbo ng isip niya nang marinig ang boses ng kanyang anak.


H-Hi anak, nahihilo lang si nanay. Ang dami kasing tao dito. Sinabayan niya ng iling. Totoong marami kasing tao.

Pilit niyang iniwaksi sa isip ang mga bagay na hindi naman siya pamilyar pero tila alam na alam niya. May mga bagay siya na dapat unahin kaysa ang mag isip ng kung ano ano.



Nanaginip ka lang ng gising...




To be continued...

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon